CHAPTER 2

17 2 0
                                    


CRYSTAL'S P.O.V

mahigit kalahating oras ako nagpadyak ng bike bago ko marating tong paaralan na to.



pano ba naman may katangahan na naman akong ginawa, ponyeta unang araw palang to pero nakakadalawang beses na ako ng katangahan.

siguro may sumpa tong paaralan na to, sunugin ko kaya to? tapos sabihin ko may sakit lang po ako sa pag iisip kaya ko yun nagawa.



*FLASHBACK*

habang papalayo ako kay klert na baklang kabayo, di ko parin mawala sa isip ko kung paano nya nalagyan ng record ang boses nya sa selpon ko?

sabagay sabi nga nila

ang mga bakla ay mabibilis gumalaw, kasi nga kabayo.

true naman, kasi biruin mo nakatayo lang ako dun pero nalagyan nya na ng ganon o baka naman bobo lang talaga ako kaya nya nalagyan ng boses nya ang selpon ko?

tsaka anong pinagsasabi nung hayop na bakla na yon?

sa pagkakataon daw na ito ay gusto nyang malaman ang pagkatao ko?

bakit? mukha ba akong aswang sa paningin nya? kung bayaga* ko kaya yun para tumino.

habang lumalayag ang kaisipan ko naramdaman ko nalang na parang may tumutulo sa gitna ng tuhod ko, Huminto ako at tinanaw kung anong meron dun.

nakita ko ang pag agos ng dugo sa tuhod ko, marahil ay nakuha ko ito
sa aksidente kanina kanina lang.

malaki ang guhit na nadaplisan sa bandang ibaba ng tuhod ko agad ko itong pinunasan tsaka ako nag pedal palayo ngunit sa pagkakataon na ito ay kumirot na kaya nahirapan na ako magpedal, Ponyeta kang tuhod ka umayos baka gusto mong mawalan ng saysay sa mundo.

TUHOD: "kung puputulin mo ko, baka gusto mong maging lumpo? "

Me: Aba sumasagot kana din?!

tsaka ko sya pinalo.


huh! anong akala mo sakin? bobo?


Tuhod: "bobo ka naman talaga aminin mo na hiya ka pa."

inirapan ko nalang ang tuhod ko at di na pinansin, ponyeta pati ba naman tuhod inaaway ako? sino na ang magiging kakampi ko kung pati parte ng katawan ko ay kaaway ko?!

gusto kong maiyak pero ayoko.


No.. I don't cry... Aym strong...


nagpedal na ako papalayo upang maghanap ng drug store or mabibilhan man lang ng gamot dito, tiniis ko nalang ang sakit ng tuhod ko marahil ay sinasadya to ng tuhod ko pakirutin dahil nasagutan ko ang pinagkakaingatan nya sa lahat wahhh!! grabe ka tuhod di mo man lang ako pinapunta muna sa school.

ansama sama ng pagkatao mo, ay di ka pala tao.

mas sumakit ang tuhod ko dahil sa ginawa ko.

aba, apaka pangit talaga ng ponyeta na to.

sinasadya nya yan, Wala syang mabuting katuhodan.

lumiko na ako sa isang street at...

yawa!! di ko pala alam kung saan ang botika dito, Hayop na yan bat ba lahat ng katangahan nasa katawan ko na? bat ganto binigay mong katangian sakin author? bakit? bakit?!!

A/N: dsurb.

nagpadyak ulit ako para naman makapagtanong tanong kung saan bilihan ng gamot dito, hindi pa kasi ako nakakagala sa lugar na to, kasi ang kagandahan ko ay para lang sa bahay namin.

Until Our paths met again.Where stories live. Discover now