CHAPTER 4

13 3 0
                                    

CRYSTAL'S P.O.V

nagising nalang ako ng marinig ko si kuya na kumakatok sa pintuan ko, Ewan ko kung anong problema nito at ganto kalakas ang katok nito.

tumayo ako na pinupunasan pa ang muta sa mata tsaka ko binuksan ang pintuan tsaka humikab, nakita ko si kuya na parang papatay ng tao.

kingina neto anong problema ng bakulaw na to?

kumunot ang mga noo ko kasi di ko alam kung ano ang sinadya ng kutong lupa na to sa kwarto ko, pag ako nainis iistraighten ko ng kamao ko mukha nito.

"bakit ka nagtext sakin na nasa bar ka?!" sigaw nya saakin ng may halong galit.

huh?! anong sinasabing bar na to?

agad nawala ang antok ko dahil sa sinabi ni kuya na ano daw? nasa bar ako?! kailan pa ako natutong uminom? bat alam ng cp ko tapos ako hindi? hays!

"anong pinagsasabi mong nasa bar ako? eh mahimbing tulog ko dito!"
agad kong bwelta sakanya, Abay malay ko bang may sariling mundo cellphone ko at naglakad mag isa sa bar.

agad nya akong pinanlisikan ng mga mata humakbang sya saakin papalapit tsaka..... inamoy ako?!

mukhang di kumbinsido ang alien na to.

bat ako inaamoy ng hayop na to? di nya naman sakin sinabi na gusto nyang mag imbento ng pabango at ako ang inspirasyon.

umatras ako habang inaamoy ako ni kuya dahil di ko alam kung bakit nya yun ginagawa.

eto talagang kuya ko kulang kulang sa pag iisip.

"teka teka! anong trip mo kuya ha?! naka drugs ka ba ngayon or isa ng imbestigador?"

agad syang natauhan sa sinabi ko at agad may kinuha sya sa bulsa nya.

selpon nya.

nagpipindot muna sya sa cellphone nya tsaka may ipinakita saakin.

nanlaki ang mga mata ko dahil number ko ang nagtext sakanya at may tinext pa... ako? Bat makakapag text ako e wala nga akong cellp----

tekaaaa!!! oo nga nawawala cellphone ko!!

"kuya hindi ako nagtext nyan kasi kanina pa nawawala cellphone ko, kaninang tanghali pa!"

agad kong tanggi kay kuya dahil totoo naman na wala saakin ang selpon ko buhat kanina dahil sa katangahan na mayroon ako. marami nga palang ganap ngayong araw at kasama pala ang pagkawala ng bulok kong selpon hyop naman!

kumunot ang noo ni kuya halatang nagtataka na din kung paano nya papaniwalaan ang mga sinasabi ko, At ang ipinagtataka nya na kanino ngayon ang selpon ko. maski ako nagtataka kuya at nag aalala na kung sino may hawak non dahil baka makita nya yung mga kagaguhan ko sa gallery at yung mga nudes ko!!

pano na ako pag na expose ako wah!!

"tawagan ko kaya para malaman ko kung nagsasabi ka ng totoo."

pinindot ni kuya ang call at ako naman na chismosa na anak ni marites na may halong susan lumapit ako habang kabado sa mga posibleng mangyare dahil baka isang mafia nakakuha ng selpon ko or kaya isang boss sa company tapos maiinlab sakin yun kapag kinuha ko ang selpon ko tapos papalitan nya ng bago hahahhaha jok,

nakatitig lang kaming dalawa ni kuya sa selpon nya habang patuloy parin itong nagriring.

bat ambagal naman sagutin ng hayop na nakapulot sa selpon ko?!

pinatay ni kuya ang call tsaka tumawag ulit, halatang naiinis na sya ngayon dahil antagal sagutin.

pumasok sya sa loob ng kwarto ko at sinundan ko naman sya.

Until Our paths met again.Where stories live. Discover now