CHAPTER 5

9 3 1
                                    

***

"Lorenz, Can we stop? hindi ko na kaya... ayokong makita kang nahihirapan para lang intindihin ako." sambit nya sakin habang humahagulgol.

nakatitig lang ako sakanya at binabasa ang mga mata nya, Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. bawat letra na binabanggit nya sakin di ko maadopt sa sarili ko o baka di ko lang talaga kayang tanggapin na hahantong kami sa ganto.

mahal na mahal ko sya pero bakit humihingi sya ngayon ng kalayaan naming dalawa?

nandito kami sa isang eskinita tanghali ngayon dahil kakauwi palang namin parehas, sinundo ko dahil ayokong magcommute syang mag isa.

nakahawak lang ako sa susi ng sasakyan ko hindi parin ako sumasagot sa mga sinasabi nya dahil wala naman akong balak tanggapin na magtatapos kaming dalawa.

huminga ako ng malalim pinipigilan ang mga luhang nagbabadya sa mata ko, Masakit. bakit ansakit sakit hindi ka ba nahihirapan makita ako ng ganito tiffany? paano na pinagsamahan natin sa apat na taon.

tumingala na ako dahil ramdam ko na ang init sa mga mata ko, tumalikod ako dahil ayokong makita nyang naapektuhan ako sa mga sinasabi nya ayokong ipamukha sakanya na kaawa awa talaga ako pag iniwan nya ako.

"a-ayoko, hindi kita hahayaang umalis sakin, aayusin natin to kaysa tapusin tiffany." sambit ko sakanya habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata, Humarap ako sakanya pagkatapos ko punasan ang mga luha, ngumiti ako sakanya kahit ang bigat ng dalahin ko ngayon na nakikitang umiiyak sya sa harapan ko at nagmamakaawang pakawalan ko sya.

hindi ko kaya.

lumapit ako sakanya at hinawakan ang mga kamay nya, tumingin ako d'on atsaka dahan dahan na tumingin ulit sa mga mata nya.

kung ito ang huling beses na hahawakan kita, ayoko ng pakawalan ka.

"hindi ko kaya tiffany na sa paggising ko ng umaga... wala kana." pilit akong ngumiti ng mapait, ayoko pa na bitawan ka.

binawi nya yung kamay nya tsaka sya huminga nang malalim, Pwinepwersa nya rin siguro yung sarili na di umiyak sa harapan ko.

nanghihina na ang kamay ko dahil sa nangyayare kaya agad ko syang nabitawan nung kumalas sya sa pagkakahawak ko.

"sa tingin mo hahayaan pa ako ng pamilya kong makipag relasyon sayo, Lorenz... ikakasal na ako pagkatapos ko ng kolehiyo, sinabi lang sakin to ni daddy at ipapakasal nya ako sa anak ng kaibigan nya sa kompanya." dire diretso nyang sabi saakin nakita ko na rin ang namumuo nyang luha sa mata.

nanghihina ako sa mga naririnig ko dahil sa mga nakakatusok na salita na  galing sa taong pinakaiingatan ko, sumasakit ang puso ko kasabay ng pagtikom ng mga bibig ko, hindi ko masabi ang unang letra dahil sa mga narinig ko.

ikakasal na sya? at di saakin kundi sa iba.

gusto kong tanungin kung bakit pumayag sya sa deal ng pamilya nya at pamilya nung taong ikakasal sakanya, Bakit sa lahat ng magkakapatid sya pa piniling ikasal sa iba.

bakit?!

umagos na ang luhang pinipigilan ko buhat kanina tumingin ako sa mga mata nya alam kong nasasaktan din sya, alam kong ayaw nya din to.

nakikita ko sa mga mata nya na gustong gusto nya ng umalis para di na ako makitang ganito, nakikita ko sakanya na nasasaktan din sya sa mga nangyayari saming dalawa, maski ako nasasaktan tiffany! nasasaktan ako kasi yung mga pinagpaguran natin bigla nalang maglalaho.

humakbang ako at niyakap sya nang mahigpit naramdaman ko na humahagulgol ulit sya.

mamimiss ko ang bawat yakap mo.

Until Our paths met again.Where stories live. Discover now