CHAPTER 3

20 2 0
                                    

CRYSTAL'S P.O.V

"hoy!" Yugyug sakin ng kung sino habang naalimpungatan ako.

sino ba tong hayop na to? natutulog yung tao ambastos ng pag uugali.

"Hoy!! bawal matulog dito!" sigaw nya ulit saakin pero dineadma ko lang sya.

bakit sino ba sya para gisingin ako? Baka gusto nitong mauppercut yung mukha.

"teka kasi 10 minutes pa kuya inaantok pa ako!" pagkasabi ko sa taong kanina pa kumakausap saakin at pilit akong ginigising, Tinapik ko yung kamay nya dahil nakasandal ito sa balikat.

may narinig ako ng kaunting tawanan pero pinag sawalang bahala ko nalang dahil baka guni guni ko lang yun, Baka meron na namang fiesta sa utak ko kaya nagtatawanan sila.

"kung di ka gigising Ms. SANTIAGO, ikakaladkad nalang kita palabas dito sa kwarto!"

sigaw sakin ng isa pang engkanto sa paligid ko habang ang ulo ko parin ay nakatabingi at nakapikit pa ang mga mata.

huh? sinasabi ng kumag na to? eh sya nga dapat umalis kasi kwarto ko to.

naiinis na ako pwede bang bukas nalang sila magreklamo, Kanina pa tong mga multo na to e kung sino kayong mga engkanto lumayas kayo dito sa kwarto ko.

itinaas ko na ang ulo ko sa gawi ng nagsasalita habang nakapikit pa din ang mga mata ko.

antok na antok ako nang iistorbo pa tong impakto na to.

"ano ba?! ang inga----" a

sigaw ko sakanya pagsabay ng pagdilat ko ng mga mata, pero agad din akong napatigil dahil nakita ko ang mga taong nasa paligid at pilit tinatago ang pagtawa.

mga naka uniform at nasa iisang kwarto lang kami.

Teka asan ako?

naglalayag na ba kaluluwa ko?

pero paano?

sa sobrang gulat at di ako makapaniwala at bumaling ako sa katabi kong multo or engkanto na tong nakauniform.

tinititigan lang ako ng nakatayo sa harapan ko habang naka cross arm ito at nakapatong sa dibdib, halatang naiinis na to.

napatitig ako sa Paligid ko sinusubaybayan lang din nila ang pag galaw ko.

teka asan ako? bat nakasuot ako ng uniform? nasa bahay ako kanina ha!

teka teka panaginip lang to diba?

pumikit ako pero wala paren, di pa rin ako nagigising.

sampalin ko kaya sarili ko?

sinampal ko ang sarili ko at nakarinig ako ng mga tawanan.

teka bat wala paring epekto?

napatitig ako sa paligid ng tumama ang paningin ko sa isang librong nasa paanan ko at ang headset ko na nalaglag din.

pinulot ko iyon at naalala na ang lahat na nasa...

school nga pala akoooo!! wahhh! lagot

nakatulog nga pala ako kanina habang nagbabasa kasi inantok ako, sabi ko di ako iidlip pero nakatulog pala ako!

Unti unting umangat ang tingin ko mula sa paanan ng teacher ko pataas nakita ko ang maitim nyang awra na nakatitig saakin na parang kaunting galaw ko lang ay kakainin nya na ako, Kinakabahan akong inilagay sa table ko ang librong nahulog at pinatong doon ang headset, lumunok ako ng malalim atsaka tumingin sa paligid nakatingin lahat sila saakin at hinuhusgahan na naman ang pagkatao ko.

Until Our paths met again.Where stories live. Discover now