M E S S E N G E R
12-27
2:46 PM
Azriel Slade Silverio
Active NowKailea
Seryoso sa sinabi?
Alin do'n?
Azriel
'Yung sinabi kong hindi ko na lalapitan sina Keith
Na hindi ko sila kakausapin kung hindi sila 'yung lalapit sa 'kin
Para hindi ka na mailang
Kailea
Tanga ka ba
Buhay mo 'yan kaya bakit parang naka-depende sa 'kin 'yung kilos mo
Bahala ka kung gusto mo silang kasama
Ang sa 'kin lang, 'wag mo 'kong isama kung kakausapin mo sila
Azriel
Kasi naman
Call nga kita
Kailea
'Wag ka nang mag-abala
Hindi ko sasagutin, tanga
Azriel
Luh, bilis na
'Di mo naman ako isi-seen 'pag sa chat ko pinaliwanag
Kailea
Duh
'Di mo kailangang magpaliwanag
Gets ko naman
Okay na 'yon
Azriel
Maniwala sa 'yo
Kailea
Oo nga, promise
Azriel
Call kita kung 'di ka galit
Kailea
Hindi nga 'ko galit
'Wag mong ipilit
Azriel
Eh, ba't ayaw mo ng call?
Kailea
Fine!
Kasi nung magkausap tayo nung nakaraan, narinig ni Dada
Boyfriend ko raw ba kausap ko
As if namang may boyfriend ako
At boyfriend kita🙄
Azriel
Ah, gano'n ba
HAHAHA
O sige, punta nalang ako d'yan
Kailea
'Wag ka nang pumunta!
Lagi ka nalang nandito
Akala mo naman ang lapit-lapit ng bahay niyo dito
Balak mo ba 'kong palitan bilang anak ng magulang ko?
Azriel
Hindi
Balak kong maging magulang rin 'yung mga magulang mo
Kailea
Ayoko nga!
Kahit na ayokong maging only child (na wala naman akong choice)
Ayaw kitang maging kapatid
Wala akong kapatid na kupal
Azriel
Kasi gusto mo mag-ano tayo
Kailea
Ano?!
Azriel
Mag-pinsan
HAHAHA
Kinabahan ka ba?
Galit agad, eh
Kailea
Ayaw kitang maging kamag-anak
At ayaw kitang maging parte ng pamilya namin
'Di ka belong🙄
Azriel
O sige, ikaw nalang isasali ko sa angkan namin😉
Kailea
Ayoko nga
Sino k b
Wait nga, kausapin na natin si Julya
Malapit na birthday niya, 'di ba?
Azriel
Ay oo nga pala
Tanungin nalang natin sa gc kung anong ganap sa bidet niya
Kailea
Bidet?
Azriel
Bday
Duh
Haynako, Kailea
Kailea
Ewan ko sa 'yo, Azriel
Azriel
HAHAHA
Seen 2:57 PM