M E S S E N G E R
02-18
11:49 AM
Keith Genesis Benitez
Active NowKeith
Hi, Keia!
Kailea
Hello, bakit?
Keith
Ah, ano kasi
Tinatanong ni Mommy kung gusto mo raw sumama sa dinner
Inaaya ka sana niya sa dinner namin mamaya
Kailea
Hala, 'wag na, nakakahiya
Keith
Hindi 'yan
Siya rin 'yung nagsabing ayain kita
Kailea
Pasensya na, hindi ako makakapunta
Sabay-sabay kasi kami nina Dada palagi, eh
Bakit pala bigla akong inaya ni Tita?
Keith
Ah, nakwento kasi kita sa kanya😅
Kailea
Luh, bakit mo naman ako ikukwento
Keith
Wala naman
Tinanong niya lang kung may girlfriend na raw ba ako
Tapos nabanggit lang kita
Sorry
Kailea
Bakit mo 'ko babanggitin eh hindi naman tayo
Keith
Hindi ko rin alam bakit ikaw 'yung nabanggit ko
Pero wala naman akong girlfriend, 'wag kang mag-alala
Kailea
Okay?
Bakit naman ako mag-aalala
Weird mo
Keith
Wala, gusto ko rin sanang tanungin ka kung pwedeng manligaw
Dapat sa dinner ko sana tatanungin kaya lang hindi ka pala pwede
So, ano?
Pwede bang manligaw?
Kailea
Ha
Hindi ko alam
Hindi? Ewan?
Hindi ko alam
Bakit nambibigla ka naman
Keith
Sorry, hindi naman kita minamadali
Kaya lang hindi talaga?
Wala ba akong chance?
Sabi mo naman dati gusto mo 'ko
Lagi mo pa nga akong kinukulit no'n, eh
Kailea
'Yun na nga
DATI lang
Hindi na ngayon
Wala na sa 'kin 'yung nangyari noon
Kinalimutan ko na nga rin, eh
Friendship lang ang mai-ooffer ko sa 'yo
Keith
Pero ayokong maging kaibigan mo lang
Kailea
Well, 'yan lang 'yung available
At ayaw kong higit pa sa friendship 'yung kung ano mang meron sa 'tin
Sorry
Keith
Kailea
Kailea
Don't call me that
Keia nalang
Sorry, Keith
Keith
Bakit?
Dahil kay Silverio?
Dahil siya 'yung gusto mo?
Sabi ko na nga ba, eh
Kailea
Keith, 'wag kang bobo
Hindi mo dapat dinadamay 'yung ibang taong walang kinalaman dito
Ayoko lang talaga sa 'yo
Keith
Bakit?
Eh, dati nga para kang aso na habol nang habol sa 'kin
Kailea
PUTANGINAMO OO NA PINILIT KITANG KAUSAPIN AKO
Pero sa tingin mo ba hindi ko pinagsisisihan 'yon?
Lalo na't ganiyan 'yung ugali at pagtrato mo sa 'kin?
Aso?
Talaga?
Ulol!
Keith
Keia, sorry
Sorry, hindi ko sinasadyang sabihin 'yon
Keia, i-seen mo naman ako!
Fuck!
Sent 12:01 PM