KTK 29

99 3 3
                                    

M E S S E N G E R

01-05

5:54 PM

Azriel Slade Silverio
Active Now

Azriel

Gwapo ako, hindi ako cute

Ay may tanong pala ako

Kailea

Ano 'yan?

Nakakakaba ka naman

Azriel

Anong mararamdaman mo kung may magpaalam na manligaw sa 'yo?

Kailea

Ewan ko

Depende kung gusto ko 'yung tao

Bakit bigla mong natanong?

May nililigawan ka na?!?!

Sino 'yan? Pakilala mo kami!

Azriel

Ah, akala ko pinapayagan mo lahat, eh

Hindi ako!

Kasi itong si Janina

Habang pauwi kami

Nagpaalam sa 'kin na kung pwede raw ba siyang magpaligaw

Aba, siyempre humindi ako

Tapos ayon, buong byahe akong hindi kinausap

Nagtanong pa siya kung magagalit din pala

Kailea

Hala HAHAHAHAHA

Bakit kasi ikaw 'yung nagbabawal?

At saka 18 naman na siya, ah?

Azriel

Nag-aaral pa siya

Distraction lang 'yon sa kanya

Kailea

Grabe, hindi ba pwedeng inspiration?

Azriel

Sus

Hindi ako naniniwala d'yan

At saka sa akin siya nagtanong kasi alam niyang mas hindi siya papayagan nina Mama at Papa

Kailea

Tapos hindi mo rin pinayagan

I mean, nasa tamang edad naman na siya

Parang hindi maganda kung pagbabawalan niyo siya

Kasi mas lalo lang siyang susuway sa inyo

Knead to KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon