M E S S E N G E R
02-23
9:40 PM
Jace and Azi's Chipettes
Active NowJulya
Ang corny ng gc name
Mas okay pa 'yung dati🙄
Azi
HAHAHAHAHAHAHA ang sama ng ugali mo!
Julya
Bakit ba kasi iniba pa?
Jace
Grabe ka, ayaw mo ba 'kong nandito?
Julya
Ay, hindi ba halata?!
Jace
HAHAHA inaano ba kita?
Julya
Wala! Kahit wala kang ginagawa nakakairita ka na!
Jace
Sus, wala naman pala, eh
Ikaw nga kahit binatukan mo 'ko no'n hindi naman ako gumanti
Keia
HAHAHAHA
Julya
Tawang-tawa si gago, oh!
At pwede ba?!
'Wag mo nang i-bring up 'yung past!
Hindi nakakatuwang maalala ka🙄
Jace
So naaalala mo 'ko?
Julya
Oo, sa tuwing nakikita ko si satanas!
Jace
Sus, if I know nami-miss mo pa 'ko
Julya
Ang kapal?!
Ay, whatever bakit ba kasi kinakausap pa kita
Jace
Kasi gusto mo rin
Kunwari ka pang naiinis pero miss mo naman pala ako
Julya
Pwedeng manahimik ka?!
Panggulo ka sa gc na 'to!
Dati, ang saya-saya namin!
Bakit ba kasi in-add mo 'yan, Kaz?!