KTK 105

104 1 4
                                    

M E S S E N G E R

04-01

10:50 AM

Fast and Curious sa Chismis
Active Now

Keia

Pupunta ba kayo dito?

Julya

Girl, ikaw 'yung nagyaya

Keia

Bawal i-confirm?

Julya

Pwede naman

Keia

So ano nga?

Pupunta kayo?

Julya

Oo

Jace

Oo (2)

Kaz

Yup!

Keia

Okay

Pero mamayang hapon na

Julya

Luh, bakit?

Usapan 11, ah?

Azi

Ako hindi mo 'ko tatanungin?

Keia

Hapon na nga lang

Magkikita pa kami ni Geniva

Julya

LUH BATI NA KAYO?!?!

Kaz

Weh? Kailan pa?

Jace

Luh, ba't 'di niyo alam?

'Di ba sabi ko no'n nag-sorry 'yung babae?

Julya

Ah sinabi mo ba

Wala kasi kaming paki sa 'yo

Kaz

2

Keia

HAHAHAHA

Oo, sabi niya sorry daw

Ayaw niya na raw kay Keith

Siraulo raw talaga 'yon

Julya

O 'di ba

At least natauhan

Pero bakit ngayon mo lang sinasabi 'to?

Azi

Luh, 'di ako pinapansin

Keia

Hindi ko pa ba sinabi?

Alam ko sinabi ko na, ah?

Azi

Galing, oh

Ayaw talaga akong pansinin, oh?
😆 3
Seen by everyone

Knead to KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon