MISSION

22 0 0
                                    

"Black!" Tawag ni Blue. Malamig na tinignan ni Black si Blue.

"Pinapatawag tayo ni Master" malamig na sabi ni Blue. Dirediretsong tumayo si Black at naglakad. Nakasunod lang sa kanila sina Red at Magenta. Ang kambal.
Hindi sila magkamukha, Fraternal, indeed.

Habang naglalakad sa isang makipot na daan sa Royale...

Ang royale ay ang Headquarters ng Royal Gang. Sila lamang ang nakakaalam ng lugar na to at wala nang iba. Miski si master hindi ito alam...

Merong anti-tracker ang buong bahay na matinding nakaencode dito.

Pumasok sila sa isang kwarto kung saan may isang malaking screen nakatapat sa isang couch. Sa harap ng screen ay may apat na admin computers at sa likod ng kada admin computer ay may tatlo pang monitors. Sa likod ng couch ay may sampung monitors pa. Dito nagfoformulate ng mga encoders ang RG

Biglang bumukas ang pinakamalaking monitor

Iniluwa nito ang isang Hapong Lalaki. Nasa mid-40's na ito.

"Master King." Malamig na sabi ng apat na babae.

"Hello, ladies." Nakangiting sabi ni Master K. Isang ngiting kakila-kilabot.

"What do you want?" Walang kare-reaksyong tanong ni Black.

"You have a mission." Nakangising sabi ni Master K.

Tinitigan lang nila ang nasa monitor nang walang karea-reaksyon. Wala lang ito sa kanila sanay na sila.

"Iba ang misyong ito,Princesses." Malamig na sabi ni Master K.

"Ano bang bago sa misyon namin?" Malamig na sabi ni Red.

Tumawa ng isang kakilakilabot si Master K. Pero walang bakas ng takot sa mata ng royal.

"Kailangan niyong patayin ang dalawang grupo na nais kayong burahin sa mundong ibabaw. Sa loob lamang ng 7 buwan. At pag nagfail kayo sa misyong ito, ako ang papaslang sa inyo." Mariin na sabi ni Master at ngumiti ng matamis ngunit nakakatakot.

Ngumisi lang ang apat na babae.

"At ang exciting part? Lahat ng sagabal sa plano ay dapat niyo na ding paslangin." At pagkasabing-pagkasabi ni Master K ng salitang "paslangin" ay namatay ang monitor. Nagkatinginan ang mga babae at ngumisi.

"Patayan lang pala ang gusto nila. Bat hindi pa natin lahatin?" Nakangiting tanong ni Magenta.

Si Magenta ang pinaka-marahas sa lahat. Pagsinabing patay, patay kaagad ayaw niya nang paligoy-ligoy pa.

"Mag-isip ka muna Magenta. Bago ka magsalita." Seryosong sabi ni Red ang kapatid ni Magenta.

Si Red ang pinakaseryoso sa lahat. At pinaka-mautak. Ayaw niya ng babagal-bagal. Kapag sinabi niya dapat ay gagawin mo ng tama at pulido kundi mananagot ka.

"Manahimik kayong dalawa." Mariing sabi ni blue.

Siya ang pinaka-magagalitin. Pikon kumbaga. Kaya wag na wag mo siyang kakalabanin kundi sa hukay ang diretso mo.

"Tss" at siya naman si Black.

Ang pinakatahimik sa lahat. Bihira magsalita. Malamig pa sa yelo kung makatingin. Katakot-katakot. Walang sinasanto. Siya ang pinaka-kinakatakutan sa buong gang. Na sa kanya na ang lahat ng katangian ng mga kaibigan niya. Siya si kamatayan pero mautak at wag na wag mo siyang gagalitin kundi mananagot ka. Patay na kung patay pero titig pa lang niya alam mo nang wala ka nang kinabukasan.

16 yrs old. Grade 10.

Same ages.

Heartless.

Cold.

And Death...

-----------

Umuwi kaagad ng Pilipinas ang apat ng babae na nasa Japan.

Pagkababa nang private plane. Sumakay sila agad sa kani-kaniyang kotse. May laman ang kotse nang iba't ibang kunai, katana, samurai at iba pang sandata.

Dumiretso kaagad sila sa Mansyon ng mga Royal.

Btw, may sariling airport. Well yung lalandingan lang ng eroplano at doon din nakapark ang mga kotse nila.

Pagkarating nila sa Teen Mansyon ay ibinaba na nila ang mga gamit. Wala silang katulong sapagkat wala silang pinagkakatiwalaan.

Si Leo lang ang pinagkakatiwalaan nila.

Ang kaisa-isahang bodyguard ni Black. Tinuruan siya ni Black ng ibat ibang martial arts at kung paano gumamit ng mga kunai o katana at iba pa. Siya din ang nagsilbing tagabantay ng mansyon.

Bukod doon may nakaencode ding proteksyon sa bahay.

Royal High here they are...

Game of Gangsters ((On-hold))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon