Who are you?

8 0 0
                                    

Sky's POV

Sh*t di ako handa dun ah. Ugh. Kumukulo ang dugo ko sa babaeng yon. Masyado siyang mabilis. At mga ngising iyon. Parang pamilyar. Pero di ko matandaan kung saan ko nakita.

"Nako pre. Napatumba ka ng isang babae." Napalingon ako sa nagsalita. Tss. Si Matt.

"Manahimik ka. Hindi ako handa." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay.

"Oh look! Trending na ang #IcePrinces Vs. #IcePrincesses" sabi ni Terrence na kaharap sa Mac niya. Napailing naman ako.

Sino ba sila huh?

"And guess what? Yung pinakamalamig tumingin ay si Xykirra Louie Sy, leader nila. Siya yung sumapak sayo. Then yung katabi niya ay si Samantha Gaile Lee. Tas yung katabi nung Samantha is si Viper Chloe Ong. Then yung katabi niya is Venom Clarisse Ong which happens to be cousin nung Viper." Bored na sabi ni Terrence.

So? Xykirra pala pangalan nung babaeng yon? Huh?! Sinimulan niya ako ha. Ako tatapos ng labang ito.

Pero may something sa kanya--wait, sa kanila.

Parang familiar yung pagtingin nila. Yung pagiging cold nila. Aish. Bahala na nga.

*blag*

Napalingon naman kaming tatlo sa pumasok. Si Paul.

"Uy pare. May bakbakbakan doon sa hallway. Guess what? Ang 'Ice Princesses' lang naman ang nandoon." Nakangising bungad samin ni Paul at umupo sa couch.

Andito nga pala kami sa Apartment. Well hindi normal na Apartment.

Sa loob to ng school. Basta.

Pero teka-- 'ICE PRINCESSES'?

"Ice princesses?" Tanong ko.

"Yea. Yung nanapak sayo" sabi ni Paul sabay halakhak. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nagsalita. Napaatras ka nga nung tingnan ka ni Xykirra eh." Bored na sabi ni Matt.

Binato ko kay Paul yung hawak kong ice pack at lumabas ng kwarto.

I need to check out what this girls are up to.

Nakita ko namang nakasunod yung tatlong gunggong.

Pagpasok ko sa hallway. Tahimik at tanging bunganga lang ni Criselda ang maririning. So technically speaking, maingay pa din.

Sila ang 'Royal Gang' kuno.

Yon ang sabi nung mga babaeng yon.

Kita ko naman na bored lang na tinitingnan nung Ice Princesses si Criselda.

Naghihimutok siya dahil tinalo siya ni Xykirra kanina.

"Hoy! Ano ba? Sumagot ka nga! Di mo ba alam kung sino ako? Ha?! Kami lang naman ang Royal Gang. Ang kinakatakutan ng lahat sa DAR." Uh oh.

Siguro nagtatanong kayo kung bakit buhay pa din sila hanggang ngayon? Eh kilala naman namin sila. Ito ay dahil humahanap pa kami ng tamang tyempo. Malakas din ito. Totoong malakas talaga.

Bumalik ako sa katinuan nung marining ang tawa ni Xykirra. Nakakakilabot.

"Royal Gang? Kayo?" Malamig na sabi ni Xykirra. Nakakatindig balahibong tanong.

Susuntukin sana ni Criselda si Xykirra sa mukha nang masambot ni Xykirra ang kamay ni Criselda at inilapit sa mukha niya si Criselda.

"You messed up with the wrong person" mariing sabi ni Xykirra at sinuntok ang free hand niya sa sikmura ni Criselda. Napaubo namam si Criselda. At namilipit sa sakit. Itinulak siya at napaupo sa sahig.

Hawak pa din ni Criselda ang tiyan niya ng lapitan ulit siya ni Xykirra at marahas na itinaas ang mukha ni Criselda.

"Wag kang magpanggap na malakas ka. Dahil kaawa-awa ang kahihinatnan mo." Malamig na sabi ni Xykirra at tinampal si Criselda.

Napalakas ang pagtampal ni Xykirra kaya napahiga si Criselda at may dugong lumabas sa bibig niya. Meron ding sugat sa pisngi niya.

Sinugod naman nang tatlong alipores ni Criselda yung tatlo pang kasama ni Xykirra. Umiiwas lang ang mga kaibigan ni Xykirra.

"Too slow" bored na sabi nung Samantha.

At sinapak si Leila. Tulog ito.

"Weakling." Walang ganang sabi ni Viper at tinuhod si Patrice. Na ikinaubo niya at napaluhod sa sakit.

nakita ko naman binalibag ni Venom si Beatrice. At nakatulog sa pagbagsak. Napatingin ako kay Xykirra.

Nakatingin siya sakin at ngumisi.

Ice Princesses, Sino ba talaga kayo?

Game of Gangsters ((On-hold))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon