Black's POV

Ako si Xykirra Louie Sy. Cold and heartless, two words to describe me.

Royal High? Hmm? Mukhang babagay kami dito.

Sabi ni Master K sa Royal High daw kami mag-aral. At sa gabi naman sa Cloud High naman.

Ang Royal High ay ang eskwelahan ng mga gangsters. At wala akong pakialam sa kanila.

Ganun din ang Cloud. Ang kaibahan lang eh, pang-gabi ang mga estudyante sa Cloud High.

Schedule:
Royal High - 6:00 a.m - 12:00 nn
Cloud High - 12:30 p.m - 6:30 p.m

Alam niyo kung bakit? Kasi dito lang naman nagaaral ang dalawang gang na nais pumaslang sa amin.

Ang dalawang pangahas na gang.

Isa lang naman ang plano naming lahat...

Flashback:

"So Black? Ano ang plano natin?" Tanong ni Red.

"Malamang patayin sila. tss" umiirap na sabi ni Magenta.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko Magenta!" Seryosong sabi ni Red.

"Whatever. Akala ko ba matalino to? Tss" sagot ni Magenta.

"Mag-isip ka nga muna Magenta. Hindi madaling mapatay ang dalawang gang. Expert na sila dito. Or i must say, professional na sila dito. Tingnan mo sa bawat galaw nila." Ibinalandra naman ni Red sa harap ni Magenta yung Tablet niya na may videos nung naglalabang ang Scorching Demons at Death Lion.

Bihasa ang mga SD. Kitang kita sa bawat galaw nila ang pagkaswabe. I must say na theyre really strong. Pero kaya pa din namin sila. Magaling din ang DL. Parehas silang magaling. No wonder tie sila ng pwesto sa Death Angels' Ring.

Ipinikit lang ni Magenta ang mata niya at bumelat. Napabuntong hininga na lamang si Red.

"Tama na nga yan!" Nanggagalaiting sabi ni Blue. Napailing na lang ako.

"Meron na akong naisip." Sabi ko.

"Ano," tanong nila.

Tinatamad akong magsalita pero kailangan.

"Kailangan silang mafall sa atin. At pag nagawa natin ito magpapatayan sila." Malamig kong sabi.

Napatulala sila at sabay na ngumisi.

"In." Sabay sabay na sabi nila at ngumiti kami... isang kakila-kilabot na ngiti.

End of flashback

Ngayong alam niyo na. Pwede na ba akong manahimik? Tss.

.......

Blue's POV

Ako si Samantha Gaile Lee. Hot-headed so back off.

Wala akong pake kung kaawa awa ka. Wala akong sasantuhin kaya wag mo kong gagalitin.

Lumabas ako ng mansyon at sumakay sa motor. Kailangan kong pumunta sa DAR o kilala bilang Death Angels Ring. O kilala bilang Ring ni Kamatayan.

Suot ko ang isang maskara na mata lang natatakpan. Nakaboots ako at leather pants na itim at white shirt na may nakasulat na RG.

Rinig ko agad ang hiyawan sa loob. May laban sa DAR ngayon.

Bumukas ang pintuan sa main.

Pinatunog ko ang motor ko

*broom*

At bago pa sila mapatingin sa akin ay namatay na agad ang ilaw.

Diniretso ko ang motor ko sa ring.

Bago ako makasampa sa 5 feet na taas ng ring ay itinaas ko ang gulong sa harap at umikot ang ng 360 degrees saktong lumanding ako sa gitna ng ring.

"Perfect" bulong ko sa sarili ko.

Pinatunog ko ulit ang motor pero mas malakas sa una. At bumukas ang ilaw. Naghiyawan ang lahat. Naramdaman kong may 1... 2... 3... 4... 5... kunai ang lumilipad papalapit sa akin...

Iniharang ko ang dalawa kong kamay sa likod ng ulo ko at sa harap ng mukha ko. Sumakto naman ito si daliri ko kaya naipit ito doon. Sinalo ko pa ang 3 kunai binalik ito sa direksyon pinanggalingan nito...

ngumisi ako nang tumama sa limang ulo ang kunai...

Bull's eye.

Headshot.

Nagpakawala ako ng isang halakhak na kakila-kilabot.

"Welcome back... to us..." at pinaharurot ko na ang motor paalis ng DAR.

Pagkaalis ko ay humiyaw sila at lumabas pero di na nila ako nakita...

Napangisi ako...

Welcome back...Royal Gang

Game of Gangsters ((On-hold))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon