WAR B

8 0 0
                                    

3rd Person's POV

Bumaba na ng sasakyan ang Royal Gang.

May mga arnis na hawak ang mga ito. Pero walang kaalam alam ang mga SD at ang pretend RG na nandito na sila. Sa malayo sila nagpark.

Bakit nga ba andito ang SD? Ano ang ginagawa nila dito.

May mga baril na dala ang dalawang grupo. May mga kunai, katana, at ibat ibang armas ding dala ang mga ito.

Nang makita ng dalawang grupo ang papalapit na apat na babaeng may dalang mga armas ay napangisi ang SD.

"Gangster din sila?" Sa isip na tanong nila.

Ngumisi naman ang RG. O kilala bilang Ice Princesses.

"Well well well." Maligalig na sabi ni Criselda.

"Handanh handa ah. So, Gangster pala kayo?" Seryosong sabi ni Criselda at tumawa. Ganun din ang tatlo pang babae.

Humikab naman si Viper na ikinaasar ng mga babae.

"First game. Walang armas. Second Game. Kunai at shuriken lang ang pwede. Sa last game. Baril." Ngumisi naman si Venom. Iniisip pa lang niya na papatay siya ay nakakatuwa na para sa kanya.

"Pero walang papatay. Hanggang stroke lang" humalakhak ng kakila-kilabot ang pretend RG o kilala bilang QueenB.

Hindi naman natinag ang RG.

"Bat sila nandito?" Tanong ni Samantha sabay irap.

"Change the loser." Ngising sagot ni Matthew kay Samantha.

Ngumiti naman si Xykirra na ikinasindak ng lahat.

It's easier said than done. Ang unang pumasok sa isip ni Xykirra.

————

Xy's POV

Tinanggal ko ang armas sa bewang ko. May mga natira pa din naman sa akin.

May dala din akong baril sa likod ko na natatakpan ng polo.

"Game!" Sigaw ni Terrence at may pinindot sa laptop niya.

Nakatayo lang ako dito nang sumugod ang QueenB. Iniilagan ko lang lahat ng suntok niya. Prenteng nakatayo lang ako habang umiilag. Nang susuntukin na niya ako diretso sa mukha hinablot ko yung kamay niya at sinuntok sa sikmura.

"Not so fast darling" sabi ko at tinulak siya.

Nilapitan naman niya ako sisipain sana nang higitin ko ang binti niya at iwinagayway sa likod ko at pabuwelong inihampas sa sahig.

Mabigat pero mas malakas ako.

Nakita ko siyang namimilipit sa sakit. Sinipa ko ang tiyan niya at paulit ulit ko iyong ginawa.

Merciless yan ako.

Sumuka na siya ng dugo. Kaya lumuhod ako.

"1st Game pa lang at susuko ka na?" Malamig kong sabi at sinapak siya nang paulit-ulit.

Limang beses ko yon ginawa. At sa pang anim? Pinatulog ko muna siya.

"Akala ko kelangan ko ng armas" ngisi ko bulong sa sarili ko.

Napatingin ako kay Skyler. Kinindatan ko siya at ngumisi.

Nakanganga siya. Hindi makapaniwala?

Tumingin ako sa baba at nakita kong tulog na tulog pa din yung babae.

Sinipa ko naman siya sa mukha at nagkasugat ito na malaki sa may noo. Napangiti ako. Hmmm. Dugo.

Dinala ko sa isang gilid si Criselda at tumingin sa paligid. Wala pa ding ginagawa sila Samantha kaya nabadtrip ako. Nagsasayang sila ng oras. Nang makita nilang tapos na ako eh sinapak na nila yung kani-kaniya nilang kaharap.

Nagulat ako at bigla naman silang nakatulog sabay sabay. Nakita kong ginalusan pa nila ang mga ito. Sinuntok suntok pero ang pinakamatindi ay nung nakita kong inuntog ni Ven yung ulo sa sahig. Napangisi ako

Venom. Mapangahas.

Tinabi nila yung katawan na mga tulog sa tabi ni Criselda.

Napalingon ako sa gawi nina Skyler. Gulat pa din sila.

"Next?" Malamig kong sabi.

Game of Gangsters ((On-hold))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon