CHAPTER NINE

42 7 0
                                    

JAMIE'S P.O.V

Naalimpungatan ako at nakaramdam ng uhaw kaya naisipan kong bumangon. Inopen ko ang phone ko upang tignan ang oras dito, alas dos palang ng madaling araw,tulog na tulog pa rin si jake. Dahan dahan akong umalis sa kama dahil baka magising ko si jake. Nauuhaw ako kaya naman bumaba ako at nagpunta sa kusina.

Agad kong binuksan ang ref at kumuha ng malamig na tubig,nagsalin ako sa baso.nang makainom ako ay isasara ko na sana ang ref ng makaramdam ako na parang may tao sa likod ko. Agad akong lumingon sa likod at nagulat ako ng makita ko si hunter na nakatayo.

"Jamie" mahinang sabi nito kaya naman tinignan ko ang mukha nito,para itong hirap magsalita.niyakap ako nito bigla at ramdam ko ang init ng katawan nito.nilapit nito ang mukha niya sa akin,amoy alak ito kaya iniwas ko ang mukha ko dito   "Hunter ang init mo, nilalagnat ka at lasing,ano ba ginagawa mo dito?" sabi ko at inalis ang pagkakayakap nito sa akin,inalalayan ko ito at pinaupo.

"Im thirsty!!" agad akong kumuha ng tubig sa ref,ginamit ko na lang yung basong pinag inuman ko since hindi ko pa ito nailalagay sa sink, binigay ko dito ang basong may tubig at ininom niya ito. "Thank you" sabi nito,akmang tatayo ito ngunit para itong matutumba kaya naman inalalayan ko ulit siya.kahit inis ako sa taong ito ay may kunsensya naman ako.

"Ang taas ng lagnat mo,hindi ko alam na tinatablan ka pala nun." Sabi ko dito,tumingin naman ito sa akin,inalis nito ang kamay kong naka alalay sa kanya.   "Wag mo na ako alalayan" hinayaan ko na lamang ito ng magsimula itong maglakad paalis sa kusina. Sumunod naman ako dahil aakyat na rin ako sa kwarto namin ni jake. Pinagmasdan ko lang si hunter mula sa likod. Naawa ako dito kaya naman nilapitan ko ito at inalalayan muli.

"Hindi mo kaya. May lagnat ka,hirap ka maglakad  dahil lasing ka,kaya aalalayan kita hanggang sa kawarto mo" sabi ko dito at inalalayan muli paakyat ng hagdan. Hindi naman na ito tumanggi kaya inaalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto niya.   

Agad itong pumasok at sinara ang pinto. Naiwan ako dito na nakatayo. "Di man lang nag thank you" bulong ko sa sarili ko ng bigla akong makarinig ng kalabog sa loob ng kwarto niya. Hindi ko na lamang pinansin at naglakad ako patungon sa kwarto namin ni jake ng makarinig ulit ako ng kalabog. Nag antay ako saglit at nagbaka sakaling narinig din ng iba na ang ingay ngunit walang lumalabas sa mga kawarto nila. Ang alam ko nag share si zandro at hunter ng room. Nasaan kaya ang lalaking yun?

Naisipang kong pumunta sa tapat ng kwarto nila tyler at kumatok. Nakailang katok na ako pero hindi pa rin nila binubuksan ang pinto. Pupunta na sana ako sa kwarto namin at hayaan na lang si hunter ng marinig ko naman na parang may nabasag sa loob ng kwarto ni hunter,hahayaan ko na lang sana dahil baka magising si jake at hanapin ako. Pero hindi kinaya ng kunsensya ko at dali dali akong pumasok sa kwarto ni hunter,hindi ito nalock.pagpasok ko ay madilim sa loob. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ito.

Nagulat ako nang nang pagbukas ko ng ilaw. Si hunter na nakaupo sa sahig at nagdudugo ang kamay dahil pilit na pinupulot nito ang basag na vase. Agad ko itong nilapitan at inalis sa kamay nito ang piraso ng basag na vase. Pumunta ako sa may banyo at naghanap ng first aid kit,buti na lang at may nakita ako. Kinuha ko rin yung towel na nakasabit at pumunta kay hunter. Inalalayan ko muna itong tumayo at pinaupo sa kama.

"Ano bang trip mo at pinulot mo yung basag na vase? Pwede namang hayaan mo na lang at bukas ligpitin. May sakit ka. Lasing ka pa" hindi ko na napigilang magsalita dahil sa inis. Pinunasan ko naman ang kamay nito. "Tss. Hindi mo ko kailangang gamutin yan, umalis ka na!!" Sabi nito at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.   " Gagamutin ko lang yan at aalis din ako" sabi ko at kinuha muli ang kamay nito,tumahimik naman ito kaya nilagyan ko agad ng betadine ang sugat sa kamay nito. Buti na lang at maliit lang ang sugat kaya hindi na masyado nag dudugo. Nilagyan ko rin ng gauze upang matakpan ang sugat nito. Nakatitig lang ito sa akin hanggang sa matapos ako.

One Mistake I'll Never Regret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon