CHAPTER ELEVEN

25 3 0
                                    

JAMIE'S POV,

Nagising ako bandang hapon na, bumangon ako sa kama para pumunta sa banyo, pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko, agad akong naghilamos at nag toothbrush, pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin, namamaga ang mga mata ko, nakatayo lang ako, para bang ayoko ng lumabas dito at gusto ko magmukmok na lang, naisip ko si jake bigla, hindi ko mapigilang hindi mapaluha. Nakatulog nga ako pero hindi parin nawawala yung sakit na nararamdaman ko. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at pilit na pinagagaan ang loob ko. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng banyo, nagbihis na lang ako dahil wala ako sa mood maligo.

Bumaba na ako at hinanap ko sila cha, nakita ko si hunter na nahiga sa sofa at nagbabasa, nagkatinginan kami kaya agad akong umiwas ng tingin dito. Mas mabuting ng umiwas sa kanya, sa susunod ko na siya kakausapin about sa kontrata, ayoko ng agwin yun, kahit idemanda niya pa ako, babayaran ko na lang siya paunti unti sa utang ni jake.

Diretso lang ako at nilgpasan siya, lumabas ako ng bahay at hinanap sila cha, wala rin sa labas sila cha,siguro ay namasyal kuna saan yung mga yun. Lumapit ako sa may dagat, at umupo sa buhanginan.. Ang sarap ng simoy ng hangin, nakakagaan ng pakiramdam, pinagmasdan ko lang ang dagat..

"Jamie" hindi ko na nilingon kung sino ang tumawag sa pangalan ko,boses pa lang alam na alam ko na si hunter ito.

"I want to be alone please!!" Malamig na sabi ko dito.

"Forget about the contract" agad akong napalingon dito dahil sa sinabi niya, napatingala ako at tinitigan siya, napansin kong may sugat siya sa bandang gilid ng labi niya. Magsasalita sana ako kaso hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin,

Nang tatayo na ako ay agad naman itong umalis, bakit pakiramdam ko bigla akong nalungkot,hindi ko maintindihan ang sarili ko, dapat mag saya ako dahil wala ng kontrata, malaya na ako, pero bakit parang hindi ako masaya, bakit nung paalis siya nakaramdam ako ng kirot sa puso ko..

"Hunter" bulong ko sa sarili ko.

********************

Nang mapansin kong madilim na ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa buhanginan, naisip kong pumasok na sa loob ng bahay, pagpasok ko ay nandun na sa sala sila arianne at cha katabi ang boyfriend nila, si hunter ay mag isa sa sofa at umiinum ng alak, tahimik lang itong nkikinig sa kwento ni chad. Napansin kong kanina pa pala hindi ko nakikita si zandro,Hindi nila ako napapansin kaya mas minabuti ko na lang na dumiretso sa kitchen.

Naghanap ako ng pwedeng iluto, malamang wala pa sila g balak kumain kaya ako na lang ang magluluto ng dinner namin. Naghanap ako ng pwede kong iluto, may mga baboy pa sa ref at vegetable, naisip kong mag adobo at chopsuey.

Honanda ko na lahat ng sangkap para masimulan ko na ang pagluto, inina ko ang adobo. Para sa akin ang pagluluto ang nakakatanggal ng stress ko, pag malungkot ako minsan ay nag iimbento ako ng recipe, hilig ko ang pagluluto noon pa, highschool pa lang ako tinuruan na ako ni mommy magluto.

"Jamie,ano niluluto mo? Need help? " napalingon ako kay arianne, may dala itong baso mukhang kukuha ng ice sa ref.

"No need, alam ko naman kahit sa paghihiwa hindi ka marunong" nakangiti kong sabi dito. Nilapag nito sa mesa ang baso at nilapitan ako,niyakap ako mula sa likod.

"I know you're strong, nandito lang kami ni cha para sayo, every weekend sa bahay mo kami matutulog ok? " malungkot na sabi nito.

One Mistake I'll Never Regret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon