Prologue

1.7K 107 28
                                    

The Start

. . .

"Let's break up."

"W-what...?"

"Let's end our relationship." He looked at me with his emotionless face as my eyes started to shed in tears.

"Pero... b-bakit?" sinubukan ko siyang lapitan sa kaniyang pwesto subalit umatras ito sa akin. Napahinto ako sa paglalakad.

Why? Bakit... ngayon pa? Bakit kung kailan nahulog na ako ng tuluyan sa kaniya?

Ano pa bang pagkukulang ko? Are my efforts still not enough?

Am I not enough for him?

"Let's not see each other again." Tumalikod na ito sa akin at nagsimulang maglakad palayo. Tumakbo ako.

"Hindi... p-please, no!"

"Babe, wake up!" dagli naman akong napamulat ng mga mata at nagising sa bangungot nang may marahang yumugyog sa katawan ko.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hinihingal kong nilingon ng taong gumising sa akin at nakita ang nag-aalalang mukha ng kasintahan kong nakaupo sa gilid ng kama. Napakurap ako ng ilang beses.

Panaginip... isang masamang panaginip lamang ang lahat.

"Are you okay? I'm worried because of you. Kanina ka pa binabangungot kaya ginising na kita," may bakas ng pag-aalala sa boses ni Terrence at pinupunasan ng maigi ang pawisan kong mukha.

Napatango naman ako sa kaniyang sinabi at tumugon. "S-sorry, ayos lang ako... may napaginipan lang."

Nahihiyang inalis ko ang kaniyang palad sa aking noo at ako na ang nagpunas ng pawis ko. Napabuntong-hininga siya.

"Ano ba iyong napaginipan mo?" Tumingin ito ng direkta sa aking mga mata kaya napayuko ako.

"W-wala, hindi naman importante." umayos ako ng upo at nag-inat na ng katawan. Pinagmasdan pa niya ako saglit pero kalaunan ay nakita ko itong nagkibit-balikat at tumayo na pagkatapos. Ginulo ni Terrence ang aking buhok.

"Whatever it is, your nightmare won't happen because it's just a dream," pagpapagaan niya ng loob sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at tumayo na.

Nagtungo ako sa banyo ng aming kwarto at naghilamos ng mukha.

Sinubukan kong kalimutan ang napaginipan ko kanina. I tried to focus on other things but even if I tried to forget about it, it's still coming back in my memories.

Paano kung... magkatotoo nga? Paano kung magsawa na siya sa akin? Paano kung makahanap na siya ng papalit sa kinatatayuan ko?

Paano kung tuluyan na siyang makipaghiwalay sa akin? Kakayanin ko ba?

Kahit naman ayokong aminin, pero marami talagang mga posibilidad na maaaring mangyari sa aming kinabukasan.

There are billions of people living in this world. At nakakatakot mang isipin pero hindi talaga maiiwasan na maraming pagsubok at hahadlang sa aming relasyon.

Just Hold Tight (Bittersweet Solitude Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon