[ Chapter 8 ]
Veronica Pov '
Andito ako ngayon sa may lumang building , hindi ko alam kung bakit basta dito ako dinala ng mga paa ko .Umupo ako sa may gilid ng damuhan . Grave ang ganda naman pala ng tanawin dito , tsaka ang sarap- sarap ng hangin , new tambayan unlock . * giggle*
' Bakit mag- isa kalang dito .. '
' Ay baboy namay heels .. ' sa sobrang gulat ko ay na itapon ko ang fries na dala-dala ko .
' Putcha naman oh !! uso ba sa iyo ang mang-gulat ha.. ' inis na sabi ko sa kanya .
Hinawakan ko pa ang dibdib ko grabe ang kaba ng puso ko parang gusto niya ng lumabas sa sobrang bilis .
' Pasensya ka na hindi ko naman alam na magugulatin ka .. ' hinging paumanhin niya .
' Ayy grabe ka naman , so ano sasabihin ko pa sa iyo na ' Wag mo akong gulatin , dahil magugulatin ako .. ' ganon!!!!.. ' inis na sambit ko .
Padabog akong bumalik sa pagkakaupo .
' Sayang yung fries ko ang sarap-sarap pa naman non .. ' i murmured .
Bigla namang tumabi sa pagkakaupo ko ang lalaking walang modo .
' Hoy Anong trip mo sa buhay ha!??
' Wala .. ' ikling sabi niya at humiga pa ang lolo nyo .
Hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ng fries , may kunti pa namang natira eh .
Sa sobrang tahimik namin ay ang hampas lang ng hangin , ar huni ng mga ibon ang maririnig mo .
Ilang sandali lang ay biglang syang tumayo at pinagpagan ang sarili niya .
Akala ko ay aalis na sya pero bigla niyang inabot sakin ang kamay niya .
' Anong spirito ang sumapi sayo .. ' tanong ko ng nakatitig sa kanya .
' Abutin mo nalang yang kamay ko .. '
' At bakit naman aber.. '? taas kilay na sabi ko sa kanya.
' Ililibot kita tika sa university , may mas magagandang lugar pa dito keysa dito .. ' saad niya .
Ay !! may mga magaganda pa palang lugar dito maliban dito sa likod ng lumang building , infairness ha . Kaya ako naman itong si gala is layp kaya pumayag na ako . Kapal naman ng pes ko kung tatanggi ako diba .
Nag libot- libot kami , pinakita niya sa akin ang ganda ng playing ground , mga ibang stablish na building , ibang mga classroom na hindi ko pa napupuntahan , tapos sa napakalaking theater , napakalaking Gym , napagandang garden , at iba pa .
Grabe kung hindi dahil sa lalaking to hindi ko ito malilibot lahat , thank u lord kasi may badman na dumating . Bakit badman ? kasi ginulat niya ako paki nyo duh .
' Pagod ka na ba .. ' tanong niya .
Minsan bobo rin itong lalaking to eh , alam nyang hingal na hingal na yung tao tatanungin pa niyang pagod ka na ba ? syempre sa laki ng university sino ang di mapapagod .
' Alam mo tanga ka rin minsan eh oh .. ' sabi ko sa kanya at hindi pinansin ang tanong niya .
' Bakit naman .. 'takang tanong niya
' Kasi naman po , alam mo na ngang hingal na hingal yung tao nag tatanong kapa ', OBVIOUS BA .. ' pangbabara ko sa kanya .
Imbes na mainsulto sya ay bigla syang ngumiti at bigla niyang hinawakan at ginulo ang buhok ko .
' Tara na punta tayo sa cafeteria , babayaran ko pa yung fries mo .. ' sabi niya at nauna ng maglakad .
Dahil ako si pagkain is layp hindi na ako tumanggi , malamang sa alamang pagkain na yan eh ..
Natapos ang buong araw na kasama ko itong lalaking to na kahit minsan hindi ko nalaman ang pangalan niya , well ganon rin naman sya sa akin kaya patas lang kami .
[ TO BE CONTINUED ]