[ CHAPTER 2 ]Veronica pov '
' Nak!!! bilisan mo na jan baka malate ka pa sa exam mo ..'
' Opo! ito na po pababa na ..'
Dali - dali kong sinuklay ang buhok ko bago bumaba .
' Napakatagal mo naman dun , anong oras na oh..! sabi ni mama at tinignan pa niya ang kanyang relo.
' Ma , relax nagpapaganda lang naman ako , tsaka 9 am pa yung exam ko 7 palang oh ...' sabi ko naman bago umupo sa bakanting upuan .
' Hindi mo naman na kailangan mag paganda ..' sabi niya habang nilalagyan ng gatas ang baso ko ...
' Maganda kana kaya , mana ka sa akin ..' dagdag na sabi niya at kinindatan pako ..
' Aba! oo naman no ikaw kaya nanay ko ..' ngiting sabi ko bago sumubo ng kanin .
' Oy ! kayo ha ano yang manang mana na pinag-uusapan nyo bakit hindi ako kasali..? singit ni papa alfred .
Sininyasan naman ako ni mama , kaya nilapitan ko si papa at niyakap pagkatapos ay kiniss sa pisngi .
' Ito naman napaka seloso , oo na manang mana ako sa inyo ni mama..' sabi ko at niyakap sya ulit .
' Napaka sweet naman nitong anak ko ..' sabi niya at kiniss niya ako sa noo.
' Anastasia , kumain kana dito , at ikaw rin alfredo hali kana pupunta ka pa sa barangay hall baka ma late ka sa meeting mo kayo talaga mag- ama nga kayo .. ' singit naman ni mama .
Maktol akong bumalik sa upuan ko . ' Mama naman eh bakit anastasia pwede namang nica nalang ..' ngusong sabi ko .
' Bakit maganda naman ang anastasia ah , ako kaya nag bigay niyan ..'
' Eh, mas gusto ko ang nica , short for veronica ..' pag uulit ko .
' Ah basta anastasia o veronica o nica pareho lang yang pangalan mo ..' sambit niya pa .
Grave talaga itong nanay ko , hindi nagpapatalo . Alam niya talaga kong paano ako pikonin gamit lamang ang sarili kong pangalan.
Pagkatapos namin kumain ay inihatid nako ni mama at papa sa sakayan ng tricycle.
' Mag- iingat kaha ! tapos good luck sa exam mo ' sabi ni mama pagkatapos ay niyakap niya ako .
' Oo naman ma , ako pa ' sabi ko at nat thumbs up pako sa kanya.
' Ito anak , dagdag mo na jan sa allowance mo ..' sabay abot ni papa sa 3k na pera .
' Papa naman ok nako dito sa 2k ko makakauwi nako nito ..'
' Sige na pang emergency mo lang yan ..' pag pupumilit nya tapos ni lagay niya sa palad ko ang pera .
' Salamat po papa ..' ngiting sabi ko at niyakap ko sya .
Ilang sandali lang ng goodbye moments namin ng magulang ko , ay umalis nako .
Mag tatake kasi ako ngayon ng Entrance Exam para maka pasok ako sa university sa manila . May scholarship kasi silang inofer kaya tatanggihan ko pa ba? aarte pa ba ako?
' Manong dito nalang ho .. ' ito po bayad ko ' sabay abot ko sa bayad ko sa kanya .
' Goodluck iha .. '
Napalingon ako kay manong nang sabihin niya iyon , ngumiti lang sya kaya nginitian ko na rin .
Ang bait- bait niya kaya , nakatanggap pako ng good luck sa kanya , parang sweswertehin ako nito .