SB19 Justin: "Panacea

140 6 0
                                    

(Former book cover)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Former book cover)

Panacea

NOUN

a solution or remedy for all difficulties or diseases

Figuratively known as something that is used to solve all problems.

"Think of something or even someone that represents your Panacea, write a poem why do you consider them as your remedy."

Kanina pa nag-eecho sa utak mo ang activity-ng pinagagawa ng guro niyo sa Creative Writing... Kanina pa kayo naglalakad pauwi ng mga kaibigan mo at kanina mo pa rin iniisip 'yan.

"Hoy panget, may joke ako." Sinamaan mo ng tingin ang tumawag sa'yong panget. Sumabay siya sa paglalakad mo, maingay ang apat pang kaibigan niyo sa harap. Nag-aasaran na naman sila, anong bago roon?
 
"Bampira singkit, tigilan mo ako sa mga biro mo, magfocus ka  kaya dun sa pa-activity ni Ma'am Vera? Bukas agad ipapasa 'yon, tapos parang wala lang sa inyo?"

"Pakinggan mo muna kasi 'yung joke ko, promise, mawawala stress mo."  Dagdag pa ni Justin sabay ngumiti ng ngiting nakahahawa. Dinadaig niya pa ang model ng toothpaste. 

 Sinipat mo ang asul na notebook niya, hawak niya ito sa kaliwang kamay at ang bag naman ay nakasukbit sa kanang balikat niya.

"Pakikinggan ko 'yang kamaisan mo Jah, pabasa muna ng laman n'yan." Nagtaas baba ang kilay mo at sumilay ang nakalolokong ngiti. Sa takot ni Justin ay agaran niyang isinilid ang notebook sa bag niya. Napansin mong may nakausli pa itong bahagi pero hindi niya iyon nakita.

"Ayoko, ito na, mananahimik na ako." Sumeryoso ang tingin niya, ngunit bumalik rin naman ang ngiti nang tawagin siya ni Ken. Ang prankster niyong kaibigan.

"Hoy mga hangal! Anong pinag-uusapan niyo? Lumingon rin sina  Josh, Stell, at Pablo.  

"Yung pinagagawang tula ni Ms. Vera, takte ga-graduate na lang tayo, may paganitong arte pa eh." Himutok mo. 

"Chill, lalo kang magmumukhang matanda eh! Anong ginagawa ni Jah?  Para saan pa't nag best in poem writing 'yan n'ung 3rd year? Hahahahahah!"  Saad ni Josh habang pabirong sinapak si Justin.

"Aray ko naman! Makasapak 'to. Pa VIP naman kayo kung igagawa ko kayo lahat ng tula. Aba galaw galaw din ah." Sabay hinimas ang braso habang nakangiti pa rin. 

Sa loob ng ilang taon niyong magkakaibigan, wala pang nakababasa ng nilalaman ng notebook na iyon, at sa inyong anim, si Jah ang pinakamahilig magsulat ng kung ano ano. Ngunit ang nilalaman ng notebook na iyon ay nananatiling misteryo.

Kung mayroon lang sanang paraan para mabasa iyon. Isip isip mo.

 Pinaglalaruan ka yata ng tadhana nang sumigaw si Pablo sabay takbo. 

"Hoy pucha, yung asong nanghahabol!"  Nagsisunod naman sina Ken, Stell at Josh. Panghuli si Jah. Napatigil ka pa saglit bago na-realize na tuluyang nahulog sa bag ni Justin ang asul na notebook. 

Naiwan kang nakatayo at nag-iisa, paniguradong mamaya pa sila makakauwi. Alanganin mong dinampot ang notebook sa  sahig.

Ito na iyon. Hawak mo na, isang buklat lang at malalaman mo na ang laman, years of being curious and you're finally here. 

"Ibabalik ko na lang bukas pagpasok ko. Tama, tama." Sabi mo sa sarili.

Binigo ka ng konsyensya mo.
 
Nakatitig ka sa notebook, nakauwi ka na at lahat. Paikot ikot ka sa kwarto mo at iniisip kung babasahin mo ba ito. 

Sa huli, ginawa mo rin.

Nagulat ka sa nakatuping papel sa harap, tila luma na ang papel dahil sa kapansin pansin ang pagiging kulay kape nito.

Binuklat mo ito saglit at tumambad sa'yo ang sarili mo ngunit naka-side view at nakangiti ng matamis. Guhit ni Jah, sa ilalim noon ay isang tulang maikli.

Sa bawat kislap ng iyong mga mata
Umaasang ako ang dahilan sinta
Ikaw ang nag-ahon sa kalungkutan
Kailan mo kaya mapapansin ng higit pa sa kaibigan?

Di mo man paniwalaan, ikaw ang sandigan
Iniibig kita, humihiling ako sa mga tala't kalangitan
Sana mapansin mo rin ang aking nararamdaman.

July  7, 20xx

Halos mapaiyak ka sa tulang inialay niya sa'yo, hindi ka aware sa tagal na ng tulang ito.  Ilang taon na itong nakaipit sa notebook. Ilang taon na rin siyang may nararamdaman para sa'yo. 

Siniyasat mo pa ang ibang nilalaman ng kuwaderno, karamihan ay mga lihim niyang sulat na nagpapatunay ng pagmamahal niya sa'yo.

"Pasensya ka na, kung hindi kita nasamahan ng araw na'yon, I was sick, I knew you'd be hurt kasi hindi ako naka attend ng 16th birthday mo.  Mom won't allow me to go. I hate to see you cry, It hurts me too.." 

"Hindi ko magawang sabihin sa'yo na nagseselos ako n'ung sabihin mong crush mo si Ken, pero wala naman akong magawa. Kaibigan mo lang ako."

Marami pang mga maiikling sulat na para sa'yo na marahil gustong sabihin ni Justin ng harapan pero idinaan na lang niya sa pagsusulat. Napadpad ka sa hulihang bahagi ng kuwaderno, nabasa mo ang pinakamahabang sulat sa lahat.

              "Hi, sorry hindi ko masabi sa'yo ng personal . Alam kong patapos na ang Junior Year at alam kong lilipat ka na rin sa dream school mo. Sana hindi mo ako makalimutan, kasi ako, lagi kang nakatatak sa isip at puso ko , hindi mo man maibalik sa akin itong pagmamahal ko sa'yo. Aalis na kami nina mama papuntang States after graduation, nasabi ko na'to kina Pablo, ikaw na lang ang hindi ko nasasabihan kasi hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan. Siguro sa pag-alis namin, kailangan ko na rin tanggapin na hindi mo maibabalik ang pag ibig ko.  But still, I'm always here for you, physical distance is not a hindrance to me, as long as I can show you how much I love you, even I'm just a friend. 

                                                                                                                                                 -Jah  

Isinara mo ang notebook at sunod sunod na pinunasan ang  luha sa mga mata.

"Hangal ka, iiwan mo ako after mo mag confess? Akala mo ikaw lang ang may feelings!?" Bulalas mo sa sarili habang nagmamadaling lumabas ng kwarto mo bitbit ang asul na notebook ni Justin. 

Siguro ito na rin ang oras para sabihin sa kanya ang totoo. Kahit pahapon na ay buo ang desisyon mong sugurin siya sa bahay nila para kumpirmahin mismo sa kanya ang lahat.

"Justin De Dios, wag kang madaya, hindi ka aalis nang hindi mo naririnig ang kailangan kong sabihin."

                                                                                         End 

 

SB19 OneshotsWhere stories live. Discover now