Chapter 14

41.1K 1.8K 466
                                    



Misunderstood




One week has passed, but there is still no progress. She keeps ignoring my attempts to talk to her. 

On the other hand, my other cousin always notices me, but she herself alone treats me like I'm just a freaking nobody in the house. 

Inaamin ko naman na kasalanan ko nga pero sana naman bigyan nya ako ng pagkakataon  na ayusin. Hindi ko din naman kasi sinasadya yon. Nadala lang ako ng confusion ng isip ko pati ng nararamdaman ko.

"Ate bilisan mo nga! Magsisimula na yung movie pero yung popcorn wala pa."

Nilingon ko naman si Adrian at binato ng isang butil ng popcorn.

"Lumayo layo ka nga sakin, baka hindi kita matantiya at ikaw ang sunugin ko dito."

Nag make face lang ito at bumalik na sa paglalaro sa phone nya.

Nasa theater room na kasi sila. Sa loob kasi ng isang buwan nagkakaroon ng bonding ang pamilya namin. Lahat kami manunuod dito sa mansion. Hindi naman mga boring yung pinapalabas. Katunayan nga nahawa na kami sa mga oldies sa tipo ng mga movies na pinapanuod.

Halimbawa nalang yung sa Historical fiction. Tapos minsan mga heavy drama talaga sila. Kaya ang ending kaming mga bata ay natutulog nalang sa designated seat namin sa loob kapag tinamaan kami ng pagka boring.

"Guys, where's the popcorn?"- Bella asked when she stepped inside the kitchen.

Isa pa tong babae nato. Nuong nakaraan tinanong ko sya bakit pinakalat nya na may sakit ako ang sagot ba naman sakin ay "secret, sabihin ko nalang sayo kapag tama ang theory ko."

O diba? Pabitin pa e. Hindi nalang nag direct to the point para hindi ako nag over think kung ano bang rason nya sa pagpapakalat na may sakit ako nuong araw na yon.

Nilabas ko na ang popcorn na ginawa ko at hinaluan ko ng cheese yung iba. Masarap pag may cheese e.

"O ayan. Dalhin nyo yan ha. Para may silbi kayo."- sabi ko at nauna nang maglakad.

Narinig ko pa na nagturuan silang dalawa kung sino ang magbibitbit. Bahala sila dyan.

Pumasok nako sa theater room. Madilim na at tanging projector nalang ang nagbibigay liwanag. Hindi pa nag start yung palabas pero kumpleto na sila duon.

Papunta na sana ako sa pwesto ko pero napahinto ako at tinignan kung na saan ang magaling kong pinsan.

Nakita ko itong nakaupo na sa tabi ni Primo. Naka crossed legs at busy sa phone nya.

Primo, on the other hand, was closing his eyes as if he was sleeping beside his sister. But I'm well aware that he's not. 

Nasa bandang likod kasi nila ako kaya hindi ako mapapansin kung sakali man na pumunta ako duon sa gilid at tumabi sa kanya.

Pinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng hoodie ko at pasimpleng lumapit sa kinaroroonan nila magkapatid.

Nakuha ko ang atensyon nya nang maupo ako na walang paalam sa bakanteng pwesto sa kaliwa nya.

Natigil din sya sa pag cecellphone pero hindi nakaligtas sa paningin ko kung sino ang katext nya bago nya iyon itaob at ipatong sa kandungan nya.

It's Leo, her man.

Ramdam ko ang bigat ng titig nya sa akin ko pero hindi ako lumingon sa kanya.

I heard her shift in her seat and was about to get up when I quickly grabbed her wrist.

Loving Louise Spencer ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon