Chapter 15

43.6K 1.8K 282
                                    



Feast




Napatakip ako sa mukha ko gamit ang kumot ko dahil naaninag at naramdaman ko ang biglaan pagkalat ng liwanag sa buong kwarto ko.

"Rise and shine, we'll go to town today."

Hindi ako sumagot at nagbago lang ng pwesto. Kulang ako sa tulog.

Late na kasi lagi ako nakakatulog simula nung araw na huling nag usap kami ng pinsan ko. Mukha kasi lagi nya ang nakikita ko sa tuwing pumipikit ako kaya hindi ako kaagad nakakatulog. Idagdag mo pa na nag peplay na parang sirang plaka sa isip ko ang mga sinabi nya sa akin.

Naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Mama at ang bahagyang paghila nya sa kumot ko.

"Ma! I'm still sleepy."

"Beatrice, it's already 10 in the morning!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig ko. Pero muli akong bumagsak sa unan ko kasi nahilo ako.

"Good thing at wala kang pasok ngayon. Pero hindi padin tama na sobrang tanghali mo na bumangon. Hindi ka tuloy nakakain ng umagahan."- sermon pa ni mama habang inaayos yung mga papel na naiwan ko sa study table ko.

Kakamot kamot ako sa ulo na humikab at nag inat. Naglagutukan pa nga yung iba kong buto lalo na yung sa likod. Hays, sarap grabe.

"Ano po bang meron ngayon?"

"Feast"

"E ano naman po?"

"Anak, we'll be celebrating a feast with the town people. Parang bago ka naman ng bago. E every year naman natin itong ginagawa."

Oo nga pala. Sa tuwing fiesta ay nagdodonate kami ng handa na ilalagay sa may plaza para lahat duon ay sama samang kumain. Isang malaking piging iyon. Kaya lahat talaga makakasalamuha mo.

"Pero diba po mamaya pa naman yon?"

Alas diyes palang e alam ko 1pm ang palaging simula ng salo salo.

"No more buts, Bea. Take a bath and go downstairs."

"Ma--"

"See you later."- she said, and placed a kiss on my forehead.

Lumabas na sya ng kwarto ko. Napabuntong hininga ako at nakailang ikot muna ako sa kama bago ko napagdesisyunan na magtungo na sa banyo para maligo.

Nagsuot lang ako ng casual attire. Hindi nga kasi ako mahilig sa dress. Mas komportable akong lumabas o gumala kapag naka pants ako e. Iniiwasan ko din kasi yung mabosohan. Like eww kaya kapag may mga manyak sa paligid.

Kinuha ko ang itim kong blazer at sinuot. Naka white tee-shirt naman ako e saka denim pants and boots.

Bumaba na ako at nagtambay muna sa sala. Si Primo lang kasi ang nakita ko duon na nakahilata na sa couch habang nag lalaro sa phone nya.

Pinagmamadali ako ni Mama e yung mga pinsan ko nga nowhere to be found pa. Lalo na yung magaling kong kapatid.

"Hey, Primo!"

Binaba lang nito saglit ang phone nya at tinaasan ako ng kilay bago ulit naglaro.

"Na s-saan ang ate mo?"

"Probably in her bathtub, sleeping."

"What?"

He chuckled and got up. He even turned off his phone and fixed his hair.

"Kidding aside. Baka pababa na din iyon."

Hindi nako sumagot at nag open nalang ng phone. Nag pipicture ako para sa ipopost ko mamaya sa socmed ko nang marinig ko ang mga boses nila.

Loving Louise Spencer ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon