Chapter 43

47.2K 1.7K 666
                                    

Oh eto na. Wag na kayo ma depress kasi totoo nato.




Meyer




Humugot ako ng malalim na paghinga at hinawakan ang maleta ko. Nakababa na ako ng eroplano kaya sa madaling salita ay nasa ibang bansa na ako.

Napahinto ako at inayos ang salamin na suot ko dahil may nakita akong lalaki na nakahawak ng placard.

Beatrice Spencer pa ang nakalagay duon. Aish! Sino ba itong lalaking ito?

Lumapit ako dito at inabot ang dala ko na ikinabigla naman nya.

"Miss Spencer?"- he said in a thick British accent.

"Yeah, it's me."

Tiniklop na nito ang hawak nya at hinila na ang maleta ko. Sumunod lang ako dahil sabi nya follow him daw e.

Lumabas kami ng airport at nakita ko na sinakay nya sa isang limousine ang mga gamit ko.

Kumurap kurap ako. Pero seryoso nga, limousine talaga ang nakikita ko. Agaw pansin ito dahil ang kintab pa nito.

Naudlot tuloy ang pagpasok ko. Wala bang normal na kotse lang?

Nilingon ko ang driver na nag aantay sa akin sa pagpasok ko. Kung ako medyo salubong ang kilay, ito naman ay maaliwalas ang mukha at nakangiti pa.

"Sure na to? Hindi ba to budol?"

"Pardon, ma'am?"

I chuckle. He looks so confused and I feel sorry for him.

Pumasok na ako sa loob at pinikit agad ang mga mata ko. Nakaupo lang naman ako sa eroplano pero pakiramdam ko pagod ako kahit pa nakatulog naman ako duon.

Masakit din ang dibdib ko kahit pa wala ako nun. Iniisip ko kasi kung anong magiging reaksyon ni Elinor kapag nalaman nya na ang tinutukoy ko sa sulat na home ay dito sa U.K.

Tulog pa kasi sya nuong umalis ako sa condo nya. Sa sobrang peaceful ng itsura nya hindi ko na sya ginising pa. Tanging sulat lang ang naiwan ko. Na ang sabi ko ay uuwi na ako at mag iingat sya palagi kasi mahal na mahal ko siya.

Tumingin ako sa labas at napansin ko ang paghinto at pagpasok ng limousine na sinasakyan ko sa sobrang tayog at malaking gate na kulay itim.

Umayos ako ng upo at nakita na tinatahak namin ang isang papasok na daan. Puro puno at nag gagandahan na shapes ng mga halaman ang nakikita ko at sa dulo niyon ay ang isang malaking mansion.

Na saan ba ako? Hindi naman sinabi ni Mama na ang yaman pala ng susundo sa akin. Akala ko sa simpleng bahay ang uwi ko ngayon.

"Welcome to Meyer's mansion, Ma'am!"- masiglang sabi ng driver ko nang mabuksan nya ang pinto sa tapat ko.

"Meyer?"

"Yes, Ma'am."

"Why are we here?"

Hindi na ako nito nasagot dahil may nginitian ito sa likuran ko. Paglingon ko ay bumungad sa paningin ko ang isang batalyon yatang maid at sa gitna ng mga iyon ay isang matandang babae na nakangiti din.

"Hoy kuya wag moko iwan!"- sabi ko sa driver pero dahil nga hindi ako nito maintindihan ay lumayo padin ito at nagbigay galang sa matanda.

"Florence!", the old woman said to me, and in a swift move she's standing in front of me.

I become stiff when she abruptly hugs me and even kisses both of my cheeks. What's happening?!

Binulungan naman ito ng driver at napatango tango. Pasimple itong umubo at binigyan distansya ang mga katawan namin.

Loving Louise Spencer ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon