Chapter 45

47.4K 1.9K 656
                                    



Shattered





Ang init ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana ang dahilan para maalimpungatan ako. Napasapo ako sa ulo ko nang maupo ako sa kama at napabuntong hininga.

I think I forgot to close the blinds last night when I got home.

"Lasing ka na naman daw umuwi kagabi?"

Dumako ang mga mata ko sa taong nakaupo sa upuan ilang dipa ang layo sa kama ko.

"What are you doing here? Didn't I make myself clear that I don't want anyone getting here without my permission?"

"I'm your mother."- she stated firmly.

I chuckle humorlessly while pushing away the comforter so that I can get down from my bed. 

"My head hurts. If you're here to see how miserable I am, well, have a feast, mom." - malamig na sabi ko habang nakadipa ang mga braso.

Tumalikod na ako nang makita ko ang pagtayo nya. Puno din ng pagsisisi at pag aalala ang mga mata nya pero wala nang epekto iyon sa akin.

I've had enough of everyone's lies! I'm so done being a good girl to all of them.

"Hanggang kailan mo balak sirain ang buhay mo? Dalawang taon ka nang ganyan! Kung hindi ka subsob sa trabaho, nagpapakasawa ka naman sa alak! Magpapakamatay ka ba, anak?"

Nabuksan ko na ang pinto ng banyo pero tumigil ako saglit para lingunin sya.
Mapait akong ngumiti at sinuklay ang magulo kong buhok gamit ang mga kamay ko.

"If death is the only way to see her again, then yes. I'm killing myself to see her as soon as possible."

"Louise!"

"Just close the door when you leave."

Tuluyan na akong pumasok sa banyo at nilock iyon. Hinubad ko ang mga damit ko at nagtungo na sa shower room.
Binuhay ko iyon kasabay ng sunod sunod na pagbagsak ng luha ko.

Muli na naman nabuhay ang masakit na pakiramdam sa dibdib ko. Ang bagay na pilit kong kinakalimutan. Pangungulila sa isang taong malabo ko na yatang makita ulit.

It's been two years since the last time I saw her, and I've heard nothing from her after that. I don't know where she is because no one told me that she was leaving the country. Huli na nang malaman ko. Hindi ko sya naabutan.

She didn't even tell me that the home she was referring to in her letter was a place without me.

Muli tuloy nanumbalik sa isip ko ang mga nangyari nuong huling beses ko syang kasama sa condo ko.

Flashback

"Ayaw mo pa bang matulog?"- tanong nya habang pinaglalaruan ang buhok ko.

Wala na kami sa couch at nandito na kami sa kama. She said she wanted to cuddle me, so I let her. I'm not a clingy person, but when it comes to Beatrice, it's alright. I'm comfortable with her touch.

"Bakit parang nagmamadali ka na matulog ako?"- sabi ko at inangat ang ulo ko para makita sya.

"Hindi naman. Alam ko kasing pagod ka sa maghapon trabaho. Tapos nag date pa tayo."

"I'm used to it. Someday you will experience it too."

Bigla naman syang tumawa na ikinakunot ng noo ko.

"I won't work. Sayo palang buhay na buhay na ako e."

"What do you mean?"

"Sugar mommy kita e."

Loving Louise Spencer ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon