005

1 0 0
                                    

Dalawang salita
Siyam na letra
Mahal kita
Maaari ka ng mag pahinga

Panahong pinagsamahan
Hindi na mababalikan
Ikaw'y wala nang tuluyan
Mamalagi sa akin ang kalungkutan

Sigaw ng damdamin
Akin na lang kikimkimin
Ibubulong na lang sa hangin
Lahat ng plano at dalangin natin

Tangis dulot ng kalumbayan
Pait at sakit na di lilimutan
Ngunit huwag ka ng mag alaa kamahalan
Luha ko ay aking laging pupunasan

Ikaw man ay namahinga na
Alab ng pagmamahal lalo liliyab pa
Walang minuto na di kita maalala
Pahinga na tahanan ako ay tatahan na

Pop OutWhere stories live. Discover now