006

1 0 0
                                    

Ako ang numero uno mong tagahanga
Nabasa ko na lahat ang iyong mga likha
Ngunit isa sayong mga storya sa akin pumukaw
Ang istoryang yon ay tungol sa ako at ikaw

Sa unang pahina mukha ko nakapinta
Isang dalaga na may ngiti sa mukha
Nangyari sa una nating pagkikita iyong inakda
Nakalagay pa ron na saiyong paningin ako na ang sayo tinadhana

Isang daang pahina na iyong nilathala
Sa aking mga labi nag bibigay ng saya
Animo sa kwenti ako'y napakagandang biyaya
Biyaya na sayo ay nag bigay ng saya at tuwa

Habang ang pahina ay binubuklat
Unti unting nag hari sa akin ang gulat
Hindu ko akalaing ikaw pala ay may pag tingin
Akala ko ay ako lang ang may nararamdaman satin

Sa bawat pag lipat ko ng libro
Para akong nanaginip at lahat di totoo
Ang mga nararamdaman ko ay dama mo rin pala ginoo
Hindi maipaliwang ang saya na dulot nito

Ngunit sa susunod na pahina saya ay napawi
Dahil sa basa ako na lang ay napangiwi
Nabasa ko na ikaw ay may iba pang tinatangi
Ang dalagang laging sa labi may ngiti

Habang aking binabasa ang kwento
Di ko matukoy kung anong nararamdaman ko
Nasasaktan ako dahil may nakita ka ng iba
Mas maganda mas matalino at responsableng dalaga

Nang ang storya ay natapos ko na
Napaupo na lang sa upuan at tumulala
Luha nabuo sa aking mga mata
Kung hindi sana ako huminto nuon ay baka akin ka

Biglang sa pintuan ko ay may simigaw
Isang estranghero na pamilyar ang galaw
Nang tanggalin niya ang kaniyang kupya siya ay nakilala
Ang manunulat na aking hinahangaan dati pa

Matamis na ngiti ang iyong ipinakita
Sabi mo alam mo na ako ay iyong mambabasa
Alam din na nararamdaman ko higit pa sa tagahanga
Takot bumalot sa akin bakit ako nahihiya

Isang rosas iyong iniabot
Kasama non ang isang papel na nakabalot
Nakalabalot sa paborito kong tela
Ng buksan ko ito nandito ang hinihintay kong mga kataga

Ikaw ang aking mahal hindi siya
Alam kong nabasa mo na ang bago kong istorya
Sana ngayon ay hayaan mong mahalin kita
Mahal kita aking numero unong taga basa

Pop OutWhere stories live. Discover now