Tugtuging iyong paborito
Aking tutugtugin para saiyo
Mangalay man ang mga kamay ko
Makita lang ang sayang dulot nitoMusikang dahilan ng pag usbong
Ng ating pagmamahalan na lalong lumalabong
Istorya iyong ginawang awitin
Hindi mag sasawang saiyo ito kantahinIsa isang inayos ang melodiya
Nilapat ang liriko ng iyong kanta
Isang ngiti na dulot ng saya
Ang gumuguhit lagi saiyong mukhaGalak ang nararamdaman
Tuwing alam kong dama mo ang kasiyahan
Sinasabayan mo ang agos ng melodiya
Sinasabayan mo ang alon ng mga lirikaKay saya ng ating nakaraan
Hindi ko akalaing iyon na ang huling pag kakataong ako ay iyong aawitan
Ngayon ay tumutugtog sa harap ng iyong larawan
Umaawit habang lumuluha dahil sa kalungkutanNaririnig ang boses mo sa aking tainga
Binibigkas ang mga isinaad mo sa sinulat na lirika
Ito pala ay pamamaalam na sinta
Nakasaad na pala dito na malapit ka ng mawalaUnti unting ang agos ng melodiya ay naglaho
Ang alon ng lirika ay nahinto
Ang mga nota na isinulat at itatago
Ihihinto na ang musika na ako at ikaw ang bumuo
