003

1 0 0
                                    

isang dalaga ang pumukaw sa aking atensyon, isang dalaga na gusto kong maging akin pag dating ng panahon, ngunit ako ay natatakot na subukang muli na pukawin ang kanyang atensyon, natatakot na baka mangyari yung nangyari samin noon.

isa dalawa tatlong hakbang papunta sakanya, nakatingin siya sa dagat at namamangha, kitang kita ko ang tuwa sa kanyang mata, nangangamba ang puso ko baka kasiyahan niya'y muli kong masira.

habang ang alon ay kaniyang patuloy na pinanunuod, ako naman sa likuran niya'y nag mistulang tuod, napako na ang paa ko sa buhangin, iniisip na sana ang mga gusto kong sabihin ay ipaabot na lang ng hangin.

biglang mga bagabag ay nabuo, ako ay nangangamba na baka lahat nanaman ay masira at bigla nanamang maglaho, baka dapat ang pag papansin ay akin ng ihinto, mauupo na lang at aalalahanin ang pag mamahalang nabuo.

nang tuluyan ng dumating ang isang binata na iyong hinihintay, hiningi ang magaganda mong kamay at sa bangka niya ikaw ay sumakay, kita ng dalaw kong mata kung gaano ka kagalak, tama nga ako wala na akong pag asa pa kaya tuluyan na kong naiyak.

nasaksihan ko kung paano kayo pumalaot, eto na nga ba ang aking kinakatakot, na maramdaman ulit ang dulo ng estorya na aking hindi nais, eto ako ngayon kumakaway sayo kahit sa sarili ko ako ay naiinis.

alam kong napansin mo ako saiyong likuran, pero hindi mo ako nilingon at ako at nilisan mong tuluyan, naulit nanaman ang wakas na akin ng nasaksihan, wala na ulit ang babae na aking tahanan.

; (

Pop OutWhere stories live. Discover now