"Vander! Are you out of your mind? Bakit mo ito ginagawa huh?" salubong na tanong ni Manager Crista kay Vander matapos nitong asikasuhin ang piyansa ng binata. "Kalat na kalat ang ginawa mo kagabi sa social media at nagkalat din ang reporters sa labas. Malaking gulo ang pinasukan mo Vander!" galit nitong dugtong.
Nanatiling tahimik si Vander habang nakatingin kay Indiana. Hindi pamilyar sa kaniya ang nag-asikaso para makalabas ang dalaga.
"Nakikinig ka ba?" muling singhal sa kaniya ni manager Crista.
"I don't care," sagot niya.
"Vander! Malaki ang epekto nito sa karera mo. May pinirmahan na tayong kontrata sa malalaking kumpanya. Paano kapag kinasuhan nila tayo? Masisira ang career mo, alam mo 'yan! Iyan ba ang gusto mo? Matagal mong iningatan ang career mo pero bakit ngayon ka pa nagkaganito?"
"I said, I don't care!" seryoso niyang sabi at tinalikuran ito. Lumapit siya sa direksyon ni Indiana.
"Maraming salamat, Litos. Mabuti nalaman mong narito ako." Narinig ni Vander na sinabi ni Indiana sa kasama nitong lalaki. Hindi na kasi sila nakarating sa finish line kagabi dahil sa ginawang niyang set up.
"Trending ka na naman kaya nalaman ko. Hindi na kayo nakabalik kagabi kaya alam kong nakalabuso ka. Saka walang problema, Redhair. Ikaw pa ba? Ang lakas mo sa akin e. S'yempre hindi naman kita matitiis na mag-stay in na naman dito sa paborito mong inn. Masyadong mainit dito at matigas ang higaan. Hindi ka bagay rito," sagot nito na medyo pabiro. Kahit kailan naman ay palagi itong to the rescue kay Dawn sa tuwing mahuhuli ng mga pulis ang dalaga.
Napuna naman ni Litos ang paglapit ni Vander kaya itinuro nito kay Dawn ang binata. Bahagya lang naman tumingin si Dawn kay Vander at muling ibinalik ang tingin sa kasama.
"Halika na, Litos. May gagawin pa ako. Okay na ang motor ko, 'di ba? Pwede ko na ring kunin sa mga pulis."
"Oo, naroon na sa labas. Pwede na ulit kumarera pero sa legal lang para walang sabit."
Akmang hahakbang na sana si Dawn palabas ng presinto nang pigilan siya ni Vander.
"Indiana, wait!" Hinawakan niya ang braso ng dalaga upang pigilan sa pag-alis pero malakas nitong tinabig iyon. "Let's talk, Indiana, please!" pakiusap niya.
Hindi siya nito pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglabas. Hinabol naman niya ito.
"Vander!" sigaw ni manager Crista na hindi niya pinansin. Mas mahalaga na maabutan niya si Indiana kaysa sa mga sermon nito na nakakasawa na.
"Sh*t!" bulalas ni Vander. Natigilan siya nang makita ang mga reporters sa labas. Napansin niyang naroon din si Indiana kasama si Litos. Nagulat siya nang biglang sumugod ang mga reporters palapit sa kanila. Mabilis naman niyang hinila si Indiana upang protektahan sa siksikan.
***
Samantala, malawak ang ngiti ni Thelma habang pinapanood ang kasalukuyang balita sa telebisyon. Kitang-kita niya kung paano dumugin ng mga reporters si Dawn. Siguradong isang kasiraan na naman ang ipapalabas tungkol dito.
"Do you love what you see?" Bahagya siyang sumulyap sa nagsalita.
"Of course, Tita Maira!" sagot niya sa tiyahin habang nakangiti.
Na sa condo sila ngayon para pag-usapan ang mahalagang bagay na may kinalaman sa Silueta heiress.
Elegate itong sumisim sa tasa ng tsaa. "Good!" sambit nito pagbaba sa tasa. "What's your next plan?"
"What's our next plan," pagtatama niya sa sinabi ng Ginang.
Malakas namang tumawa si Maira. "Then, what's our next plan, Iha?" muling tanong ni Maira.
![](https://img.wattpad.com/cover/303535906-288-k356609.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying Rebellious Heiress
RomansaHe's perfect and she's not. He's not an alcoholic but she is. He's good at modeling, but she's better at drag racing and gambling. Everything he has, she doesn't care. Vander Monterallo is a successful man and is well known as the most popular co...