KABANATA 3: Sigaw

17 8 0
                                    

NAKAHARAP lamang ako sa screen ng computer at tanging inaalala ang nangyari kanina.

Akala ko talaga ay sya na yon halos parehas kasi sila ng katawan at galaw. Tumayo ako at binuksan ang bag kinuha ko doon ang sketch pad ko at bumalik ulit sa upuan.

"Sabagay.....she's attracted but her attitude tss looks like she's not a girl"

Kinulayan ko ang mata nito na kulay itim ang pilikmata nitong hindi ganon kahaba at ang matangos nitong ilong at mapulang labi. Maganda sya pero kabaliktaran ng ugali.

Halos isang oras kong pinaglaan ng oras ang pag guhit sa kanyang mukha at ngayon ay nasa katawan na. Nakasuot ito ng kanilang uniporme habang may bitbit na bag sa kanyang kanang kamay at libro naman sa kaliwa.

Napatigil ako sa pagkukulay nang may kumatok sa aking kwarto.

"Hijo nakahanda na ang pagkain. Mamaya ka pa ba bababa?"

Ipinatong ko muna ang aking sketch pad sa mesa at pinagbuksan ang nagsalita.

"Nakauwi na po ba si Mom and Dad?" Tanong ko kay Manang Loery.

Lumungkot ang mukha nito nang tanungin ko iyon.

"Wala pa sila hijo....baka bukas pa sila umuwi"

"Business trip pa rin po ba?"

Hindi nito sinagot ang aking tanong.

Sinasabi na nga ba...palagi naman silang wala so what's the matter if aalis ako ngayong gabi?.

"Manang kayo na lang po ang kumain I'm going somewhere"

"A-ano? Pero hijo gabi na"

"Manang malaki na po ako kaya ko na, kahit naman po siguro isumbong nyo ako kay Mom at Dad wala silang pakialam hindi din sila uuwi dito" paliwanag ko.

"Pero-"

Tumalikod ako at pumasok ulit sa kwarto.

"Nethan"

Tumigil ako sa pagpasok sa CR nang tawagin ako ni Manang sa pangalawa kong pangalan.

"Manang-"

"Hijo, alam kong hindi ayos sayo ang hindi ulit pag uwi ng mga magulang mo at alam kong nagtatampo ka pero hindi sapat at hindi solusyon ang pagbubulakbol para umuwi sila dito at para hindi na sila umalis"

"Manang paulit ulit na lang po kasi. Ginagawa ko naman po ang best ko eh bilang nga lang po ang pag attend nila sa recognition at awards ko at kahit isa sa graduation ko wala, hindi sila umattend, so what kung gagawin ko ito? And I'm sorry Manang....matagal ko na rin ginagawa ang pagpunta sa bar sinasakto ko lamang na tulog na kayo. I'm sorry Manang"

"Hijo, sa tagal ko na nagtatrabaho sa pamilya nyo at halos ako na mismo ang nag alaga sayo kaya alam ko lahat pero hinahayaan lamang kita na sabihin mo din yan at nagpapasalamat ako na ginawa mo na ngayon. Kada lalabas ka ay agad akong tumatawag sa guard na nakaduty sa may main gate ng subdivision na ito para malaman kung nakalabas kana at kung nakabalik kaba ng ayos"

"Sa totoo lang Manang minsan napapaisip ako na sana kayo na lang yung naging magulang ko kasi mas may pakialam pa kayo kaysa sa totoo kong mga magulang kaso hindi pero ayos naman po ito you treat me well like your true son"

"Ginagawa nila yon para sa kinabukasan mo"

"Yeah for my future, matulog na po kayo kaagad Manang wag nyo na po akong hintayin"

"Pero tatawag pa rin ako sa guwardya mamaya. Mag iingat ka"

"Sure Manang"

Pagkabihis ko ay lumabas na ako at nakita doon si Manang na kalalabas lamang sa kusina.

I HEAL MY OPPONENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon