KABANATA 2: Maling akala

21 9 0
                                    

I decided to stay here in the bench while I'm listening to a relaxing song.

Nakapikit ako habang nakaupo dito sa upuan na malapit sa field.

"Oy Lance, bakit nandito ka? Ayaw mong makihalubilo doon sa amin ang saya kaya masasarap pa ang mga pagkain na dala nila"

"Just go Renique I'm not in the mood I want peace of mind"

"Sabagay mukang kailangan mo nga ang hirap ng Math kanina eh"

Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.

"Teka ang lalim non ah. May problema 'to ano yon?" aniya at umupo sa unahan ko na mukang naging interesado na ngayon sa akin.

"Wala, bumalik kana doon sa kanila"

"Ano nga?"

"Please stop I don't need a guy here who is talkative like a girl"

"Tss ang init lagi ng ulo mo. Palamigin mo yan dahil may dadaluhan pa tayong meeting mamaya para sa officers ng Math club" Umalis na ito sa una ko at nagsaya ulit sa mga kaklase namin.

Kinuha ko ang aking sketch pad at ang paborito kong lapis. Tumingin ako sa babaeng naka sideview sa drawing ko hindi pa ito tapos dahil mukha palang ang nandito. Pinagmasdan ko ito ng ilang minuto.

Ang matangos nyang ilong, ang manipis na labi at medyo malalim nitong mata at seryosong mukha. Unang titig ko palang sa kanya lahat yon ay natatandaan ko na kung anong itsura at kahit siguro nakapikit ako ay maiguguhit ko yon.

Umiling ako sa naisip ko at ipinagpatuloy ang aking pagdra-drawing.

"Lance?"

Mabilis kong naisara ang sketch ko nang marinig ko ang boses ni Lia na campus crush kung tawagin.

"What is it?"

"Ahm...p-pwede bang magpaturo sayo sa Calculus? K-kasi....nahihirapan ako but don't worry I'll pay you-"

"I don't need that sa anong parts kaba nahirapan?"

Ibinigay nya sa akin ang notebook at itinuro sa akin ang parte na nahihirapan sya.

Napatango ako sa nakita ko.

"Fundamental theorem of calculus...." bulong ko.

"Let's go in the library masyadong maingay dito hindi ka din naman makakapagpokus dito"

"Okay no problem"

Kinuha ko ang aking bag na nasa bench at nagsimulang maglakad.

"Kaya pala ayaw mong makihalubilo sa amin Lance dinidiskartehan mo na ang campus crush HAHA" si Renique.

Fvck!

"Sagot agad yan, si Lance pa eh matinik din yan sa mga babae patago nga lang haha. Congrats in advance sa inyo!" sigaw ng isa kong kaklase.

"Paburger naman dyan witty man!" isa pa.

"Sorry don't mind them" sabi ko at hinawakan sya sa braso na parang ikinagulat naman nya.

"Sorry" mabilis kong sabi.

"Yun oh! HHWW"

"Ano yon Pre?" narinig kong tanong ni Renique.

"Tanga, ayun lang hindi mo pa alam Renique?"

"Kaya nga nagtatanong eh"

"Holding hands while walking"

Fvck this man.

Umalis na kami doon dahil ako na ang nahihiya sa mga pinaggagagawa at sinasabi nilang naririnig ni Lia.

I HEAL MY OPPONENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon