"A-ano yung sinabi mo?"
"Hindi ko ugaling umulit ng sinasabi" sabi niya.
"Hindi nga, gusto ko lang marinig ulit mula sayo"
"Nah. Hindi na, abuso ka" aniya at tinanggal ang coat ko na nakalagay sa kanyang balikat at bago niya iyon ibinigay sa akin ay pinagpagan niya muna ito. "Thanks. Balik na ako sa loob"
Naiwan akong nakatulala pa doon.
Hindi nga? Pinaglalaruan niya ba ako? Gusto niya lang bang gumanti sa paraang wala akong laban?
Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ako bumalik sa loob.
Doon ay naabutan ko silang nakangiti ganon din ang Ina ni Jovial.
So she has second face, well that's good. Sana magtuloy tuloy pa.
"Son, come with us. Kilala ka pala nitong si Jovial na napakagandang dalaga" ani Mommy na tuwang tuwa habang nakatingin kay Jovial.
"Actually he's my......rival" si Jovial. Medyo humina ang pagtawa nilang dalawa, ang parent ni Jovial at ni Mommy pero mababakas pa naman ang saya sa kanilang mga mukha. "But, that's past, we're friends now sa totoo nga po nan he's my tutor" ani Jovial at tumingin sa akin ng nakakaloko.
What the fvck? Jovial!
Tumingin ako sa awra ng Ina ni Jovial pero ganon pa rin ang facial expression nito. Hindi nagbago, at tumingin lamang sya sa kanyang anak.
"Oh really, well maganda yan gayong parehas kayong magaling pagdating sa academics" si Mommy.
"Well....that's good hijo" ani Mrs. "Thank you for helping my daughter to her academics mas makakampante din ako na kaya niyang makipag sabayang mag aral sa ibang bansa"
"Oh is she go to study abroad?"
"Yeah, she will take law"
"Oh wow! Its suit to her magaling na bata itong si Jovial"
Napansin ko ang pagkuyom ng isang kamay ni Jovial at pagkatapos ay ibinaba ang hawak nitong kubyertos.
"Excuse me po, I want to go outside" tumayo ito nang hindi tumitingin sa kanyang Ina.
Pagkalabas niya ay sumunod naman si Mrs. Tan sa kanya.
Masama ang pakiramdam ko dito.
Hinawakan ni Mom ang kamay ko.
"Stop, hayaan mo sila Neth sa kanilang mag Ina iyon-"
"Mommy hindi mo alam ang kayang gawin ni Mrs. Tan kay Jovial"
"I know. Alam ko na kanina pa na hindi komportable ang batang iyon kay Mrs. Tan at wala din naman tayong magagawa doon anak niya- Nethan. Nethan bumalik ka dito"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mom at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makarating ako sa 𝒉𝒂𝒓𝒅𝒊𝒏 𝒅𝒆 𝒑𝒂𝒍𝒂𝒄𝒆 dito sa may kaliwang parte ng restaurant.
"Please manage your behavior Jovial, kahit naman kaunti wala na ba talagang natitira na respeto?"
"Mom ikaw lang naman ang may gusto nito, you want me to continue my studies pero dito. Ang gusto ko."
"Jovial napag usapan na natin ito-"
"Pero sariling opinion mo lang, Mom ayoko tumira kasama ang bagong pamilya ni Dad doon. That's clear"
"Jovial"
Nakita ko na umalis doon si Jovial at hindi ito sinundan ni Mrs. Tan nakita ko na kinuha niya ang kanyang cell phone sa maliit nitong bag at mukang may tinawagan.
Naglakad ako para sundan si Jovial at doon ko siya naabutan na nakaupo sa isang bench doon.
Nakayuko ito habang ang kanyang dalawang braso ay nakatakip sa kanyang mukha.
"Madami ng lamok dito, pumunta tayo sa ibang lugar-"
"Umalis ka"
"Jovial tay-"
"Sinabi ng umalis ka!!"
Tumayo ito at nanginginig bigla namang huminahon ang pakiramdam nito nang makatitig na sa akin.
"Sorry. Nadala lang ako ng galit ko" aniya at inayos ang sarili bago niya hinawakan ang braso ko.
"Tara na"
"Ha?"
"Kasasabi mo lang kanina hindi ba? Na may lugar kang alam. So punta tayo doon"
"Tara"
Sa likod na kami dumaan papuntang parking area pinagbuksan ko siya ng pinto at ako naman ay bago pumasok sa kotse ay nag padala muna ako ng mensahe kay Mom para alam din ni Mrs. Tan na kasama ko ang anak niya.
"Hey Lance, let's go"
Pagkapasok ko ay agad ko ng pinaandar ang kotse.
Alam ko na kung saang lugar ko dadalhin si Jovial sigurado ako na matutuwa siya sa magandang tanawin na iyon lalo pa at gabi na.
"Wow!.....ang ganda dito ah, pano mo nalaman ang lugar na ito?"
"Friends".
"Siguro madalas kayo dito"
"Yeah lalo na kapag tapos na ang exam nakakapag relax kami dito"
Hinubad ko ang aking coat at inilagay sa kanyang balikat.
"Thanks" aniya.
Ipinatong at sumandal din ako sa railings na nandito.
Mahangin at puno ng ilaw ang lugar na ito. Mas maganda sa pwesto namin dahil sa nasa may pinakamataas kami at ang karamihan ay nasa ibaba at kitang kita ang puro mga estudyante na nandito.
May nagtatawanan, asarahan, habulan, at may ilan ilan ding kumukuha ng larawan at may mga ilan ding nagbabasa dito may parte na madilim pero halos lahat naman ng lugar dito ay maliwanag dahil sa mga iba't ibang kulay din ng ilaw.
Kung titingnan ay kahit hindi pa pasko e magmumuka na itong paskong pasko na.
Pinagmasdan ko si Jovial na kitang kita sa kanyang mukha ang malawak nitong pag ngiti.
Salamat, nagustuhan niya.
Kumikislap ang kanyang mata dahil sa natatamaan ito ng ilaw at kagagaling din niya sa iyak.
Ibinigay ko sa kanya ang aking panyo na kulay abo at ito ang ginamit niyang pang punas sa kanyang luha kanina.
"Thanks Lance, ang ganda dito medyo gumaan ang pakiramdam ko"
"No problem. Of course its my responsible to do that"
"At bakit naman?"
"Its my responsible to made your day, because I like you"
Rinig ko ang biglaan nitong pag tawa.
"Why are you laughing? Kinikilig ka?"
"You're crazy"
"Hahahaha"
"By the way ang ganda ng lugar na ito. Ano bang lugar ito?"
Humarap ako sa kanya at isinandal ulit ang katawan sa railings.
"Ito ang lugar kung saan dinadala ang mga taong nagugustuhan at mahalaga sa kanila at pwede ding sabihin na nagsisilbing ilaw nila....."
"So ano nga? Anong pangalan ng lugar?"
"The City of Light......for Love"
Author's Note: Yieee
babygummie_
BINABASA MO ANG
I HEAL MY OPPONENT
Short StoryHer innocent face. I want to help her, but I don't know. I want to change her mindset. How can I help my opponent?