Jovial
Habang hawak ang bulaklak naglakad ako patungo sa kaniya. Sa lalaking gusto kong makasama habang buhay.
I didn't expect that I'm gonna experience this....
Inayos ko ang aking buhok at umupo. Ipinatong ko ang bulaklak sa gilid at nagsindi ng kandila.
"Hi love how's your day? You know....I have a surprise for you" sabi ko bago kinuha ang tablet na dala ko at ipinaharap sa picture na nakalagay sa lapida.
"Look I made it. Natapos na yung bahay na gusto natin pareho. I am pretty sure magugustuhan mo yung designs sa loob dahil ako ang nag design niyan mismo"
Bumuga ako ng hangin at doon na unti unting nanlabo ang paningin ko dahil sa luha.
It's been two years since he left me.
"Ang daya mo naman kasi e, ang daya daya mo. Iniwan mo ako. Sabi mo isa sa pinakamasayang araw yun para sayo pero kasi sa akin hindi" Kumuha ako ng tissue at pinunas ko sa aking pisngi. "Halos dalawang taon kana diyan. Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako sobra na love e. Dalawang taon na din akong hindi nakakakain ng siopao alam mo ba kung bakit? Kasi hinihintay kong ikaw mismo ang bumili non para sa akin. Gustong gusto ko ng makita yung gwapo mong mukha habang may dala kang siopao at bulaklak. Nakakainis ka gusto ko ako lang yung dadalahan mo ng bulaklak pero bakit ikaw na ngayon?"
Tumingin ako sa kalangitan na kulay asul.
"Ang ganda ng langit love mas gumanda dahil nandiyan kana"
Hanggang ngayon hindi pa din ako naniniwala na hindi na siya babalik pa sa akin.
Nang mga oras na yon gusto ko na lang magpakain sa lupa. Nang malaman ko na wala na siya para akong nawalan ng kaluluwa at hindi makagalaw.
Paano nga ba ako nakaunsad noon? Hindi ko na masabi kung saan ako nagsimula.
Isa na akong engineer ngayon at masasabi ko na walang nagbago ganon pa din naman ako.
"Love siguro kung nandito ka pa din kasal na tayo ngayon. Binibigyan mo pa din ako ng bulaklak. Ang hirap lang kasi alam mo yon parang ako na lang yung huli mong misyon dito bago ka umalis. Oo nabago mo ako pero ikaw naman pala yung mawawala. Kung alam ko lang mas gugustuhin ko pang magsuffer na lang kaysa mawala ka. Alam ko magagalit ka sa sinabi ko pero ayon ang nararamdaman ko e"
I miss you.
Sa ngayon nagtuturo na din ako sa isang pribadong unibersidad. Syempre engineering students ang handle ko.
Sa loob ng ilang taon ay hindi ko naman nararamdaman na mag isa ako nandiyan ang mga estudyante ko at nagkaroon naman ako ng kaibigan at ayon pa din namang kaibigan ni Lance.
Nakakainggit nga silang tingnan dahil may mga sarili na din itong pamilya at anak.
Itinuon ko na lamang ang aking sarili sa trabaho. Doon ko na din minsan nararamdaman ang pagod sa katawan dahil na din sa hindi na ako bumabata.
Hindi pa ito ang huli love umaasa pa din ako na magkikita pa din tayo at yayakapin pa kita ng sobrang higpit. Kapag nagkita man tayo hinding hindi ko ako bibitaw sa pagkakayakap sayo.
Gusto ko makita ang itsura mo ngayon ganon ka pa din kaya kaguwapo? Marahil mas lalo kang gumwapo. I'm already 45 years old. Halos lahat sila nagsasabi na wala na talaga akong balak mag asawa pa actually wala talaga. Kung mag aasawa man ako iyon ay ang nag iisang lalaki sa puso ko.
Hanggang sa tumanda pa ako siya lang. Hanggat nandidito pa ako hanggang sa mawala na ako.....siya lang.
Palaging siya lamang at walang iba.
Tumingin ako sa buong bahay na si Lance mismo ang nag plano.
Ang bahay na ito ay siyang tanging alaala ko sa kaniya. Gusto ko mapreserve ito bago man ako mawala. Ito lamang ang masasabi kong ipinundar namin ni Lance na punong puno ng pagmamahal.
Inipit ko sa gilid ng aking tainga ang iilang buhok na napupunta sa aking mukha. Nagsinda ako ng kandila at kumuha ng pamunas para linisin ang dumi sa pangalan niya.
Kinuha ko ang cake sa kahon at sinindihan ang kandila dito.
"Happy 45th birthday love. I love you"
Bago ko pa man ihipan ang kandila ay parang may nauna na sa akin dahil namatay na ito agad. Iba ang presensya nito kahit mahangin ay iba ang nararamdaman ko para bang may kasama ako dito.
"Ang tanda na natin pero buti ka pa ang bata pa ng itsura mo samantalang ako may puting buhok na" sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa picture niya.
"Basta kahit na anong mangyari ha hintayin mo ako diyan. Sobrang miss na kita"
Please wait for me. Hintayin mo ako d'yan pangako magkikita pa tayo love.
I promise.
Wait me love.
END
babygummie_

BINABASA MO ANG
I HEAL MY OPPONENT
Kısa HikayeHer innocent face. I want to help her, but I don't know. I want to change her mindset. How can I help my opponent?