KABANATA 8: Sacrifice

9 3 0
                                    

Tanging ngiti lamang ang nakikita ko sa kanya kapag magkasama kami, she's different when I first met her at the back of that stage thinking how smart is her and maybe have some attitude.

I wanna help her to that it will lessen her overthink that she'll loose.

Itinigil ko ang sasakyan sa gilid at pagkatapos ay kinuha ang itim na bag sa kabila bago lumabas. Naabutan ko syang nakaupo malapit sa fish pond at nagpapakain pala ng mga isda.

"Hi" tumingin ito sa akin na gumawa ng kaunting ngiti.

"Hi. So saan ba ang gusto mong location?" tanong nya.

"Coffee shop garden"

"Okay"

Nagtungo kami doon malapit lang naman sa park at maganda ang venue. Dito ko sya balak na turuan at para hindi ganon ka hassle.

Tinitigan ko sya at para bang wala ito sa mood at para bang may nangyari na hindi maganda.

"May nangyari ba?"

Tumingin ito sa akin at pasimpleng umismid.

"Mom" sabi niya at tumingin sa glass wall na kita ang fish pond.

"What about her?"

"She wants me to take law sa America. That's too much. I don't wanna take law"

Kita ko ang paghigpit ng hawak nya sa kanyang kamay at hindi mapakali sa ginagawa.

"What's your plan?"

"Destroy my future"

"Is that makes you happy?"

"I don't have a plan. I just want freedom Lance is that all.... but everytime i make a decision it always lead to another problem so i don't know. May isang paraan na lang para magkaroon ako ng kalayaan"

"Ano?"

"Aalis ako"

"Then what? Paano ka magsisimula? Hindi ganon kadali ang gagawin mo 17 ka pa lang at kailangan pa ng permission ng parents mo"

"You say you will help me"

"Ano?"

Tumingin sa akin si Jovial na mukang dissapointed sa sinabi ko.

"I think hindi mo ako matutulungan-"

"Jov i'm willing to help-"

"Pero hindi ka kaagad makapagsalita. It makes me feel na wala na talaga akong malalapitan na tutulong sa akin"

"I'm sorry, pero kung tungkol sa pag alis mo baka magkaroon ng problema dyan. Kilala ang Mom mo sa business industry imposibleng wala syang gagawin para mahanap ka Jovial, you need to think another plan. Hindi na ba talaga mababago ang isip ng Mommy mo?"

"I know Mom. When she plan it wala ng atrasan"

"Ganito pwede kang mag take ng exam sa law here in the Philippines sa pinaka kilalang school dito at kapag nangyari na makapasa ka sa entrance exam maybe your Mom will change plan, baka sakaling iatras nya ang pagpunta mo sa America"

Tinitigan ko sya na bakas parin ang pangamba sa kanya mukha. Hindi ko man naranasan ang nangyayari sa kanya ay para ko na ring nararamdaman ang sakit ngayon.

Hindi ko kayang ipakita ang awa na nararamdaman ko dahil alam kong ayaw nya ng ganon ang kinaaawaan sya.

I'm serious na tutulungan ko sya, tutulong ako para makapasa sya sa entrance exam sa law at kahit naman ayaw nya ng course na iyon ay siguro pabor na din sa kanya dahil hindi naman ito nag react nung sinabi ko na ang plano na pwede nyang gawin, basta ba ay hindi sya umalis ng bansa ay siguro okay na sa kanya na mangyari.

Tumigil ang dalaga sa pag gawa ng linya sa nababasa nitong salita at tumingin sa binata na abalang nakatingin sa librong binabasa nito.

"How do you know this?"

"Know what?"

"This way of questions? Possible questions sa law exam"

"To my cousin. Nakita ko syang nirereview ang sarili sa isang law school at sa pagiging kuryoso ko sa ganon ay tiningnan ko at habang nag aaral sya ay pinaliliwanag nya sya akin. Sa ganon hindi nya lamang ako natutulungan kundi nakakapag review na din sya dahil sa naipapaliwanag nya ng ayos"

"Okay, did he pass the entrance examination?"

"She Jovial. Babae ang pinsan kong iyon. Si Chein"

"Ah she's smart. She deserve that"

"You too. I believe na makakapasa ka, tatalunin mo pa ako hindi ba?"

"Yeah, ilang months na lamang sa highschool at malalaman ko na talaga kung anong mangyayari sa akin. Maybe ireready ko na ang sarili ko sa ganito"

"Wag mong ituon sa mangyayari ang sarili mo dahil kapag nagawa mong matagumpayan ito may malaking chance na hindi kana matuloy sa America para mag aral, pero maganda ang kalidad ng pag aaral doon bakit ayaw mo?"

"Dahil sa dito ako pinanganak, baka mas lalo lamang gumulo ang sitwasyon dahil sa hindi ako mabait Neth. Natitiis ko ang iba pero hindi ko talaga maiwasan na magalit dahil sa mga tao din na nakapaligid sa akin.

"Are you tired?"

"Kaya ko pa Lance makikinig na lamang ako sayo para hindi ako bumagsak kaya naman ito. Masaya ako"

"If you're tired you should rest okay? You need more energy"

"Yeah I know it but there's a time that i can't focus because of my case"

"Then text me when you need help or kung gusto mong mag aral. Mas maganda at makakapag pokus ka kapag nasa komportable kang lugar at hindi sa bahay nyo"

Tumingin sya na para bang pinag aaralan ang mukha ko.

"May mga kapatid kaba?"

"Yes I have she's in state. May asawa at anak narin"

"So ikaw lang pala ang naiwan dito sa parents mo?"

"Yes, close kami ni Ate at hindi naman sya nagbago nakakapag kwentuhan parin kami. How about you?"

"Wala. I'm the only child"

"I see. You're now in pressure"

"Yeah. Wish na may kapatid pa ako para naman magawa ko din ang gusto ko"

"You have no privilage na gawin ang gusto mo?"

Dahan dahan itong tumango sa sinabi ko.

"How about sa club? Hindi alam ng Mom mo?"

"Hindi nya alam. May business trip sya that time at ang yaya ko lamang ang kasama ko sa bahay kaya nagawa ko yon"

"Pero aware ka na delikado yun Jovial? Muntik ka na doon kung hindi ko narinig ang boses mo siguro may nangyari na sayo"

"I'm thankful sa nangyari. Actually I'm scared that time" aniya habang nakatingin sa lapis na hawak hawak.

"Pero ginawa mo parin"

"Dahil akala ko magiging masaya din ako"

"But not in that kind of plan Jovial"

"Yes. I know I'm wrong" simple nyang sabi.

Bumalik na ito sa ginagawa.Habang tinitingnan ko sya ay biglang sumingit sa isip ko ang reaksyon ng kanyang mukha noon, nang makita ko sya sa gilid habang sinasaktan sya ng lalaki na iyon.

May magagawa pa nga ako para magbago ang babaeng nakilala ko sa isang kompetisyon.













Author's Note:

Short update, sorry Gummie's.









babygummie_

I HEAL MY OPPONENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon