EPISODE 26

1.1K 45 3
                                    

EPISODE 26


"H-hi... ku-kumusta na ang p-pakiramdam mo?"

Pumikit nang mariin ang mata ko dahil sa karamihan na puwedeng itanong ay iyon ang lumabas sa bibig ko. My both eyes suddenly widen because she hugged me immediately. There's nothing malicious on it because I felt that it was was very genuine.

Tila gusto niya na ito gawin noon pa lang.

"Amber, hu-huwag ka umiyak... a-ayos ka lang?" 

Agad akong nag-alala dahil narinig kong humikbi siya.

"Justine, I am the one who supposed to asked you that. Ku-kumusta ka?" ngumingiting tanong niya habang pinupunasan ang mata.

I breath casually and smiled. "Maayos ako, Amber. Ang tinatanong ko 'yung kalagayan mo ngayon? Sino kasama mo?"

Hindi ko alam ngunit bigla akong naging masigla sa mga naging tanong ko at hindi sa pagbibiro ay sobrang gaan ng pakiramdam ko  simula nang yakapin niya ako.

"Ako lang mag-isa... pero... papunta si Ross dito dahil gusto niya talaga ako samahana. Kahit sabi ko kaya ko naman mag-isa."

May kung anong kumurot sa puso ko sa naging sagot niya. I gave her a full smile because I don't have a right to say anything. May kung ano ring hindi makapaniwala sa puso ko dahil nung nakaratay siya ay gustong gusto siya makausap ng kung anu-ano.

Sa pagkakaalala ko ay kaunting beses lang ako pumunta sa kanya noon at palagi akong minamalas dahil tulog siya kapag naabutan ko. That's why I felt happy and not bothered because she's looking fine. Sa tingin ko masaya na rin sila ni Ross and there's nothing to worried about.

"Nakakagulat dahil hindi pa kita naabutang gising nung... nagpapagaling ka," I stopped when I mentioned it at matipid siyang ngumiti, "pero alam mo pala ang mukha ko at nakilala mo agad ako." Manghang sabi ko.

Tumawa siya ng mahinhin at tumingin ng diretso sa akin. "I know every inch of you." 

Napangiti ako.

"How was your condition?" tanong ko.

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi bago sumagot. "I am finally okay. Nakatakas na ako sa sakit ko and I am a survivor," nakangiti niyang sagot, "maraming tao ang hindi nakakayanang lagpasan ang ganitong sakit... but I overcome it. Maraming salamat sa 'yo."

Mabilis na umukit ang malapad na ngiti sa labi ko nang marinig siya. Simula nung makita ko siya, ito ang gusto ko. Ang makita siyang buhay at lumalaban sa mundo. 

Sobrang awang awa ako sa kanya pero tingnan mo naman siya ngayon. Ibang iba siya sa natutulog na Amber noon. I looked at her face and I can't help to admire her beauty. Ang minipis niyang labi at bilog na mata. Sabayan pa nito ng litaw na litaw niyang ugali ay sobrang perpekto niya na.

Hindi ko rin masisisi si Ross kung ito ang dahilan kung ba't siya naging gano'n bago ko siya makilala.

"No worries, you deserve to live more. Alam kong kaya mo pa mabuhay ng matagal dahil may mga tao pang gusto ka makasama."

Nagtama ang mga mata namin sa huling kong sinabi at pakiramdam ko ay pinigilan ng labi niya ang gusto niyang itanong but suddenly, she opened her mouth.

"Can I ask you something?"

May kung anong sumapi sa akin upang kunin ang milk shake sa ibabaw ng mesa namin at inumin ito. I don't have an idea on what she's going to ask. While nodding, I swallowed hard.

"O-oo naman, ano 'yon?" I asked calmly.

"Why did you do that?"

Wala akong naramdaman bahid ng galit sa boses niya because her voice is too sweet but serious at the same time. Nahulaan ko agad ang tinutukoy niya.

bakit ako? (bl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon