EPISODE 06

2.4K 118 25
                                    

EPISODE 6


My eyes widened because of his question, even his friends glanced at him. Nakakagulat naman ang tanong niya.

"Ross easy lang, kung ano man ang problema niyo ayusin niyo na," pag-aalo ni Andrew sa aming dalawa.

Anong problema? Baka siya ang may problema.

"Baka siya ang may problema," paninimula ko.

Wala akong kakampi rito, kaya kailangan ko nang ibuka ang bibig ko para maayos na 'to. Hindi ko na kaya silang tingnan bukod kay Andrew dahil may naalala akong pangyayari sa buhay ko kapag nakikita ko sila.

I know that they are like him, maybe... Andrew too.

"I don't have a problem with y-you," aniya gamit ang kaniyang mahinang tono. Sina Jeremy ay nakatingin lang sa amin.

"Baka kasi ayaw niyong makasama ang isang katulad ko, at napipilitan lang kayo, puwede naman kasing lumipat ako."

Tone-toneladang arte sa binitiwan ko pagdating sa ibang tao pero iyon lang nasabi ko para makalayo sa kanila. Hindi ko na talaga kaya. I need to make an excuse for me to get rid of them.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Joaquin.

"Are you thinking that we are homophobic, aren't you?" Christian asked. My heart suddenly fell because of his sweet voice.

I nodded immediately.

"Can we just continue this tommorow?" tanong ni Christian sa mga kasama namin. 

Nakita ko kung paano madismaya si Ross base sa ukit ng mukha niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon ngunit nakaramdam ako ng kaunting gulat nang tumingin siya sa akin.

"Kanino bang grupo gusto mo lumipat?"

Sa tanong niyang iyon ay bigla kaming nagulat ng pagalit na isinara ni Ross ang pinto. Kitang kita ko kung paano umiling si Christian at tiningnan lang ako nina Jeremy.

"A-ano ang p-problema no'n? A-ayaw niya bang l-lumipat ako?" utal kong tanong.

There is something different on my question, it's like I am too confident but I don't mind it. Kailangan ko ng sagot sa mga tanong ko.

Joaquin chuckled, "Kinikilig ako na talaga ako."

"Answer me Justine, bakit parang natatakot ka sa amin?" marahang tanong ni Christian sa akin dahilan para bumagsak ang ulo ko payuko.

I really don't want to tell him or them the main reason of why I am being like this, of why I am being like tortured by their existence, but this us the only thing para maayos na 'to. 

"T-takot a-ako... s-sa..."

"Huwag niyo na siyang tanungin, kung gusto niyang lumipat siya ay payagan niyo na kasi baka nahihirapan ang tao mag-adjust sainyo."

Sumabat si Andrew sa usapan dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Gano'n din sila tatlo. He was standing in the right side of me.

"Andrew hindi ikaw ang tinatanong, huwag ka namang bastos," Jeremy scolded him and I heard the sarcastic laugh of the guy on my back.

"Ano ang bastos do'n? Ayaw ata sainyo ng tao eh, pinipilit niyo pa." 

He preached it like he's my hero.

Joaquin chuckled for the second time and Jeremy snorted while looking at me. "Kung alam mo lang..." bulong ni Jeremy nang itanggal niya ang gitara sa balikat.

"Tara na Justine," Andrew get my bag in the sofa.

"Christian... ang totoo kasi ay natatakot ako sa inyo, alam kong maguguluhan kayo sa rason ko. Pero isa rin sa mga iniisip ko na baka hindi kayo komportable sa taong katulad ko at baka pinipilit niyo lang sarili niyo na makasama ako."

bakit ako? (bl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon