EPISODE 19

1.6K 69 1
                                    

Trigger Warning: Abusive Words


EPISODE 19


"Regalo ko?" tanong ko kay Ross habang binubuksan niya ang regalong ibinigay ko.

He smirked, "Open my zipper, that's my present to you," aniya at umikot lang ang mata ko.

"Corny mo naman, umuwi ka na dahil baka hinahanap ka na nina Tita," naiinis na sabi ko. He laughing ashamedly and I just look at him.

"I'm just kidding," tumatawang aniya at tumabi sa akin para yakapin ang katawan ko, "nandoon sa bahay 'yung regalo ko sa 'yo, sumama kayo nina Tita dahil gusto rin kayo makita nina Mom."

We spent Christmas and New Year together, of course with my family and him too. Walang katulad ang kasama ko siya sa pagdiwang ng mga importanteng okasyon dito sa bansa.

Month of January make us tough and hard because of the research and projects on our major subjects. Lahat abala lalo na't matatapos na ang second semester.

"Mukhang magshi-shift ako ng course. Ang dami kong kulang lalo na sa major subjects natin," nanghihinang sabi ni Nicko habang tumitipa sa laptop niya.

Inabot ko sa kaniya ang milk tea na tira ko. "Ako nga rin ata, pero sinusubukan ko at kung hindi ko na talaga kaya. Lilipat ako ng Tourism."

Lahat sila napatingin sa akin habang nagmemeryenda kami sa loob ng canteen. May mga estudyanteng naaabutan ng dilim dito dahil sa mga ginagawang proyekto lalo na ang mga engineering at law students. Palaging puno ang library at meron silang limitadong oras.

Even Ross, but like he promised, he never forget to remind me about my mental health. Madalas din kaming sabay kumain sa tanghalian at walang araw na hindi niya ako sinusundo kahit mahigpit ang oras niya sa sarili.

"Magpahinga ka naman ah, kumusta si Amber?"

I asked him while he is driving his car, we stopped on a McDonalds drive-thru to order some food. Nagugutom raw siya dahil nakalimutan niyang mag-meryenda kanina.

First year pa lang kami ah, paano na kaya kung nasa ikalawa, ikatlo at huli kaming taon ng kolehiyo?

"She's fine, nagpapalakas at gusto ka niyang makita at makilala ng mabuti," he answered.
I felt a thousand butterflies in my stomach when he pinched my nose and kissed my lips.

I smiled, "Sa sunod na lang ulit kasi busy talaga kami ngayon Ross, pakisabi na lang sa kaniya ah."

Sumang-ayon naman siya at pakiramdam ko kilala na ako ng babae dahil sinabi sa akin ni Ross na palagi niya raw akong ikinukuwento rito.

I went there three times at sa ikatlong beses na iyon ay hindi ko siya nakausap o naabutang nakadilat. Kapag pumupunta ako ay naaabutan naming tinuturukan siya ng pampatulog at kung minsan nama'y, inoobserbahan siya ng doktor.

Ayaw ata kaming mag-usap ng tadhana.

"Matanda na ang bruha!"

Lahat kami naghiyawan nang sumigaw si Nicko matapos hipan ni Nisha ang kandila sa kaniyang cake.

"Happy birthday sis! I love you so much!" mula sa puso kong sigaw at niyakap siya.

Umaapaw ang pagiging masaya at pagiging mapagmahal kong kaibigan kay Nisha habang nagsasalo salo kaming magkakaibigan.

"Bakit hindi mo sinama si Ross?" tanong ni Nicko matapos uminom ng juice.

Kumunot ang noo ko, "Hindi naman kailangan."

bakit ako? (bl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon