EPISODE 20

1.2K 38 4
                                    

EPISODE 20


Most of the nasty memories that I deep-felt with my father was sinking on my mind again gradually. The only thing that I did was to cry in the middle of the road because everything is flashing like it was yesterday.

Mahina lang akong humihikbi habang nakaupo sa tabi ng lalaking karamay ko. Ramda ko ang pagiging tuliro niya kaya pasimple akong ngumingiti dahil panay ang alo niya sa akin.

"Tino, tahan na, please. I can't focus on the road because of your sobs, malapit na tayo."

I never expected that someone will do this to me, 'yung paglalabasan ko ng iyak at sakit. Sa mga nangyari sa akin noon ay tanging sarili ko lamang ang karamay ko.

Wala si Mama dahil sa takot niyang pumipigil sa kaniya. Wala rin si Ate dahil malayo siya sa akin. Siguro kung naisumbong ko noon kay Lola at Lolo ang mga nangyari, baka simula pa lang ay hindi na ako naging ganito.

Takot ang pumipigil at humaharang sa amin, ngunit kung ang takot na 'yon ay paiiralin namin ay baka patuloy ko itong mararanasan.

When we arrived on his house, no one was around in the living room and Manang saw us so she wall closer to me with a worried face.

"A-ayos ka lang iho?"

Tumango agad ako at ngumiti, "O-opo, magandang gabi po."

"Manang sa kuwarto ko muna kami," sabat ni Ross matapos sarhan ang pinto.

"Gusto niyo ba kumain? Ipaghahanda ko kayo," tanong ng matanda at tumingin muli sa akin.

Hindi ako tumugon ngunit si Ross na lang ang sumagot na maayos lang kami. I didn't open my mouth because my chest is clenching. Pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari.

"Weekend bukas, you must stay here for a while," he commanded while looking at me, "d-do you mind if I ask what happened?" tanong niya at bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

I sighed deeply but before I could speak a word,  the tears that my father hurts, burst again.

Agad na tumabi sa akin si Ross at marahang niyakap ako. I felt his kisses on my hair that gives me tranquility. Naaalala ko bigla nung mga oras na nanliligaw siya sa akin, he said that he will always be here for me even if I cried a pale of tears.

"Hindi ko alam na ang mga luha mo ang dadagdag sa kahinaan ko," he said using his gloomy voice.

Natawa ako at tiningnan siya sa mata, "Pasensiya na. Sinabi ko naman sa 'yo na iyakin ako." I saw that he nodded while smiling a half.

"Are you hungry? Do you want to eat something?" tanong niya at umiling naman ako dahil kakain ko lang sa birthday ni Nisha. Maybe he forgot it.

"Ikaw? Hindi ka ba gutom? Kumain ka muna."

He didn't response so I glanced at him. "I'm okay. Don't worry about me, babantayan muna kita," sabi niya at ngumiwi ako.

"Salamat, Ross."

He breathe out heavily and hugged me tight. "Let's just sleep, magpahinga ka sa mga bisig ko. Baka sakaling mawala ang nararamdaman mo."

Wala ng salitang lumabas sa bibig ko nang labis na kahinaan. Ang lakas ng epekto ng sinabi sa akin ni Papa at hangga't naririto siya malapit sa akin ay marami pa akong matatanggap na masasakit na salita galing sa kaniya.

When I turned my body sideward, I saw the guitar of Ross na mas lalong nagpaiyak sa akin. I feel his arms was wrapping me tighter.

Siguro Grade 7 ako noon nung niregaluhan ako ni Papa ng gitara. I am his favorite son back then, kahit na nariyan si Jervy ay ako ang paborito niya. Sa tuwing uuwi siya galing sa trabaho niya noon na driver ng isang delivery truck ay hindi niya ako nakakalimutan bigyan ng pasalubong.

bakit ako? (bl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon