CHAPTER 28: Brothers

68 55 0
                                    

《《 》》

ORIGIN OF THE FUSION

by Purple_Tips

Chapter 28 || BROTHERS

Nichie's Point of View

"Hindi ako si Zaynver." Napatulala ako sa iniwika niya. "Ang ngalan ko ay Zachary." Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.

Zachary?

Ngunit, ang mga mapupugay nitong mga mata, ang kanyang labi na tila nagsusumamo sa akin at ang maamo nitong mukha. Hindi ko napigilan ang sarili ko, ipinulupot ko sa kanya ang aking bisig at inilublob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Ang amoy na ito, tila kay tagal kong nawala sa mundo. Mas tumulo pa ang aking mga luha nang maramdaman kong yakapin din niya ako pabalik. Mahigpit na banayad ang pagkakayakap niya sa akin. Subalit, ang ngalan niya ay naiiba sa natatandaan ko? Bahagya ko siyang naitulak, dahilan upang maglayo kami sa isa't isa. Muli kong tinignan ang kanyang mga mata at napansin ko ang mga luha na nangingilid sa mga ito.

"Zachary?" Natigilan ito nang tawagin ko ang pangalan niya at may kumislap na namang liwanag sa kanan nitong dibidib.

"Ako nga aking prinsesa." Lumuhod ito sa aking harapan.

"Hindi mo kailangan---" Akmang hahakbang sana ako para patayuin siya ngunit nabigla ako sa kanyang ibinulgar.

"Kambal ko siya, si Zaynver." Dahan-dahan niyang iniaangat ang kanyang paningin sa akin. Hindi ako makapaniwala, all this time. Bakit hindi ko ito nalaman kaagad na may kambal pala si Zaynver? Bakit hindi niya ikwenento sa akin?

"Mahabang kwento, Nichie. Sa ngayon balikan na muna natin siya sa palasyo, maaari ba?" Mind reader ba siya?

"Tama ka. Ngunit, ang aking light power ay weather modification at ang special ability ko ay psychotic ability kung saan nababasa ko ang iniisip ng iba." Pagpapaliwanag nito, habang siya ay tumatayo mula sa kanyang pagkakaluhod.

Hindi na ako nahihiwagahan pa sa mga itinuturan nito, dahil naging sapat na sa akin ang isan linggo upang sumabay sa agos ng aking bagong mundo. Subalit, ang pakiramdam na ito parang may kulang, may mga alaala pa akong hindi ko naaalala.

"Nichie, maghunos dili ka. Huwag ka munang masyadong mag-isip." Pagpapaalala nito sa akin.

Alam ko sa sarili ko na ang katauhan ni Ushaza ay magbabalik kung puot at galit ang aking paiiralin. Sa ngayon, nakokontrol ko pa ito dahil sa nanghihina pa siya. Kakayanin ko ito. Kakayanin ko. Sana.

Muli kong tinignan si Zachary, subalit wala na ito sa kinaroroonan niya at nasa ibang lugar na din ako. Sa tingin ko ay nasa loob ako ng isang palasyo. Iniikot ko ang aking paningin sa buong paligid at agaw pansin ang kumpulan ng mga enchantress sa loob ng palasyo.

Lumapit ako dito dahil sa aking kuryosidad na malaman kung ano ang nangyayari. Unti unti kong inihakbang ang aking mga paa palayo sa kanila. Nakita ko ang aking walang malay na katawan habang nakayakap sa akin si Zachary.

Nakilala ko siya ng makita ko ang kumikislap na tattoo sa kanan nitong dibdib. Pinagmasdan ko ito at nawari kong isang hugis ng dragon ang simbolo na nasa kanang dibdib nito. Napatingin ako sa isang lalaking nasa gawing kanan ko. Zaynver?

Dahan-dahan itong lumapit sa kinalalagyan ko at nanlumo ng makita niya akong walang malay. Napadilat ako nang masaksihan ko ang pagkupas ng kulay ng aking buong katawan. Anong nangyayari sa akin?

"Ahhhhh!" Napasigaw ako ng malakas ng umikot ang aking buong paligid. Para akong nahuhulog sa napakalalim na balon. Ang tangi ko lang naaaninag ay itim na paligid.

ORIGIN OF THE FUSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon