Chapter 6Tumakbo lang ako ng tumakbo. Ni hindi nga ako sinundan ni Jackson eh. May relasyon silang dalawa! Yung Hailey na yun!!!! Bahala siya. Pinatay ko ang cellphone ko. Ayaw kong makausapn siya o kahit sino sa ngayon.
Akalain niyo naman Chapter 6 pa lang ng story ko tapos magbebreak na kami kaagad?! Ano ba yan :(. Dapat pala ikwento ko muna kung bakit kami nagkakilala. Kung Paano niya ako ligawan. Ang relationship namin this past 3 years. Wag na lang pala. hehe. Nakakatamad magflashback.
Hindi ko naman akalain. napadpad ako sa isang bundok or burol?.. Sa likod ito ng school kung saan strictly prohibited itong part na ito. minsan may pagkashunga ang mga teachers dito ang ganda ganda dito tapos strictly prohibited?! Ang unfair nila ah.
"Hayyy" nagbuntong hininga ako. Naalala ko na naman si Jackson kasama nung Hailey na yun. Naiiyak na naman ako. "Bakit niya ba yun nagawa saakin?" Mukang tanga ako dito nakaupo sa ilalim ng puno tas umiiyak.
"Kelan pa ba sila? Ang unfair niya.." sabi ko sabay punas ng luha sa mukha ko.
"Niloloko niya ba ako?... Ganyan na ba?" patuloy lang ako sa pagsasalita habang umiiyak. alam ko namang hindi naman niya ako makikita dito. Alam ko naman nakikipaglandian siya doon sa Hailey na yun!
"Ehem. ehem"
"AAAAAAAHHHHH" sigaw ko. Wag niyo sabihing may aswang dito??
"Tumahimik ka nga. mabubuking tayo dito eh" tumalon mula sa itaas ng puno ang isang lalake.
"Sino ka?!" sigaw ko
"Wag ka nga sumigaw! Maka sigaw to akala mo naman nasa bundok tayo!"
"Psh. sino ka nga?!"
"Quen. Enrique Dalimot. ikaw sino ka?!" muntikan na ako matawa sa apilyido niya parang madaling makalimot haha. matanong ko nga..
"Ako si Venice Farah! Tanong ko lang madali ka bang makalimot?"
"Hah? hindi noh. maaalalahanin ako. Bakit ka andito Venice? Alam mo bang strictly prohibited etong lugar na to?"
"Oo alam ko naman. eh ikaw bakit ka andito?!"
Hindi niya ako sinagot. umupo lang siya sa ilalim ng punong tinalunan niya. Huminga siya ng malalim. "Ang ganda dito no?"
Tumabi naman ako sa kanya. Tama nga siya maganda dito sa lugar namin ngayon. Mapresko dahil sa mga punong nakapalibot. Dagdag pa ang mga bulaklak sa paligid kaya napakaganda dito. "Oo nga. ang ganda dito"
Napangiti niya. Baliw na ba to? "Alam mo ba kung bakit strictly prohibited ang lugar na ito sa school?"
"hindi"
"May namatay kasi dito"
Patay?.... pag may patay may multo.. waaaah T___T
"3 years na ang nakararaan. Namatay ang isang babaeng nagngangalang Julia dito sa lugar na ito" napangiti siya ng mapakla. Julia?
"Ahm.. bakit siya namatay?"
"Dahil sa gagong boyfriend niya. Matapos nilang magaway, tumakbo ng tumakbo si Julia patungo dito sa lugar nato. kung saan dito sila palagi tumatambay ng boyfriend niya.May sakit siya. Mahina ang puso niya. Inatake siya sa puso. Kaya namatay siya."
"bakit alam mo ang story nila?"
"Dahil ang gagong boyfriend na tinutukoy ko ay ang sarili ko. Namatay dito mismo sa lugar na to ang taong pinakamamahal ko. Dahil sa katangahan ko." humihikbi siya. Pinunasan din niya ang luha na tumulo sa mga mata niya.
"Miss na miss ko na siya. 6 years na sana kami ngayon. kung hindi lang siya namatay."
"Shhhh... tahan ka na.. Sa tingin mo ba magiging masaya siya kung nageemote ka dyan?"
*
Naglalakad na kami ni Quen papunta sa room namin. Akalain mo ba naman. kaklase ko pala siya sa isa sa mga subjects."Don't worry yung pageemote mo kanina walang makakaalam! Tayo tayo lang hahahaha" sabi ko sa kanya
"Oo na hahaha.. subukan mo lang ikalat hahahaha"
Mabuti na lang andito si Quen. Nakalimutan ko din kahit papano si Jackson. Buti na lang may pagkain ang laman ng bag netong si Quen. Ayun pinakain ako haha.
"So eto pala ang maabutan ko sa loob ng dalawang oras na paghihintay ko?. Psh" nabigla ako ng makita ko si jackson sa harap namin at matalim na tinignan si Quen. kung nakamamatay lang talaga ang tingin for sure patay na si Quen.
"Enjoy kayo" sabay alis ni Jackson palayo sa amin.