Chapter 1Venice's POV
Hmp. Para manonood lang ng Winnie the Pooh o di kaya Timmy time tapos ayaw niya!. Para namang hindi siya nanonood ng teletubbies noon.
I hate him! Bahala siya!..
"Oh Ate? Aga mo naman ata. Wala ba kayong date ni Kuya Jack?" tanong ng aking poging kapatid na si Vladimir Francis Guevarra. Wala siyang kwentang kapatid. Period.
"Wala!" umupo ako sa tabi niya. Nanonood na naman to ng Masterchef sa Starworld.
"Ano naman natututunan mo sa panonood neto Vlad?" tanong ko sa kanya
"Pagluto ate"
"Ni hindi ka nga marunong maglinis ng isda ah!"
"Ate. ikaw lang sa bahay nato ang hindi marunong magluto. You should try to cook too.. Kahit nga magprito ng itlog hindi mo magawa"
"Shattap kapatid" kinuha ko ang remote control abd nilipat ko ito sa cartoon network. Great! The Amazing World of Gumball!!
"Ugh! Ate?! Bakit mo nilipat?! Ate naman eh!! Why?!"
"Manonood ako. bakit ba?!"
"Psh" tumayo na siya at naglakad papunta sa hagdan. Aakyat siguro sa kwarto niya. May tv naman kasi dun eh.
*
Ang talino talaga netong kapatid ni Gumball! ang cute pa! color Pink! tapos tong si Gumball color Blue! pusa ba tong si Gumball o Aso? o di kaya Gum na Ball?! Tama tama! Gum siya na hugis ball!"Mam... si Sir Jackson po nasa labas"
"Wag mo po papasukin Yaya Thelma"
"Pero Mam?"
"Wag po Yaya!" nilakasan ko ang volume sa tv. Anong akala niya? Matapos niya akong sabihan ng Childish?!
"Venice"
May tumawag sa akin. Kilalang kilala ko ang boses na yun. Alam kong kay Jackson yan. Ano ngayon? Hihingi siya ng sorry? Bahala siya! Manigas siya!
Hinawakan niya ang balikat ko. "Venice sorry na"
Hindi ko pa rin siya pinansin.
"Sorry na Mahal. Hindi ko na gagawin yun"
"Heh! Umalis ka na!" pagmamatigas ko.
"Sayang naman ng binili kong Ice cream.. Rocky Road pa man din ang flavor." R-rocky road?... Eh basta! Di ko siya papansinin.
"Kuya? Kuya Jackson!! Ikaw nga.. Ano yang dala mo kuya? Wow ice cream!"
"Gusto mo Vlad?" tanong ng magaling kong boyfriend
"Rocky road? Wow... ge ge teka kukuha ako ng kutsara at lalagyan haha" tumakbo siya sa kusina dala dala ang ice cream.. waaaah ice cream ~=_=~
"Ayaw mo mahal?"
"gusto... HA? AKO? UPKURSENAT!"
tinawanan lang niya ako.
"Ano tinatawa tawa mo dyan?! Ayoko nga ng ice cream. Ayoko. A-YO---" bigla niya akong hinalikan. Sinampal ko siya.. oo sinampal ko ang boyfriend ko.
"Ouch.. ganyan ka na ba sa boyfriend mo? Sinasampal?" bigla siyang tumayo. teka namula yung mukha niya. hindi yung buong mukha kundi sa parte lang kung saan ko sya sinampal.
"Aalis na lang ako" tapos naglakad na siya papunta sa pinto... Hala! Nagtampo na si mahal.
"Waaaaaah mahal" niyakap ko siya mula sa likod. "Sorry na... di ko naman sinasadya na sampalin ka.. patingin nga" pinaharap ko siya sa akin at tinignan ko mukha niya. hala! ang pula talaga.
Hinalikan ko ang parte ng pisngi niya kung saan ko siya sinampal kanina. "Ayan gagaling na yan. Mawawala na ang pamumula nyan"
"Psh"... nagsungit na siya. hala. galit na.. hinalikan ko ulit siya. mga sampung beses ko siya hinalikan.
"Paano naman eto?" bigla siyang nagpout. waaaah ang cute ni mahal. "Nasampal din eto ah"
I kissed him. Dapat smack lang kaso hinawakan niya ang bewang ko tapos mas nilapit pa niya sa katawan niya. No choice ako kaya I wrap my arms around his neck. Yumuko pa siya ng onti para lang maabot niya ako. wala eh tangkad ni Mahal. haha
Napatigil kami sa paghahalikan ng biglang may sumigaw.
"WAAAAAAAAAAAAH ATE?! KUYA?!"
sht. bitin.