Chapter 2Jackson's POV
Hanggang ngayon namumula pa rin si Venice dahil nakita kami ni Vlad na naghahalikan. What's wrong with that?. Anong nangyari kay Vlad? Ayun may bukol sa ulo. Nabato kasi ni Venice ng remote.
Paano ba nman kung ano ano ang lumabas sa bibig niya..
*flashback*
"WAAAAAAAAH?! ATE?! KUYA?!" napatigil kami ni Venice sa paghahalikan.
"Vlad ah eh..." -Venice
"POOOOOORRNN!!!!" Bigla siyang binato ni Venice ng remote ayun sapol sa ulo.
*end of flashback*
Nagkulong sa kwarto si Vlad. May date daw kasi siya bukas kaya ayun namomroblema sa bukol niya.
"Mahal" paglalambing ko sa katabi kong si Venice. kanina pa kasi ito kumakain ng dala kong ice cream at pumapapak ng manok na pinabili niya kay Yaya Thelma.
"oh?" tapos tinuloy niya ulit ang pagkain na parang walang katabi.
"Mahal" yinakap ko siya mula sa tagiliran. I inhale her scent. ang bango... amoy baby.
"Ano ba?! Can't you see that im eating?"... Yan. yan ang mahirap pag nakatapat na si Venice sa pagkain. Trust me. Nawawala si Venice na childish ko.
Bumuntong hininga na lang ako at kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Natapos na siya sa pagkain niya at dinala ang pinagkainan niya sa kusina.
"Mahal" yinakap niya ako mula sa likuran.
"Ano?" masungit kong sabi sa kanya.
"Sungit... Doon tayo sa kwarto. maya maya dadating na din si Kuya Vyron"
"Psh" Nauna siyang maglakad papunta sa kwarto niya. Sumunod na lang ako. Si Vyron nga pala ang panganay sa kanila. Pangalawa si Venice, bunso naman si Vlad.
"Sungit mo na naman sa akin mahal" malungkot na sabi sa akin ni Venice.
"Mahal naman kasi. pagnakakatapat ka sa pagkain nalilimutan mo ako. Mas mahal mo ang pagkain kaysa sa akin" nagpout ako bigla.
"Eh? mahal sorry kanina. gutom na kasi talaga ako eh" bigla niya akong yinakap. "Sorry mahal. sorry talaga"
Yinakap ko siya pabalik "Oo na... pasalamat ka mahal na mahal kita"
"I love you mahal" inamoy amoy pa niya ako. "Ang bango mo mahal"
"pfft.. i love you more mahal"
Buong maghapon kami magkayakap sa kwarto niya. Anong ginawa namin? Nanonood ng Winnie the Pooh collection niya. Kung papasukin mo ang kwarto ni Venice. di mo inakalang dalaga ang natutulog dun. Bukod sa color yellow ito. ang unan winnie the pooh. may shape ng ulo ni tiger. ulo ni pooh. ulo ni piglet. tapos sa gilid may mga dvd's ng winnie the pooh. Mapapansin mo lang sa isang corner ng kwarto niya may study table siya. ayun ang bag niya, mga libro, mga ballpen. Karamihan kaso puro Stufftoy na Winnie the Pooh.
"Mahal.."
"Hmm?"
"Alis na ako. magseseven na oh." sabi ko kay Venice.
"Agad?" nagpout siya bigla.
"Kailangan mahal eh. tatapusin ko pa ang thesis ko"
"Ganun?.. sige. ingat sa paguwi mahal" hinalikan niya ako sa labi. smack lang naman yun.
"See you soon mahal" i kissed her forehead.
"See you"
Ayaw kasi niya ng 'bye'.. para naman daw kasing nagpapaalam ako sa kanya. baliw talaga.
Nasalubong ko bigla si Kuya Vyron. dumating na pala siya mula sa trabaho. Kakagraduate lang kasi niya last year. Ang dali nga netong makahanap ng trabaho.
"Jackson"
"Kuya Vy. bakit po?"
"Maguusap tayo... tungkol sa inyo ni Venice"
bigla akong kinabahan. wag mong sabihin. ngayon pa siya tututol sa relasyon namin ni Venice kung kelan 3 years na kami?
*
![](https://img.wattpad.com/cover/36901712-288-k919985.jpg)