Chapter 5 [Apartment & Spaghetti]

40 2 0
                                    

Lauren's Pov

Pagkatapos ng Family Dinner, naalala ko yung mga sinabi ni Ace este— Ralph sa akin, na magbati na daw kami. Bakit nagaway ba kami.

"Rose what do you think?"  tanong ni mommy kay tita Rose, yeah nandito pa sila, actually nasa living room kami. Magkatapat kami Ralph ngayon tas si Ate Mad (Madison) at Kuya Rupert. Di na ko nakikinig sa usapan nila, kaya sinaksak ko yung earphones ko sa tenga ko, at tumingin sa bintana. Di ko na namalayan na nakatulog na ako, and pinapalo na pala ako nito ni Ate Mad, kaya tinanggal ko yung earphones ko. "Lauren, your not acting good in the front of the visitors. Don't you know how to respect?" sabi ni mommy sa akin. "Mommy I'm sorry, I will not do that again. Sorry Tita Rose" nag apologize ako agad, kasi naman kung di lang ako inaantok eh. "Bethany kaya na ba Krystal mag-isa, wala silang maid don or anything."  sabi ni tita Rose kay mommy, okay outdated ako bat kasi ako natulog. Ahh alam ko na, tatanong ko nalang kay Ate Mad. "Panget! Ano ba yung pinaguusapan nila." tanong ko kay Ate "Maka panget naman tong babaeng to para siya hindi. Tungkol sa apartment mo, at ni Ace."  sabi ni Ate. Huh? Apartment namin ni Ace like no way! Ano mas mauuna pa ako magsarili kaysa kay Ate Mad, tas nandon pa si Ace, eh lalaki si Ace no! Hindi ba nila alam na other boys can not respect girls. Paano kung maano ako Oh My Golly! Bata pa ako no, Krystal Lauren Hoy ang dumi ng utak mo!! "Ahm excuse me po, aakyat lang po muna ako sa room ko, isasama ko rin po si Ate Mad." sabi ko sa kanila, at hinila ko na paakyat si Ate.

"Pangettt!! Bakit ako pa yung binigyan nila ng apartment! Ha? Tapos kasama pa yung Ace na yon. Eh dapat nga ikaw eh, dapat kayo ni Kuya Ralden muna!! Diba? Diba? Argghhh!! Mas maganda kung may apartment ako basta si Mark Tuan ang kasama ko sa apartment hindi si Ace eh!!!! Ate tulonggg!!"  sabi ko kay ate habang nagpapadyak ako ng paa, kasi naman sa tanda ng ate ko di pa ba niya kaya magsolo tas ako pa ang kailangan, excuse me no! di kami nagkapalit ng age ni Ate Mad for your information 25 na siya tas ako mag-sisixteen pa lang. " Eh Lauren ako ba nagdesisyon? At lalong lalo di sila Ace at Rupert yon no! Sila Mommy at Tita Rose ang nagisip non. And they said dalawa naman ang kwarto at dalawa din ang comfort room kaya wala kang pwede ipagalala doon. And I think mabait naman si Ace he will not do anything bad to you" sabi ni ate with matching eye smile pa tss.. "Eh ate think about it. Lahat ng lalaki pag di nakapagpigil maghahanap ng ka-ano diba what if? NOOOOO!!!" sabi ko kay ate tas bigla siya umirap hu. hu. hu. I'm really out of my mind Wahhhhh!! Tas tong kapatid ko naglalaro lang ng Candy Crush "Seriously Lauren sino mas matanda sa atin huh? Tignan mo nga yang utak mo sobrang ByunTaeng na" sabi ni ate, kaya napasimangot ako. "Ate..." hinug ko siya, naiiyak ako ngayon seryoso ako. "Oy! Krystal Lauren!! Wag kang umiyak mababatukan kita" sabi ni ate, alam niya kasi pagumiyak ako maiiyak din siya. "Ate paglilipat na ako wala na akong kaaway , ikaw lang naman ang kaaway ko diba. Ate.." yun na eh may luhang pumatak na, ayaw ko na ituloy. "Yah~! Krystal Lauren!! Isa pag ako umiyak talaga ha.... Ewan ko sayo, wag ka ngang madrama dyan. Hayaan mo, paglumipat ka na lagi kitang bibisitahin tapos dadalhan kita ng EXO posters kahit di ko fandom yun." ayan na umiyak na si ate, kahit lagi kami nag-aaway niyan loves ko pa rin yan no!  "Ate Mad Mamimiss kita, basta promise mo ha.. Ate Wahhhh!!  ATE MAD!!!" sobra sobra na yung iyak ko.

"Uy Tal rinig mo yun, sino yung naglalakad pataas?" sabi ni ate habang nagpupunas kami ng luha namin. "Ate ano pagkatapos natin magiyakan bigla ka na l—-" di na tuloy yung sasabihin ko nung pumasok si MOM?! AT DAD?! "Krystal Lauren why did you scream? narinig namin sa baba.. Madison Aubrey wag mong sabihin may ginawa ka sa kapatid mo!" sabi ni mom, ang lakas talaga ng pandinig ng tenga ng nanay ko kekekeke.. (korean laugh) pero juk lang yun( :D ) "Mommy di ako inaway ni ate Mad actually, nagpaalam na po kami sa isa't-isa" nakangiti kong sabi kay mommy, alam ko ang masasabi ngutak niyan."Himala di nag-away tong magkapatid na to" tignan niyo lang may pagkaparehas ang sasabihin ni mommy sa sinabi ko "Baby Lauren sure ka ba di ka inaway ng kapatid mo" o diba told ya kapatid ang tawag niya kay Ate Mad. "Ma hindi nga po. At maitanong ko lang din po, bakit po ako po yung kailangan bigyan ng apartment  at hindi po si Ate Mad" tanong ko kay mommy, kasi alam niyo yung sobrang bata ko pa tas bigla bigla na lang ako bibigyan ng apartment ng mga magulang ko. "Krystal baby na pag isip-isip namin ng daddy mo ikaw muna ang bigyan ng apartment kasi ikaw yung mas bata, eh parang iba ang reaction mo eh. Ngayon Krystal okay lang ba sayo na magkaroon ka ng apartment?" pagtatanong ni mommy. Ready na ba ako, kaya ko na ba tumayo sa mga sarili kong mga paa.


"Tita Rose, Mommy, kaya ko na po mag-isa. At okay lang din po na kasama ko si Ace apartment, basta one thing lang po magkahiwalay po kami ng kwarto at comfort room" sabi ko kila mommy, yup pumayag na ko na mag karoon ng apartment with that Ace boy / Ralph tss.. "Buti pumayag ka Krystal, ikaw Ace okay lang ba sayo" tanong ni tita Rose kay Ace, pag ito di pumayag tatawagin ko tong pabebe psh- (-_-) "Yes Ma! okay lang po sa akin. Kahit ako na ang magluto." sabi ni Ralph. Tsk tsk sinabi kaya nila mommy na di ako marunong magluto, OMG paano kung sinabi nila #nakakahiya yon no! Ako yung babae tapos di ako marunong magluto its so nakakahiya Wahh.. "Ate Mad.. pst! pst! Tanong mo nga si Mommy kung sinabi niya di ako marunong magluto.." bulong ko kay Ate Mad, its OH MY GOLLY. Tinanong na ni Ate Mad kay Mom tas bumulong na din si Mommy, ekkk paano kung sinabi talaga ni mommy di na ako mabubuhay sa kakahiyaan ko, bilang isang babae.. "Krystal, oo sinabi daw ni Mommy. Okay lang naman daw kay Ace diba na siya na ang magluto " sabi ni Ate, na parang nag pipigil ng tawa. Pero wait parang ang OA ko no! Pwede naman ako mag paturo hanggang nasa bahay pa ako, diba? "Ahm.. Ace, pwede ka bang sumama sa akin 10 minutes lang usap tayo. Sunod ka na lang sa kitchen." sabi ko, di ko talaga kung ano pumasok sa utak ko para kausapin si Ace pero Arghh..


"Hoy! Ace bawiin mo nga yung sinabi mo kanina na ikaw ang magluluto sa apartment" sigaw ko dito sa lalaking to. "Eh paano kung ayoko. At isa pa di ka naman daw marunong magluto sabi ni tita eh, diba? Kaya it means na ako ang magluluto ng breakfast, lunch at din—" di ko na siya pinatapos kasi naiinis na talaga ako. "Bakit Ace pwede naman ako mag paturo habang nasa bahay pa ako diba? Or maybe gusto mo lang talaga patikimin sa akin yung mga di mong masasarap na luto ha! tss.." sabi ko na medyo pasigaw. Pero nagulat ako bigla na lang siya tumayo at kumuha ng mga gamit sa ref. OKAY? Anong ginagawa niya.. "Hoy! Ace! anong gagawin mo ha?! Wag mong sabihin na magluluto ka! Baka masunog pa tong bahay namin!" sigaw ko sa kanya, kaso patuloy siya sa ginagawa niya. Bigla na lang siya lumapit sa akin, tas lumapit sa tenga ko "Krystal Lauren tumahimik ka na lang. Or else iba papakain ko sayo" sabi niya tas nag wink. Di pogi tss.. PANGET! Ah! Teka lang anong ibang papakain, huh? okay masyado akong inosente. Pero hinayaan ko na siya doon at pinanood na lang siya.


After 12345 years natapos na din siya at salamat dahil di naman nasunog ang bahay namin. Amoy palang masarap na. "Oh! Kita di naman nasunog ang bahay niyo. Oh! ito tikman mo!" sabi niya, sabay abot ng pinggan. Ohhhh spaghetti, favorite ko to! (*0*) "Ace, baka may lason to!" tanong ko sa kanya, kahit natatakam na ko sa spaghetti sa tapat ko. "Wala yan, kaya tikman mo na! tsk" sabi niya tas umirap (-_-) tss.. Tinikman ko yung ginawa niyang spaghetti.. Mmmm ang sarap hihihi "Renren umayos ko nga! Yung bunganga mo puno ng spaghetti sauce" sabi niya. Bakit ba ang sarap kaya! "Ace, ano recipe nito?! Ang sarap!" sabi ko, kahit punong-puno yung bunganga ko hihihi ang sarap talaga!! "Secret lang yang recipe na yan. Ipapamana ko lang yan sa magiging pamilya natin HAHAHAHA" sabi niya,sabay tumawa siya ng malakas. Kaya bigla akong nasamid sa sinabi, letcheng lalaki to! Ang sarap na ng kinakain ko tas bigla nag joke "Oh! Renren ito oh! tubig HAHAHA" inabot niya sa akin yung tubig. Nahimasmasan na naman ako,kainis tong lalaking! (-.-) "Tawa ka pa diyan! Ang sarap na nga ng pagkakain ko tas bigla bigla kang mag jojoke. BADTRIP KA!" sigaw ko sa kanya. "Anong pinag sasabi mong joke diyan eh, totoo naman yung sinabi ko na sa magiging pamilya natin ko lang ipamamana ang spaghetti recipe na yan" sabi niya with his serious face. "Anong pamilya natin, pamilya mo! Pamilya ng babae mo!" sigaw ko. OH MY GEE!! Ano yung sinabi ko? Nakakahiya yun!! "Ah eh hehehe Ace sorry di ko alam yung pinag sasabi sorry hehehe" sabi ko, OMG nakakahiya talaga!! "So nakita mo nga..." bulong niya,pero naririnig ko. "Nakita ang alin?" I'm so confused "So nandon ka nga. Nandon ka nga nung naka akbay ako kay Dianne, at sinigaw niya na ako lang ang magiging boyfriend niya habang buhay.." sabi niya, now i know natatandaan ko. "Yeah nandon ako, so Dianne pala ang name ng girlfriend. What a cool name.. hahaha" sabi ko, sabay awkward laugh. Bumabalik na naman ang araw na yun, ayaw kong umiyak but bumabalik ang past. "Ahm Ace babalik na ko sa kwarto. And thank you sa spaghetti, its good." sabi ko, sabay alis sa kitchen.


Ace's Pov


Nandon siya nung araw na yun, and I know I hurt her feelings that day. Hayss Gusto ko siyang sundan, pero ayokong makita siyang umiyak because of me...


~

Updated na!! YEHET!! kekekeke



You're The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon