Lauren's Pov
Bwisit tong mga luhang to! Kanina pa lumalabas.. Si Zee naman mukhang badtrip na nanaman sa akin, di niya ako pinapansin..
"Zee, Bebs, Galit ka ba? Sorry na!" sabi ko, habang naglalakad papuntang tambayan namin.
"Taltal, di ako galit ok, di ko na kasi alam kung paano ka papatahimikin diyan sa pagiyak mo eh" sabi ni Zee, nakaisip ako ng magandang idea, para tumigil na ko kakaiyak.. "Zee gusto mo ba talaga akong tumahimik... Hmmmm.. para tumahimik ako libre mo ko ng ice cream" sabi ko kay Zee, nagshine naman bigla ang mga mata niya, pero imagination ko lang yun, kasi ayun nanaman nagsmile siya. "Sige lilibre kita ng ice cream basta tumigil ka na diyan ha!" sabi ni Zee, at kusa na kami tumayo, at pumunta sa Family Mart, since uwian na namin."Zee! Ang laki ng ice cream mo ang daya mo" simangot ko, kasi naman siya ang naglagay ng ice cream sa akin, tas ang konti konti, tas yung sa kanya ang laki. "Taltal, wag ka ng maarte diyan atleast linibre kita." sabi ni Zee, oo tama nga si Zee, siya ang nang libre di ako ( :3 )
"Taltal, saan nakuha ni Ace este-- Ra yung Renren na nickname mo?" tanong ni Bebs, habang kumakain ng cheetos, ako bumuli ng cheetos ah..
Lynzee's Pov
"Tatal, saan nakuha ni Ace este-- Ra yung Renren na nickname mo?" tanong ko kay Taltal, ang cute naman kasi ng Renren..
"Zee, remember na sinabi ko sayo na ayaw ko na ang pangalan na Lauren.. Pero, yun pa rin ang tawag sa akin ng mga kaklase natin. Kaya pinagtyagaan ko na lang" GRABE!!!
"Taltal, ang layo ng sagot mo!! Putek! na yan!! Ang layo ng utak mo dito" sabi ko, na konting pasigaw na, kasi naman kanina pa to wala sa sarili niya..
"Zee! Sorry! Mahirap talaga! Nasa isang classroom na ulit kami!!" ito na naman siya, umiiyak. Kung di ko lang to bestfriend, Nako baka napabayaan ko na to! Buti na lang kami lang ang tao sa Family Mart except yung guard at mga nasa cashier.
"Ang layo talaga ng sagot mo" tsss.. ( -_- )
"Siya ang nagpangalan sa akin nun, sabi niya siya lang ang pwedeng tumawag sa akin nun. Kasi it means that he's important to me, and isa siya pinaka mahalagang lalaki sa akin. Kasi lahat ng lalaki na importante sa buhay ko, may nickname sa akin, like my dad he call me baby, mga kuya ko Taltal o kaya Stal at siya din daw kailangan niya din daw ako bigyan ng nickname, and he found Reren is cute for me" sabi ni Taltal habang naka patong ung baba (chin) niya sa balikat ko. Umiiyak parin siya kawawa talaga tong bestfriend ko.
"Taltal, just remember walang forever sa mundo. Sabi mo nga diba maniniwala ka lang sa Forever kung babalik si Kris at Luhan sa EXO." na pasmile ko naman siya nung sinabi kong EXO, lahat ng problema niya nakakalimutan niya pag nanonood siya ng 12 hot boys (EXO) and 7 cute boys (GOT7)Ace's Pov.
Sinigawan nya ko... Ganon ba talaga kasakit sakanya ? .... sabagay, nag promise ako eh, ako rin ang may kasalanan kaya sya nag kaganon, hindi ko naman sinasadya na mag kagusto sa iba, oo minahal ko sya kaso bawal pa maging kame noon, ngayong pwede na at tsaka sya lumalayo lalo sakin...
"bro. lalim ng iniisip ha!"-kuya, at winave ung kamay nya sa tapat ng mukha ko.
Hindi ko sya pinansin at kinuha ko nalang ung phone ko ,,nakita ko naman may text ni Dianne.{Hey Ra pupunta ba kayo ?}-text, nireplyan ko kaagad sya , sinabi ko na hindi kami matutuloy kasi sabi ni mommy uuwi kami agad ni kuya.Rupert's Pov
Pauwi na kami, sinundo kami ni mommy. Bawal daw kami magcomute ang stricto kasi pagdating sa akin, oo sa akin.. Kasi naman si Ace nakakalabas kahit anong oras gusto niya, kasi alam daw ni mommy kung saan siya pupunta, kila Taltal lang naman daw yan Ace, kahit hindi..
Naka saksak lang sa tenga ko yung earphones, habang nakatingin ako sa labas.. Pero may nahagilap yung mga mata ko.. Si Taltal ba yun.. "Ace, si Taltal yun diba?" sabi ko kay Ace, habang nakaturo don kila Taltal, "Ma! Paki stop yung kotse" sabi ni Ace, at agad naman inistop ni Mama ang kotse o diba sabi ko sa inyo eh, kahit ano para kay Ace (-_-)
Bumaba agad si Ace, at nilapitan yung mga babae, na sinasabi ko na isa don si Taltal.Ace's Pov
Bumaba ako sa kotse, at lumapit don sa tinuturo ni kuya na sila Renren daw. Pag kakuha ko don sa braso ng isa, pagkalingon niya si.. si Renren nga.. "Ralph, oh paano ka nakapunta dito?" tanong ni Renren. Bigla na lang nagbusina yung kotse sa likod namin, at kotse namin yun, bumukas din yung bintana at sumilip si Mama don.. "Krystal, sabay ka na sa amin" sabi ni mama, napailing na lang si Renren. "Tita, ok lang po ako, ok lang po ako magcomute" sabi ni Renren, at nag fake smile, alam ko yang ngiting yan. Pero bumababa si Mama sa kotse, at nilapitan sa pwesto namin. "Krystal, sumabay ka na sa amin, may paguusapan tayo nila Ace" sabi ni Mama, kay Renren with matching hawak kamay pa ni Renren..
Lauren's Pov
Argghhh.. Di ako makatanggi kay Tita, bat kasi ngayon pa, ngayon na nasigawan ko si Ralph at tinakbuhan ko siya. "Tita ano po kasi eh, ano po eh.. May kasama po ako" sana pumayag si tita, na di ako sumama sa kanila. "Ahmm.. Hello sabay ka na sa amin, sana wag kang tumanggi.. Kailangan talaga namin isabay tong si Krystal" sabi ni tita kay Zee.. Tinignan ko si Zee ng Zee-Wag-Kang-Pumayag-Look.. Pero.. '"Sige po, ok lang po diyan lang naman po ako" sabi ni Zee, at turo kung saan ang daan ng bahay nila.. This is Arggghhh.. "Krystal, lika na. Ace icompany mo sila, lalong lalo yang si Krystal" And this what the heckk!! "Oh, Renren lika na, icompany ko daw kayo, lalong lalo ka na" sabi ni Ace este Ralph, at sabay kindat, Tsss.. Bat ba ang yabang nito tsss..
"Thank you po sa sakay.. Sige Ra at ikaw salamat" sabi ni Zee at bumababa na sa sasakyan nila tita, at ako nandito sa back seat katabi si Ralph psh-- "Krystal alam mo ba yung gagawin ng family mo at family namin?" tanong ni tita, di ko alam yun ah, wait check ko yung phone ko, walang reminder. "Tita wala pong reminder or anything na nakasave sa phone ko po eh. Ano po bang meron?" tanong ko kay tita. "Meron tayong family dinner, mamayang 7pm sa bahay nyo, may paguusapan lang.." sabi ni tita at ngumiti si Kuya Rupert ng malapad anong meron? Kitang kita yung ngiti nya don sa may salamin..
"Tita salamat po sa sabay.. Mamaya na lang po.. Ingat po kayo" bumababa na ko sa kotse at nagbye na kila tita at pagkapasok ko sa bahay, dumretso ako agad sa kwarto ko.