"Hoy Diwata, pahiram naman ng picture n'yo ni Kath."
Tumingin ako sa pintuan kung saan nakatayo si kuya Blue. Pumasok naman ito at humiga agad sa kama ko.
"Aling picture?" tanong ko sa kanya.
"'Yang nasa picture frame. Pahiram ako."
"Aanhin mo naman?"
"Gugupitin ko tapos kukunin ko 'yung part na may picture ni babes at ilalagay ko sa wallet ko."
Napanguso naman ako at humalukipkip. "Eh, papaano naman 'yung part ko sa picture?"
"Eh, 'di gagawin kong panakot sa daga."
"Kuya naman, eh!" Bilang ganti ay nag-dive ako sa kama at dinaganan si kuya.
"Diwata ano ba! Ang bigat mo!" sigaw ni kuya.
"OA lang kuya, ha. Magaan lang kaya ako. At puwede ba, 'wag mo na akong tawaging Diwata! Nakakadiring pakinggan, eh."
"Ano ba problema mo sa pangalan mo?"
Ano ang problema ko doon? Ganito kasi, nang tinanong ko si Mama kung bakit niya ako ipinangalang Diwata, bigla itong napa-day dreaming at nagsimulang magkuwento. Ang sabi pa niya second year anniversary raw nila no'ng nagpasya silang mag second honeymoon. Nag-mountain hiking sila ni Papa. Ang sabi pa raw ng mga matatanda, may isang diwata raw ang naninirahan doon at binabantayan ang bundok. Isang araw, naligaw sila Mama at nahiwalay sa grupo. Sabi pa niya ang laki raw ng bundok, tapos maulan-ulan pa no'ng time na 'yun. Sumilong sina Mama at Papa sa isang kuweba kung saan sinasabing doon daw ang tahanan ng diwata ng bundok.
"Eh, Mama, ano naman ang kinalaman ng pangalan ko sa kuwento mo?" tanong ko sa kanya.
Humagikgik si Mama na parang isang teenager. "Eh, kasi baby girl doon ka nabuo sa may kuwebang iyon."
Kita mo sina Mama, idinamay pa ang pangalan ko sa kalokohan nila!
At isa pa, kaya hindi ko trip ang pangalan ko, eh, kasi tinutukso ako ng mga classmates ko. Sabi pa nila, may diwata palang mataba?
Umayos ako ng pagkakaupo at tumabi pa nang husto kay kuya. "Kuya, paano mo nakilala si Kevin Deogracia?"
"Si Kevs? Junior member ng grupo namin 'yon."
"Grupo?"
"Oo. Grupo ng mga saksakan ng guwapo."
"Ikaw pala itong ilusyonado, eh. Subukan mo kaya munang maligo sa malamig na tubig at ng magising ka naman sa katotohanan."
"Ano ka, guwapong-gwapo kaya ang best friend mo sa akin!"
"Weh. Akala mo lang 'yon. Pero kuya, mabalik tayo kay Kevin."
"Barkada namin si Kevin. Kaso hindi madalas sumama sa amin 'yon kapag tatambay kami rito sa bahay. Bale, second year ata siya nun no'ng lumipat siya sa school natin. Tapos, ayun, isang araw lumapit siya sa akin at sinabing gusto niya maging miyembro ng grupo namin. Eh, lalampa lampa si Kevs nun. Kaya ginawan namin siya ng major make-over. Alam mo na may reputasyon kaming mga siga ng school. Tapos ginawa ko na siyang apprentice ko."
"Apprentice? May natutunan naman ba siya sa 'yo?"
"Oo naman. Ang paano maging guwapong siga."
"Malala na 'yan kuya! Ipa-check up mo na yang utak mo sa doktor! Guwapong-guwapo ka na naman sa sarili, eh!"
At pinisil ni kuya ang magkabilang pisngi ko. "Ang kyut-kyut mo talaga Diwata! Ang sarap pisilin ng cheeks mong chubby!"
"Aray naman kuya! Masakit na ha!" ang sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
Diwata ng mga Chubby
HumorSi Pinkie Diwata dela Rosa ay naniniwalang size doesn't matter. Aba, hindi na niya kasalanan kung maraming pagkain ang ref nila, 'no. Masarap kaya ang kumain --sa katunayan ay hobby na niya ang lumamon, este, kumain. Pero isang araw, sinabihan si...