Chapter Nine

34.7K 1K 113
                                    

"Ha, ha, ha," sarkastikong tawa ni Kevin matapos niyang basahin ang papel na ibinigay ko sa kanya. "Tawang-tawa ako do'n sa isang litrong coke."

Nagkibit-balikat lamang ako. "Eh, sa tagilid ang sense of humor ko. So, ano? Ayos ba ang compilations ko? Puwede na ba akong magsulat ng libro tulad nung kay Alex Gonzaga?"

"Kung subukan mo kaya muna ang magsulat ng matinong advice?"

"Matino naman 'yan, ah. Effective daw 'yan sabi ng mga kuya ko."

"At papaano naman nasali ang mga kuya mo rito?"

Dahil alam nilang tinutulungan kita. "Kasi mga love experts sila."

"So, sa opinyon mo dapat ganito ka nililigawan ng isang lalaki?"

"Oo naman. Kaya nga naisulat ko 'yan, eh." Syempre pa sa tulong ni bestie at mga kuya ko.

Tinitigan na naman niya ako ng nakamamatay. At biglang umangat ang isang dulo ng labi nito. Ang weird talaga nitong Kevin na ito. Kanina halos saksakin na niya ako gamit ang mga mata niya, tapos ngayon ngingiti nang pagka-cute na cute? At bakit ba naku-cute-an ako sa mga ngiti niya?

"Hi! I'm Kevin Deogracia," biglang sabi niya sa akin at naglahad pa ng kamay para makipag-handshake.

"Kilala na kita. Engot 'to."

"Ano ang username mo sa Twitter? Gusto sana kitang i-follow."

"AlindogNiDiwata143. Ano ba Kevin? Magseryoso ka naman, o!"

"Sinusunod na nga ang advice mo. Ayan nga, pina-practice ko na nga, eh."

"Nilaktawan mo ang step number 2."

"May connection na ako—si kuya Blue mo. Sa katunayan, nagamit ko na nga ang connections ko, eh."

"Ha? Ano? Ang wierd mo."

Tumawa lang ito. "Tara sa canteen."

"Ililibre mo ako?"

"Hindi. Hahanapin natin bestfriend mo at nang maging friend ko rin."

"Nag-skip ka na naman ng step number 4!"

"Pinkie, asan ako ngayon?"

"Ha? Nasa tabi ko. Obvious ba?"

"Ibig sabihin nasa within radius of visibility mo ako. At sa araw-araw mo na pangunulit sa akin ay tiyak kong hindi mo ako makakalimutan. Huwag mong kalimutang panaginipan ako mamayang gabi, ha?"

"Asar ka talaga! Che!" Gamitin ba naman sa akin ang Steps na sinulat ko?

Tawang-tawa naman ang isang 'to sa tabi ko. Wagas lang kung tumawa, eh. Parang wala ng bukas. Bigla naman itong tumigil sa pagtawa at sumeryoso ang mukha. "Pinkie, andoon si Luke."

"Ha? Asaan?" tanong ko habang hinahanap si Luke.

"Andoon, oh. Dali! Bilis! Hawakan mo 'yung kamay ko."

At ako naman ay nagpauto at hinawakan rin ang kamay niya. "Asan na? Nakatingin ba siya sa atin."

Naramdaman kong pinisil ni Kevin ang kamay ko. "Oo. 'Wag kang titingin sa gilid. Andiyan na siya. Lumalapit sa atin."

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya habang hinahanda ang sarili sa paglapit ni Luke. Kaso, bakit parang forty-eight years na, wala pa rin siya?

Hindi ko na natiis at tumingin ako sa gilid. At kesong puting maalat! Wala namang taong malapit sa amin, ah! Na goyo ako nitong Kevin na ito!

Kinurot ko nga siya sa tagiliran niya. "Grabe ka kung maka-trip! Akala ko andito talaga si Luke!"

Tatawa-tawa naman si Kevin. "Iyan ang nakalimutan mong isali sa Steps mo--ang da-moves!"

"Da-moves ka diyan. Ang sabihin mo manyak at tsansingero ka!"

"Oi, oi! Hindi ako manyak, ha. At ikaw, tsa-tsansing-in ko? Ha!"

"Ha mo mukha mo! Bakit, hindi ba ako ka-tsansing tsansing? Hmp! Diyan ka na nga!" At iniwan ko nga siya. Kaiinis, eh.

"Hoy Pinkie! Joke lang! Saglit!"

***

"Hay naku! Palibhasa ginagamit ang connections niya. Pasalamat siya at barkada ng kuya Blue niya si Kevin."

"Oo nga girl. Sa taba niyang 'yun, imposibleng magkakagusto sa kanya si fafa Kevin ko."

"Mas bagay kami ni Kevin. 'Yung kasing guwapo ni James Reid na tulad ni Kevin ay bagay sa mala-Nadine Lustre sa ganda na tulad ko!"

"Girl, huwag mag-ilusyon. 'Yung mga mala-Daniel Padillang ngiti ni Kevin ay bagay sa mga kamukha ni Kathryn Bernardo na tulad ko!"

Sa girl's CR, dito ka makakakuha ng mga latest chismis at happenings. Dito rin sa girl's CR ay matatagpuan mo ang mga babaeng napaglipasan ng gutom, umakyat ang hangin sa kanilang mga utak at nagsimulang mag-transform bilang mga ilusyonada.

Hindi naman sa mahilig akong makinig sa usapang may usapan. Kaso nauna naman ako rito sa loob ng CR bago sila pumasok at nagsimulang mag-ilusyon, este, tsismisan.

Umayos ako ng pagkakaupo sa toilet seat at sinubukang pakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Pero sa tingin ko, itong si tabachoy ang habol nang habol kay Kevin."

"Palibhasa hindi umobra ang paglalandi niya kay Luke kaya si Kevin naman ang gustong masungkit."

"Pero hanggang asa na lang siya forever. Walang magkakagusto sa ganoong kalaking balyena, 'no."

At narinig ko pa silang nagtawanan. Ang sasakit talaga nilang magsalita. Kung makapuna sila sa baby fats ko, wagas. Kaya hindi umaasenso ang bansang Pilipinas, eh.

Hindi na ako nakatiis at lumabas na rin ng cubicle. Nagulat ang tatlong babae na makita ang pinag-uusapan nila na kasama pala nila sa loob ng CR.

Tinitigan ko sila from head to toe. "Nadine Lustre? Kathryn Bernardo? Ay oo nga, ano? Kamukha n'yo ang lunal nila." At lumabas na rin ako ng CR.

Grabe sila. Porke't hindi ako kasing payat nila, gano'n gano'n na lang nila ako kung lait-laitin? May feelings din naman ako, ah. Hindi ba nila alam na kahit may panangga ng taba itong katawan ko, natatablan pa rin ito at nasasaktan?

Oo. Alam ko. Aminado naman ako na medyo may extrang timbang ako. Pero hindi naman tama na pintasan nila ako nang gano'n.

Ang sabi pa nila, wala akong pag-asang magustuhan ni Kevin. Totoo kaya 'yon? Cute naman ako sabi ni kuya Red, ah. At sabi naman ni kuya Blue magkahawig daw ang butas ng ilong namin ni Liza Soberano. Oh, eh, ang ganda kaya ng ilong ni Liza Soberano. Ibig sabihin maganda rin ang nose ko.

Kainis sila. Magugustuhan din naman ako ni Kevin, ah.

Teka nga, bakit ba masyado akong affected kung magugustuhan ako o hindi ni Kevin?

Nang inangat ko ang paningin ko, ang salubong na kilay ni Kevin ang agad na nakita ko sa kabilang dulo ng hallway. At nang nakita niya ako, biglang umaliwalas ang mukha niya at ngumiti sa akin sabay kaway pa. 

Bahagya akong napangiti bago pumasok sa classroom namin.

Bakit parang may tambol na naman sa loob ng dibdib ko? At mas lalo pang lumakas ang mga ito. Sumabay pa na parang nag-init ang mukha ko tuwing maaalala ko ang mga ngiti niya.

Bakit ganoon?

#DiwataNgMgaChubby

Diwata ng mga ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon