Chapter Two

54.1K 1.2K 71
                                    

"Manong, pabili pong ice cream. Itong chocolate po, samahan n'yo na rin ng mango flavor."

Binayaran ko si manong at kinuha ang inabot niyang ice cream.

Nagsimula na rin akong maglakad papalayo sa aming paaralan, ang San Lorenzo High.

Nakakainis naman! Akala ko, magkaka-love life na ako bukas. Akala ko, pareho na kami ni Kathleen na magkaka-boylet. 'Yun pala... Naku!

"Pinkie!"

Bakit pa kasi ako na in love, eh. Kung hindi sana ako na in love, hindi sana ganito kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

"Pinkie Diwata!"

Pero mahirap talagang turuan ang puso, eh. Mahirap talaga itong diktahan at sabihing "oh, 'wag ka ma-i-in love diyan, ha."

"Pinkie Diwata dela Rosa!"

Bakit ganoon? Parang may sariling utak ang puso? Bakit ito ang nagdidikta sa akin noong mga panahon na iyon kung ano ang mararamdaman ko, ano ang iisipin ko, o ano ang gagawin ko? Sabi pa ng puso ko, "Girl! Sagutin mo na si Luke! Bagay kayo, bagay na bagay!"

Posible kaya iyon? Na may sariling utak ang puso? Eh, hindi naman na-explain iyon sa Science ni teacher, eh. O baka naman tulog ako nung itinuro iyon ni teacher?

"SEXY!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Oh, bestie! Andiyan ka pala? Bakit hingal na hingal ka?"

"Ayos ka rin, ano? Kanina pa kaya kita tinatawagan." Tumakbo palapit sa akin si Kathleen. "Bakit hindi mo ako hinintay? Sabi ko sa 'yo may kukunin lang ako sa office ni Ms. Reynoso, eh."

"Sorry, Kath. Nakalimutan ko, eh," sabi ko sa kanya. Isang snort lamang ang sagot niya.

Matagal na kaming mag-best friends ni Kathleen. Pareho kaming nasa third year at magkaklase rin kaming dalawa. Tuwing umaga ay dadaan ito sa bahay para sabay kaming papasok sa school, at tuwing hapon naman ay sabay rin kaming umuuwi.

Walking-distance lang ang school namin kaya araw-araw kaming napapa-excercise sa kakalakad. Kaso bakit gano'n? Payat si Kathleen, habang ako medyo bilugan. Sa araw-araw naming paglalakad, simula first year high school hanggang ngayon, hindi man lang natunaw ang mga taba ko sa katawan? Madalas pa nga kaming tinutuksong number 10 ng mga classmates namin kapag magkatabi kaming dalawa ni best friend. One raw si bestie, habang ako naman ang zero. Akalain n'yo 'yun? Makapintas sila akala mo napakaperpekto nila. Pero si bestie, positive pa rin at hindi pinapansin ang mga pinagsasabi ng mga classmates namin. Samantalang ako, dinidibdib minsan. Kaya minsan, 'yung sama ng loob ko, idinadaan ko na lang sa kain. Tulad ngayon, dahil sa sama ng loob ko kay Luke, napabili tuloy ako ng ice cream.

May nakita akong lata at sinipa ito nang mahina. "Bestie," sabi ko, "broken hearted ako ngayon. Kain tayo?" Tahimik lamang si Kathleen, hindi umimik. "O, wala ka man lang reaction diyan?"

"Kasi..."

"Ano?"

Humingang malalim si Kathleen at bigla akong niyakap. "Best friend kong sexy at maganda! Sorry na!"

"Sorry? Bakit ka nagso-sorry?"

"Slow ka talaga kahit kailan bestie, eh. Kasi alam ko kung bakit ka broken-hearted." At isinalaysay niya ang ginawa ni kuya Blue at ang kanyang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. I therefore conclude may ma-chop chop akong isang kapatid mamaya pagka-uwi ko ng bahay.

"Pinkie, huwag ka naman magalit sa kuya Blue mo," pakiusap sa akin ni Kathleen. "Oo, engot talaga 'yung kuya mong 'yon. At hindi siya ang pinakamatalinong nilalang sa planetang Earth. Pero good naman ang intentions niya, eh."

Diwata ng mga ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon