CHAPTER 25: GIVEN UP

4 0 0
                                    

*sa labas ng kompanya, palabas na sina Chanyeol at V nang biglang...

"Chanyeol, sandali!"

*paglingon nina Chanyeol at V, nakita nilang hinahabol sila ni Tzuyu kaya tumigil sila. Pagdating ni Tzuyu sa harapan nila...

Chanyeol: Anong ginagawa mo dito, Tzuyu? Diba dapat sinasamahan mo ngayon si Rose?

Tzuyu: I am here to say sorry. Sa sinabi kanina ni Rose. Pati nga ako nagulat sa mga sinabi nya. Hindi na sya ang Rose na nakilala ko kanina.

Chanyeol: It's okay, Tzuyu. Hindi mo naman kailangan na ipagtanggol pa sya. Hindi ko lang talaga maisip kung bakit nanatili pa ako sa kanya nang matagal na panahon.

Tzuyu: But you were a great team. Sya lang talaga ang hindi makarealize nun.

Chanyeol: Tama. Sya nga lang ang hindi makarealize nun.

Tzuyu: So, are you really gonna quit this job? Hindi ka na ba talaga babalik dito?

Chanyeol: Hindi na siguro. Kakalimutan ko muna ang musika. Hindi muna ako gagawa ng mga bagong kanta ngayon.

Tzuyu: Chanyeol, you can't do that.

Chanyeol: I will. And I'll try. I'll try my best para masuportahan ko ang kapatid ko.

Tzuyu: V, aren't you gonna do anything about it? Papayag ka lang ba?

V: What else I can do? He's my Kuya. Susundin ko nalang ang gusto nya para sa akin. Maybe we'll meet someday again, Tzuyu. I hope you will have a better life ahead of you.

Tzuyu: Pero, Chanyeol. If ever na gusto mong bumalik dito, just call me ha? And I will help you right away. I am sure gonna miss you guys. Especially you, V.

V: I am missing you already.

*nagyakapan sina V at Tzuyu...

Chanyeol: Let's go, V.

V: Sige, Kuya. Bye, Tzuyu.

*umalis na sina V at Chanyeol. Pagkaalis nila ay biglang umiyak si Tzuyu. Habang pauwi na sina Chanyeol at V...

*nakita ni Chanyeol na malungkot si V

Chanyeol: Wag ka nang malungkot.

V: Akala ko talaga kasi, magiging kami na hanggang sa huli eh. Nalulungkot talaga ako Kuya.

Chanyeol: Ako nga din eh. Look, V? Pareho lang naman tayo nabigo sa pag-ibig ngayong araw. At...at...

*umiyak si Chanyeol...

V: Oh. Akala ko ako ang unang maiiyak sa ating dalawa?

Chanyeol: Eh kasi...kasi...

V: Napa attach ka na kay Ma'am Rose?

*tumango nalang si Chanyeol habang umiiyak. Niyakap nalang ni V si Chanyeol...

V: I'm sure madami pa dyang babae ang mahuhumaling sa'yo Kuya. Ang dami mo ngang fans eh. Tapos diba lahi tayo ng mga gwapo? Kaya chin up, tol. Kaya mo yan.

Chanyeol: Oo nga. Kailangan kitang pakainin araw-araw eh. Tapos kapos pa kung minsan ang sweldo ni mama sa ibang bansa. Hay paano na ba tayo mabuhay nito?

V: Pwede ka rin namang maghanap ng ibang trabaho ha? Bakit? May nagpipigil ba sa'yo na humanap ng ibang trabaho ha?

Chanyeol: Eh saan naman ako makakapaghanap ng ibang trabaho nito? At paano? Di ko alam kung saan ako magsisimula, V.

V: What if magtanong ka kay Kuya Baekhyun? Baka may alam yun.

Chanyeol: Ano naman ang alam nun? Puro utang na nga yung dinulot nya sa akin eh.

V: Try lang natin.

*tinawagan ni V si Baekhyun sa phone...

*sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Baekhyun, may nagring sa kanilang telepono, sinagot ito ng isang empleyado

*sa phone

Empleyado: Hello, 585 Restaurant po to. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?

V: Ah. Nandyan po ba si Mr. Baekhyun? Gusto ko po sana syang makausap.

Empleyado: Ah. Andito po sya. Sandali lang po.

Chanyeol: Ano? May trabaho na sya?

V: Oo. Ayy! Di pa ba nasabi sa'yo ni Kuya Baekhyun?

Chanyeol: Kailan pa?

V: Ilang araw pa lang. Waiter sya sa isang restaurant na malapit lang dito sa ating lugar.

Chanyeol: Eh bakit di mo man lang sinabi sa akin?

V: Malay ko ba. Di ka naman nagtatanong sa  akin eh.

Chanyeol: Kailangan pa ba tanungin yun ha?

*sa phone

Baekhyun: Si Baekhyun po ito. Ano po ba ang maipaglilingkod ko?

V: Kuya Baekhyun, si V...

*biglang hinablot ni Chanyeol ang cellphone ni V...

V: Dahan-dahan naman Kuya. Mahal ko pa naman yang cellphone na yan.

Chanyeol: Tumahimik ka.

*kinausap ni Chanyeol si Baekhyun sa phone...

*sa phone

Chanyeol: Hello, Baekhyun.

Baekhyun: Oh. Hello, Chanyeol. Hihihi napatawag ka.

Chanyeol: Bakit di ka nagsasabi na may trabaho ka na ha?

Baekhyun: Ah. About that? Sorry talaga Chanyeol ha? Nakalimutan ko kasing sabihin sa'yo eh. Bago palang ako dito kaya sana wag mo muna akong singilin ng mga utang ko sa'yo. Now, if you may excuse me, ang dami ko pang customers na aasikasuhin dito. Baka kasi mapagalitan ako ni boss eh baka matanggal ako kaagad. Bye.

*biglang pinatay ni Baekhyun ang telepono...

Chanyeol: Bwiset pinatayan ba naman ako ng phone.

V: Ano ba naman kasi klaseng pag-uusap ang ginawa mo Kuya? Pati mga bata yan matatakot sa'yo eh.

Chanyeol: Nagtanong lang naman ako kung bakit ha?

*lumakad na si Chanyeol...

V: Hep,hep,hep. Saan ka pupunta?

Chanyeol: Pupuntahan ko sya.

V: Oops, hindi dyan ang daan.

*tumigil si Chanyeol at lumingon kay V...

Chanyeol: Ano?

*itinuro ni V ang daan...

V: Dito po ang daan, sir.

Chanyeol: Dyan naman pala eh. Di ka nagsasabi.

*nauna nang umalis si Chanyeol at sinundan naman sya ni V. Pagdating nilang dalawa sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Baekhyun...

*may nakasalubong silang isang waitress

Chanyeol: Magandang araw po, ma'am. Pwede ko bang makausap si...

"DIBA SI CHANYEOL YAN?"

*paglingon ni Chanyeol at ni V...

Babae #1: Oo nga. Sya nga.

*kinilig ang mga customers ng restaurant kay Chanyeol...

Chanyeol at V: Oh no...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

Next chapters will be updated every Thursday.

Chanyeol and Rose Love Story WE DO FIT TOGETHERWhere stories live. Discover now