CHAPTER 46: COLLABS

6 1 0
                                    

*sa phone, habang nag-uusap sina Chanyeol at Tzuyu...

*****SA PHONE*****

TZUYU:
Po? Hindi ko po kayo maintindihan.

CHANYEOL:
Pumunta si IU sa akin dito kanina. Inaalok ako ng collab at bumalik sa industriya. Alam kong may pakana si Rose sa ginawa nya.

TZUYU:
Po? Eh wala naman po akong alam na nag-usap po sila ni IU eh.

CHANYEOL:
Please Tzuyu, wag mo nang ipagtanggol ang boss mo. Maybe hindi mo lang talaga naabutan na nag-usap sila.

TZUYU:
Pwede naman po. Pero wag muna po kayong gumawa ng hakbang. Hayaan nyo po muna na pagsabihan ko sya. Tatawagan ko nalang po ulit kayo kapag may sinabi na sya.

CHANYEOL:
Siguraduhin mo yan, Tzuyu. Pupuntahan kita dyan mamaya pagkatapos ng trabaho ko.

TZUYU:
Opo. Masusunod po, Kuya Chanyeol.

CHANYEOL:
Good. Sige na. Magtatrabaho pa ako eh.

TZUYU:
Sige, Kuya. Bye.

CHANYEOL:
Bye.

*****

*pinatay na ni Chanyeol ang tawag at bumalik na sa kanyang trabaho. Habang si Tzuyu naman...

(TZUYU POV: Aaah...Aaah...Nakakatakot naman si Kuya Chanyeol kung magalit. Kailangan gawin ko na yun ngayon din...)

*nagmamadali si Tzuyu papunta sa opisina ni Rose. Nang dumating na si Tzuyu sa opisina ni Rose ay naglalaro sa kanyang cellphone si Rose...

Tzuyu: Bessy.

Rose: Yes?

*Hindi tumitingin si Rose sa kay Tzuyu dahil sa paglalaro...

Tzuyu: Nagkausap ba kayo ni IU?

Rose: Ha? Hindi nga kami close nun eh. Bakit?

Tzuyu: Si Chanyeol, inalukan sya ni IU ng collab. At bumalik sa industriyang ito.

*agad namang binundak ni Rose ang phone nito sa mesa dahil sa gulat at galit...

Tzuyu: Ah! Ginulat mo naman ako!

*tumayo si Rose sa kanyang upuan...

Rose: ANO?!

*nagmamadali si Rose sa paglalakad upang pumunta sa kanyang CEO. Hinahabol naman sya ni Tzuyu na hingal na hingal na sa paglalakad. Bubuksan na sana ni Rose ang opisina ni CEO nang biglang may humarang sa pinto, dahilan upang di mabuksan ni Rose ang pinto ng opisina...

Jihyo: Saan ka pupunta?

Rose: Pake mo ha? May kailangan ako kay CEO. May kailangan akong malaman.

Jihyo: Hindi ka pwedeng pumasok dyan.

Rose: Oh. Haha and who are you?

Jihyo: Wala dyan si CEO. Umalis muna sya para sa isang business trip.

Rose: What?

Jihyo: Oh. Don't you know? Di ka kasi nagfofocus sa trabaho mo eh. Di kagaya ko, focus na focus ako sa trabaho ko. As always.

Rose: So what? Laos ka na naman eh. So ano pa ang purpose nun?

"Please stop!"

*agad namang dumating si Jimin at Jungkook sa kina Rose at Jihyo. Napatingin naman si Rose sa dalawa...

Jimin: What's happening here?

Jihyo: Eh kasi naman baby eh.

*agad namang pumunta si Jihyo sa tabi ni Jimin at humawak sya sa braso ni Jimin...

Jihyo: Eto kasing babaeng to eh. Inaaway nya ako, bebe ko.

Jimin: Ano na naman ba ang ginagawa mo dito, Rose ha? Still flirting with our boss?

Rose: Excuse me? F-flirting?

Jihyo: See? I told you I was right.

Rose: Hey!

Jimin: Manahimik ka nalang kasi. And don't ever hurt my baby again.

Rose: B-baby?!

*agad namang umalis si Jihyo at Jimin na magkasama. Inirapan naman nila si Rose. Nang nakalayo na sina Jihyo at Jimin...

Rose: Wow ha. Nagsama pa talaga ang dalawang bobo ha?

*lumapit naman si Jungkook kay Rose...

Jungkook: Ang sabi daw nila, inaya daw ni IU si Chanyeol na mag-collab.

Rose: Pati ikaw?

Jungkook: Alam mo, matagal ko nang crush si IU simula pa nung teenager ako. Gustong-gusto ko talaga ang mga songs nya kaysa sa mga fliptop² na yan. Kaya nga ako pumasok sa industriyang ito nang dahil sa kanya eh. Pero yung bwiset na lalaking yun...

Rose: B-bwiset...

Jungkook: Na wala na din naman sa industriyang ito, mas pinili pa ni IU kaysa sa akin. And I really, really, really hate that.

Rose: Alam mo naman siguro na hindi pipili si IU ng bobo na soloist diba? Para maka-collab?

Jungkook: What the...

Rose: Don't ever touch that man. Hindi mo pa alam siguro kung paano ako magalit.

*umalis na si Rose at sumunod naman sa kanya si Tzuyu. Nagulat naman si Jungkook sa inasta ni Rose...

(JUNGKOOK POV: Magalit? Hahaha I like it...)

*maya-maya sa opisina ni Rose, habang magkaharap sina Rose at Tzuyu sa mesa...

Tzuyu: Ano na ang gagawin mo Bess? Wala dyan si CEO para sa business trip eh.

Rose: Ewan ko Bess. Hayst naku. Magagalit na naman nito si Chanyeol sa akin.

Tzuyu: Mukhang galit na galit talaga sya nang inalok sya ni Ms. IU eh. Nakakatakot pa naman kapag magalit sya.

Rose: Ngayon na nga lang kami nagkabati eh. Tapos magagalit na naman sya sa akin. Hayst ang hirap kaya makipagbati dun sa lalaking yun.

Tzuyu: Kumalma muna tayo at mag-isip. Baka may makuha din tayong hakbang kung kumalma muna tayo at mag-isip.

Rose: Sure bessy...

*kumalma na ang dalawa at nag-isip sa kung ano ang gagawin nila para kay Chanyeol...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

Chanyeol and Rose Love Story WE DO FIT TOGETHERWhere stories live. Discover now