CHAPTER 11: THE DEEP TALK

8 0 0
                                    

*sa bahay ni Rose...

*ginagamot ni Rose si Chanyeol sa may sofa...

Chanyeol: Aray!

Rose: Ay! Sorry. Pero di mo naman kailangang sumigaw. Baka tulog na sina Kuya at Ate eh.

Chanyeol: Eh ang sakit eh.

Rose: Can you please shut up just for a while? Ididiin ko nalang talaga to sa sugat mo eh.

Chanyeol: Kalma lang. Ang sakit talaga eh. Promise.

Rose: Promise promise ka dyan. Para kang kinder eh.

*ginamot na ni Rose ang mga pasa nito at nilapatan ito ng bandage. Pagkatapos ng kanyang paggamot...

Rose: So how do you feel now?

Chanyeol: Medyo ok na ako. Salamat.

Rose: Sana kasi di mo na pinatulan yun. Ayan tuloy. Nadamay pa ako tuloy.

Chanyeol: Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo, na hindi dapat pinapalagpas ang mga lalaking nananakit ng babae? Bawal yun.

*maya-maya ay may nagring sa cellphone ni Chanyeol...

*tiningnan ni Chanyeol ang cp nito

Chanyeol: Hay salamat. May nag-alala na rin sa akin.

Rose: Sino?

*sinagot ni Chanyeol ang tawag...

*sa phone

Chanyeol: Hello.

V: Anong oras na?

Chanyeol: 8:30 na bakit?

V: Hindi ka pa ba uuwi rito ha?

Chanyeol: Uuwi? Bakit?

V: Anong bakit? Naku Kuya tigilan mo ako ha? Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo.

Chanyeol: Bakit? Miss mo na ako kaagad?

V: Ang sinasabi ko lang is nag-aalala ako. Kasi di ka pa dito umuuwi kanina pa. Tapos di ka man lang tumatawag sa amin ni Kuya Baekhyun.

Chanyeol: Aba, aba, aba! Eh sino ba talaga ang nakatatandang kapatid sa ating dalawa ha? Ang lakas mong makasumbat sa akin ah.

V: Ang sinasabi ko lang Kuya ay sana tawagan mo kami o itext man lang. Ano Kuya ha? Uuwi ka dito o hindi?

Chanyeol: Eh...

*kinuha ni Rose ang cp ni Chanyeol...

Rose: Hello, V?

V: Ma'am Rose, ba't hawak nyo po ang cp ni Kuya? Magkasama po ba kayo?

Rose: Yes. Andito kami sa bahay ko ngayon.

V: Bahay nyo po? Wait, wait, wait. Anong ginagawa nya po dyan?

Rose: Nilapatan ko sya kanina ng first aid kasi may nakipag-away sa kapatid mo.

V: ANO?!

Chanyeol: Rose, sandali.

Rose: Oo. Kaya dito sya muna matutulog ngayon. Hindi sya muna dyan makakauwi. Pwede ba yun?

V: Umm... Umm... Sure, ma'am. Anytime po pwede nyo pong hiramin ang kuya ko.

Rose: Ok, thanks.

*pinatay na ni Rose ang cp at ibinalik ito kay Chanyeol...

Chanyeol: Bakit mo naman sinabi yun?

Rose: Ang alin?

Chanyeol: Na napaaway ako?

Rose: So what naman kung sabihin ko ang totoo?

Chanyeol: Grabe kasi mag-alala yung kapatid ko sa akin eh. Kami nalang tatlo ng barkada ko ang nagsasama sa iisang bubong. Tapos mawawala pa ako sa piling ng kapatid ko.

Rose: Sus naman. Pero pag magkalapit nga kayo ay nag-aaway naman kayo. Parang kayo mga aso't-pusa sa mga pag-aaway nyo.

Chanyeol: Sus kahit ganyan kami, nangako pa rin ako kay Mama na babantayan ko ang kapatid ko. Ako nalang ang inaasahan ni Mama sa kapatid ko eh.

Rose: Ah. Siguro napakaswerte ng kapatid mo na ikaw ang naging kapatid nya noh?

Chanyeol: Di ko lang alam.

Rose: Ano ba? Siyempre, napakaswerte nya noh? Napakaalaga mo kaya. Pinagtatanggol mo ang naaapi sa mga kaaway nila.

Chanyeol: Tulad ng nagawa ko sa'yo kanina?

Rose: Never mind.

Chanyeol: Ano ba? Hindi ka ba magpapathank you sa akin nang dahil sa ginawa ko kanina?

Rose: Nagpathank you na ako kanina.

Chanyeol: Ah yun na ba yun?

Rose: Oo.

Chanyeol: Eh ibig sabihin, may utang ka pang thank you sa akin para kanina.

Rose: For what?

Chanyeol: Nung kay Kuya Onew mo kanina...

Rose: Eh bakit? Inutusan ba kita na sumagot ka? Diba sinabihan nga kita na ako lang ang sasagot sa mga tanong nila?

Chanyeol: Eh nung sinalba kita dun kay Jimin, kailangan mo pa ba akong utusan para turuan ng leksyon ang lalaking yun?

(ROSE POV: Hindi naman.)

Chanyeol: At tsaka matanong nga kita. Bakit binabaligtad mo ang sitwasyon kanina?

Rose: Binabaligtad? What do you mean?

Chanyeol: Wag ka nang magkunwari. Alam kong di mo sinabi kanina kay Kuya Onew na magpartner pala tayo. At tsaka napaaway ako dahil ipinagtanggol kita. Ganyan ka ba talaga dito sa mga kapatid mo?

Rose: Di mo kasi naiintindihan eh.

Chanyeol: Di naiintindihan ang ano?

Rose: Forget it. Let's watch some TV.

Chanyeol: Pero...

Rose: What?

Chanyeol: Pero napakalate na. At tsaka sagutin mo muna ang tanong ko.

Rose: Ah. I'm tired. Let's watch some TV para makatulog ako.

Chanyeol: Pero late na nga eh.

Rose: Hihinaan ko lang ang volume.

*pinagana na ni Rose ang TV...

Chanyeol: Well, I guess it's a relaxing time.

*nanood na sina Chanyeol at Rose ng TV nang maya-maya...

*napasandal sa balikat ni Chanyeol si Rose...

Chanyeol: Ma'am... Ma'am... Gising ka pa?

*tiningnan ni Chanyeol si Rose. Nakatulog na pala ito sa kanyang balikat...

Chanyeol: Ah....

(CHANYEOL POV: Good night ma'am. Sana makalimutan mo na ang mga taong nanakit sa'yo noon. Pinapangako ko yan ma'am. Ipagtatanggol kita sa mga nang-aapi sa'yo.)

*pinatay na ni Chanyeol ang TV at sumandal na rin ito sa ulo ni Rose. Natulog na sila...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

Next chapters will be updated every Thursday.

Chanyeol and Rose Love Story WE DO FIT TOGETHERWhere stories live. Discover now