CHAPTER 51: IT'S MOTHER'S TIME

4 0 0
                                    

*kinagabihan, sa higaan ni Chanyeol, patay na ang mga ilaw sa kanilang bahay at tulog na ang mga tao sa kanilang bahay habang nakadapa si Chanyeol sa kanyang higaan at nagsesearch sa kanyang laptop...

Chanyeol: Sheda. Totoo nga ang sabi nila.

*nalaman ni Chanyeol habang nagsesearch sya sa internet na si IU ay isa sa mga trending soloist, actress at fashion icon ng bansa...

Chanyeol: Grabe naman. Bakit kaya gustong-gusto nya na makipag-collab sa akin? Eh nobody lang naman ako eh.

*maya-maya ay may tumawag sa kanyang Skype sa computer...

Chanyeol: Oh si mama. Finally. After how many years...

*agad nyang sinagot ang tawag ng kanyang ina sa skype sa kanyang computer. Nagsimula na silang mag-video call...

*sa video call

CHANYEOL:
Hi mommy. Musta ka na?

EOMMA:
Hi, anak. Ok lang ako dito? Kayo? Musta na kayo ng kapatid mo dyan? Miss na miss ko na kayo.

CHANYEOL:
Ok lang kami ma. Miss na miss na din namin kayo eh. Di pa ba kayo uuwi ma? Ilang taon na kayong nagtatrabaho dyan ah.

EOMMA:
Oo nga nak eh. Gustong-gusto ko na talaga na umuwi dyan. Pero nag-aaral pa ang kapatid mo. Eh anong panggastos natin?

CHANYEOL:
Yun lang. Hay naku. Gustong-gusto ko na kayong mayakap mama.

EOMMA:
Sorry talaga anak ha? Yung kapatid mo kasi eh. Pero ang sabi daw ng kapatid mo, nagtatrabaho ka na daw. Saan ka naman nagtatrabaho nak?

CHANYEOL:
Nakakahiya man pong sabihin ma, pero nagtatrabaho ako ngayon bilang waiter sa restaurant na pinagtatrabahuan din ni Baekhyun eh.

EOMMA:
Bakit? Umalis ka na ba sa pagiging singer ha?

*bigla namang natahimik si Chanyeol sa sinabi ng kanyang mama...

CHANYEOL:
Mama, alam nyo po na naging singer ako?

EOMMA:
Ano ka ba anak? Ang dami ko kaya dyang mata na nagbabantay sa inyo.

(CHANYEOL POV: Hayst mga marites talaga oo...)

CHANYEOL:
Wala na mama. Tumigil na ako.

EOMMA:
Anak naman. Bakit tinigilan mo yun? Eh diba passion mo yun? Pangarap mo yun diba? Alam mo naman palagi na andito lang ako nakasuporta sa gagawin mo kahit na malayo ako diba? Diba?

CHANYEOL:
Sorry talaga mama. Ngayon ko lang kasi narealize na kaakibat pala ng pagiging isang magaling na singer ay kasikatan din na pwede mo ding ikapahamak at ikagulo ng buhay mo.

EOMMA:
Ha? Ano ang ibig mong sabihin, anak?

CHANYEOL:
Mama, kilala mo ba ang napakasikat na soloist ng bansa natin na si Rose?

EOMMA:
Oo naman. Bakit?

CHANYEOL:
Naging boss ko kasi sya at naging partner sa pagiging singer ko eh.

EOMMA:
Oo naman. Alam ko na yan eh.

CHANYEOL:
Mama, pati yan alam mo?

(CHANYEOL POV: Nagsususpetsa na ako ha? Hmp...)

EOMMA:
Oo naman. Ang sabi ko nga, ang dami-dami ko dyang mata sa lugar natin na nagbabantay sa inyo diba?

(CHANYEOL POV: Mama, kahit hindi mo na aminin, alam ko na kung sino ang nagsasabi sa'yo ng lahat ng yan. Hmp...)

CHANYEOL:
So mama, pati ang pagtira dito ni Baekhyun sa atin, alam mo din?

EOMMA:
Oo naman. Kakasabi mo lang eh.

CHANYEOL:
Wala ka na bang work ngayon ma?

EOMMA:
Wala na. Kakatapos lang ng shift ko eh.

CHANYEOL:
Mama, sorry talaga at ngayon mo lang ako na-contact ha? Kasi napakabusy ko talaga nung mga nakaraang araw eh. Kung minsan nga mama ay nagiging makakalimutin na din ako sa mga gagawin ko eh.

EOMMA:
Ok lang anak. Ganun din ang mama mo eh. Naging busy na din ako nung mga nakaraang araw dahil ang daming guests dito sa hotel na pinagtatrabahuan ko ngayon eh.

CHANYEOL:
Bakit ma? Kakashift mo lang ba ngayon ng hotel na pinapasukan?

EOMMA:
Oo anak eh. Pang-anim na ito I think sa ilang taon na pamamalagi ko dito sa France.

CHANYEOL:
Ah...

EOMMA:
Anak?

CHANYEOL:
Yes ma?

EOMMA:
Ano yung ingay na yun? Parang may naglalaro ng cellphone. Kapatid mo ba yun? Naglalaro ng video games?

CHANYEOL:
Oo nga mama noh? Naririnig ko din eh. Teka lang ma. Pupuntahan ko muna sya.

EOMMA:
Sige anak.

*palihim na pinuntahan ni Chanyeol ang kapatid nya sa kanyang kwarto na may dalang unan. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto at pagbukas nya ay nakita nya ang kanyang kapatid na naglalaro ng cellphone sa ilalim ng kumot...

(CHANYEOL POV: Bwiset ka ah...)

*agad nyang binato ng unang bitbit nya ang kanyang kapatid, na dahilan upang tanggalin nya ang kumot sa mukha nya dahil sa gulat...

V: Ahh! Sino yun ha?!

*pagkakita nya kay Chanyeol...

Chanyeol: Bwiset ka. Gising ka pa! Eh anong oras na ha?

V: Sorry Kuya. Eh hindi ako makatulog eh.

Chanyeol: So ano yun? Hindi ka makatulog gabi-gabi kaya nagpupuyat ka sa video games ganun?

V: Eh ikaw. Gising ka pa din naman ah.

Chanyeol: Kausap ko si mama ngayon.

V: Wow talaga Kuya. Pakausap Kuya.

Chanyeol: Wag na. Maaga ka pa bukas.

*agad na umalis si Chanyeol sa kwarto ni V. Pero si V...

(V POV: Akala mo Kuya maiisahan mo ako ha? Hahaha not today big bro...)

*agad na bumangon si V sa kanyang higaan at umalis ng kanyang kwarto...

Chanyeol and Rose Love Story WE DO FIT TOGETHERWhere stories live. Discover now